Louie Ignacio denies following fellow director Mac Alejandre to TV5

Direk Louie Ignacio when asked if he has offers from other networks: "Madami naman, kasi sa commercials, e, maraming offers. Hindi ko lang ano... ba’t hindi ko masagot?"


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang direktor na si Louie Ignacio sa taping ng Kapuso kiddie show na Tropang Potchi noong Huwebes, February 16, sa Studio 4 ng GMA Network Center.

Ang unang tanong namin kay Direk Louie: Totoo bang isa siya sa apat na direktor ng GMA-7 na balitang lilipat sa TV5, pagkatapos ni Direk Mac Alejandre?

Nasa TV5 na si Direk Mac at siyang direktor ng mini-serye ni David Archuleta na Nandito Ako.

"Hindi... kasi mahal ko naman si Manny Pacquiao, mahal ko si Manny," sabi ni Direk Louie, na direktor din ng game show ni Manny sa GMA-7 na Manny Many Prizes.

Alam ba niya na may isyung lilipat na raw siya ng network?

"Hindi naman!" sabay tawa ni Direk Louie.

May offer ba ang TV5 o ibang networks sa kanya?

"Madami naman, kasi sa commercials, e, maraming offers.

"Hindi ko lang ano... ba’t hindi ko masagot?" sabay tawa niyang muli.

Pero dagdag niya, "Hindi kasi... busy kasi ako sa painting ko."

Isa ring painter si Direk Louie at magkakaroon nga siya ng painting exhibit—with watercolor as medium—sa Galleria Anna Art Centre sa Bldg. A ng SM Megamall sa Lunes, February 20, titled "In Full Bloom."

Wala raw kontrata sa GMA-7 si Direk Louie.

"Per show... hindi rin, wala rin.

"Actually, puwede naman akong mag-work with other [networks]... kaya lang, yung loyalty na lang."

Fifteen years na raw si Direk Louie sa Kapuso network, at hindi siya nagkaroon ng kontrata rito kailanman.

"Pero pinapipirma naman ako, kaya lang..."

Mas gusto niya ang word of honor?

"Oo, kaya yung 15 years na yun, loyalty talaga.

"Gusto ko rin yung mga tao... iyon totoo—gusto ko yung mga katrabaho ko," saad ng direktor.

Ano ang naramdaman niya sa pag-alis ng kaibigan niyang si Direk Mac sa GMA-7?

"Career move din naman yun, di ba? ’Wag mong pigilan yung taong ano..." sabi ni Direk Louie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabihan ba siya ni Direk Mac bago ito lumipat?

"Hindi naman, nabalitaan ko na lang.

"Pero nagkausap kami nung birthday ni Redgie [Acuña-Magno, AVP for Drama ng GMA-7].

"I’m happy for him naman.

"Kailangan naman na ganun ang directors, kailangang iba-iba yung ano..."

Paano kung merong tempting offer sa kanya?

"Pinag-iisipan ’yan. Lahat pinag-iisipan," sagot ng direktor.

"BIG" SHOW. Something "big" daw ang next show ni Direk Louie sa GMA-7.

Saad niya, "Ang ikinakatakot ko kasi, pagdating ng June or July, baka mag-daily ang Manny Many Prizes.

"Pero hindi pa sure, pero gusto ni Manny mag-daily.

"Gusto lang niya, pero hindi pa final."

So, kapag may very tempting offer sa ibang channel at pinigilan siya ni Manny, magpapapigil siya?

"’Pag pinigilan ako ni Manny, yes!

"Kasi napakabait, mabait talaga si Manny.

"On- and off-camera, napakabait niya."

At generous daw?

"Hindi ko alam, hindi pa nga niya ako nabibigyan ng pera!" natatawang sabi ni Direk Louie.

"Pero yung ugali niya, iyon yung ikakatagal mo.

"Puwede kong sabihing kahit singko, hindi pa niya ako binibigyan.

"Well, loyalty na rin sa kanya, kung maayos ang ugali, di ba?" sabi ni Direk Louie.

MANNY’S BIBLE STUDY. Balitang concentrated sa pagbabasa ng Bibliya ngayon ang Pambansang Kamao.

Sabi ni Direk Louie tungkol dito, "Alam mo, yung off-camera siya, yung walang pumapansin sa kanya, totoo.

"Hindi mainit ang ulo... Na-delay kami minsan sa taping, hindi mainit ang ulo niya.

"Siya, nasa isang sulok, tahimik, nagbabasa ng Bible. Hindi pakitang-tao.

"Lagi siya sa kuwarto [dressing room], biglang pagpasok ko ng kuwarto, nakaupo, Bible ang hawak.

"’Tapos yung mga nakapaligid, medyo nahahawa na rin sa kanya. Kasi ’pag nagbabasa siya ng Bible, bigla siyang magse-share.

"Imbes na maghintay na mainit ang ulo, nagse-sharing sila ng Bible."

OGIE-MO ISSUE. Si Direk Louie ang TV director ng Mr. & Mrs. A concert ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez noong February 14 sa Araneta Coliseum. Si Randy Santiago naman ang stage director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ng isyu sa successful concert na ito dahil sa naging reaksiyon ni Mo, sa pamamagitan ng Twitter, sa pang-i-spoof ni Ogie sa video diary ng radio-TV host na lumabas noong isang taon.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Direk Louie dito?

"Yung ano... hindi intentional, kasi iba naman yung topic na diniscuss ni Ogie.

"Walang Mo Twister na naganap na pang-ookray.

"Actuallym maganda nga kasi diniscuss niya [Ogie] about love, relationships, walang... nothing negative.

"At saka very... ang uso naman ngayon, di ba, yung nag-i-spoof ka?

"Kahit... lahat naman, mga commercials, ini-spoof mo.

"Nagkataon lang na siguro, nagkataon na nagaya or na-spoof yun; pero hindi iyon yung direktang topic na diniscuss.

"Kung sasabihin mo kasalanan ni Ogie, hindi niya kasalanan, kasi iba yung diniscuss na topic, e.

"’Tsaka marami namang umiiyak na tao sa YouTube... sa ganyan."

Ano naman ang naging reaksiyon ni Direk Louie sa paghingi ng apology ni Ogie kay Mo?

"Humble si Ogie... napaka-humble nung taong yun.

"Kung halimbawa kasalanan man niya or hindi, sorry na lang, ganun lang... ganun naman, e.

"Para matapos na ang usapan, wala ng ano, na hindi sila magkagalit... ganun si Ogie."

Kanino bang konsepto ang video-diary segment sa concert?

"Kila Ogie, kila Randy... Pero kung panonoorin mo, matatawa ka kasi si Ogie yun...

"Kaya nga si Ogie, napaka-humble niya at nag-sorry pa rin siya, which is ang ganda nung ano, di ba?

"At tama yung ginawa niya.

"Nasaktan mo o hindi, sorry... that’s it.

"In fairness to Ogie, napaka-humble nung mama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN