Carla Humphries on rumor she’s a "kept woman": "I’m not dating anyone and I would be open kung sino ang dini-date ko."

Carla Humprhies on her showbiz plans: "Well, actually, yung last show ko, sexy ako dun, and may bed scene ako dun. Then, nag-FHM ako. So, wala pa namang nagsasabi na kulang. Kasi nag-FHM na ako... lahat-lahat. Para sa akin kasi, ayokong matatak sa kahit na ano... Kumbaga, i-reinvent myself through the characters at hindi ko iibahin ang sarili ko."


Kontrabida na naman ang role ni Carla Humphries sa afternoon soap ng TV5 na Felina: Reyna ng mga Pusa.

Pero ayon sa young actress, hindi naman sobrang masama ng character niya rito kumpara sa karakter na ginampanan niya sa primetime soap na Mga Nagbabagang Bulaklak

"Well, actually, hindi siya kasing-kontrabida ni Ivy Amor [role niya sa Nagbabagang Bulaklak].

"Ang role ko dito [Felina], isa akong bratinella na may puso.

"Nagsimula siya na parang normal siya, na considered maganda, pero hindi napapamahal sa kanya ang mga taong mahal niya—tulad ng nanay niya, yung lalakeng gusto niya.

"’Tapos, dun papasok yung pagiging bitter. Kasi lahat ng mga gusto niyang mahalin, hindi naman nagmamahal sa kanya.

"Dun pumapasok yung galit niya kay Felina [Arci Muñoz].

"Kasi si Felina, taong-pusa, pero naturally, lahat ng tao, napapamahal sa kanya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa press launch ng mga bagong programa ng TV5 noong Miyerkules, February 15.

WHAT ABOUT A LEAD ROLE? Marami ang humahanga sa ganda at husay sa pag-arte ni Carla, pero hanggang ngayon ay parang mailap pa rin sa kanya ang lead roles.

Kuntento na ba siya sa pagganap ng supporting roles o mapasama na lamang bilang isa sa cast members?

Saad ni Carla, "Actually, sa totoo lang, natutuwa ako kasi nakakataba ng puso kapag nilalapitan ako ng mga tao at sinasabi nilang maganda yung ginagawa ko.

"Hindi naman importante kung ano yung role ko—basta nagagawa ko nang tama, napapansin ako.

"Gaya no’ng ginawa ko sa Nagbabagang Bulaklak.

"Hindi naman ako dapat yung main kontrabida. Pero dumating sa point na twins na ako at lahat-lahat.

"Nakakatuwa naman dahil hindi naman porke’t bida ka, yun lang at yun lang ang gusto mo na bida ka, kasi maganda naman yung mga roles na iba."

Ipinauubaya na lang daw ni Carla sa Diyos at sa kapalaran niya ang kung anumang maabot niya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi naniniwala ako na in God’s time, kung ano ang talagang dapat sa iyo, darating yun.

"At kung ipipilit mo, pangit yung kalalabasan.

"So, hangga’t hindi pa ako dumarating sa point na ako nagbubuhat ng sarili kong show, masaya ako dahil nagiging well-rounded na artista ako.

"Para kapag dumating na yung opportunity na yun, hindi ko masasayang kasi na-train ko na yung sarili ko at alam kong kaya ko, confident na ako."

REINVENTION. Kung ire-reinvent ni Carla ang sarili, gaya ng ibang young actresses na dating wholesome pero ngayon ay palaban na, baka nga mapansin na siya nnag husto.

Sabi naman ni Carla tungkol dito: "Well, actually, yung last show ko, sexy ako dun, and may bed scene ako dun.

"Then, nag-FHM ako.

"So, wala pa namang nagsasabi na kulang. Kasi nag-FHM na ako... lahat-lahat.

"Para sa akin kasi, ayokong matatak sa kahit na ano.

"Kumbaga, I reinvent myself through the characters at hindi ko iibahin ang sarili ko."

Nasasabing "malinis" at "hindi exciting" ang image ni Carla kaya hindi siya masyadong napag-uusapan.

Sa palagay ba niya ay dapat magkaroon ng kahit kaunting isyu ang isang artista para mapansin ng press?

"Ano naman, e... I want my work to speak for itself.

"Ayaw ko namang dungisan ang pangalan ko na dadalhin ko habang buhay para lang masabing may bago.

"Ang gagawin ko, may bago na lang akong ipapakita sa acting ko.

"Yung sa personal kasi... I’m a private person.

"And kumbaga, gusto kong maging totoo sa sarili ko.

"Alam ng tao kung totoo ang isang tao sa kanila.

"And ayokong ipilit yung sarili ko na i-project kung sino ako o hindi.

"Pero, I’m willing to be experimental and adventurous sa pag-package sa akin—as long as may plano.

"Pero sa ngayon, kung walang plano na, ’Okey, ito’ng gagawin natin, eto’ng gagawin mo...’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May preparation... ayokong manggaling sa akin."

FOUR YEARS WITHOUT LOVE. Pagdating naman sa lovelife, apat na taon na raw loveless o boyfriend-less si Carla.

"Sobrang boring ba?" natatawa niyang bulalas.

"E, nag-e-enjoy ako. Kasi sa totoo lang, nagku-concentrate ako sa pag-i-improve ng sarili ko ngayon.

"Nagdyi-gym ako ngayon, nagyu-yoga.

"Feeling ko kasi, ang boyfriend, pangmatagalan yun, e.

"Kung hindi rin lang tatagal, e, di huwag na. Saka na lang."

KEPT WOMAN. Nagulat naman si Carla sa usap-usapang "kept woman" daw siya ng isang "very-much married politician."

"Ha?! Naku, I’m not dating anyone and I would be open kung sino ang dini-date ko.

"Hindi ko ikakahiya kung sinuman yun!

"Saka baka naman kasi... yung tito ko at yung lola ko, politician, kaya nasasabi nilang gano’n.

"Pero honest, wala akong dini-date," diin ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN