Mommy Divine on daughter Sarah Geronimo: "Kung bibigyan siya talaga ng partner o boyfriend in the future, sana hindi showbiz."

Mrs. Divine Geronimo tells daughter Sarah: "Siyempre, hinahangad ko din kako ng mag-aalaga talaga sa iyo, sasandalan mo. Kahit wala na ako, wala na ang daddy mo, talagang magiging kampante kami na magiging maganda ang buhay n’yo dahil nakatagpo kayo ng matinong tao. Hindi kailangang guwapong-guwapo."


Sa isang pambihirang pagkakataon, pumayag sa mahaba-habang interview si Divine Geronimo, ang ina ni Sarah Geronimo, sa Showbiz Inside Report (SIR) ng ABS-CBN noong Sabado, Pebrero 18.

Sa panayam ni Janice de Belen kay Mommy Divine, una nilang napag-usapan kung anong klaseng pagpapalaki ang naranasan niya sa kanyang mga magulang kaya ganun din ang ginawa niya sa mga anak niya, kabilang na nga si Sarah.

Panglabing-isa si Mommy Divine sa labindalawang magkakapatid.

Hindi na bago sa kanya ang pagsisikap para makaahon sa hirap ng buhay dahil naranasan na niya ito noon.

Salaysay ni Mommy Divine: "Marami kaming magkakapatid. I’m the second from the youngest.

"Hindi ko talaga naranasang lumabas. Talagang school-bahay ako.

"And then working during daytime. And then gabi ako nag-aaral. Walang nasasayang sa oras ko.

"Pinalaki kami ng mga magulang namin at saka lola ko. Lola ko talaga, sobrang madasalin at saka sobrang bait.

"So, parang sa akin, parang na-inherit ko yung pagiging ganun na istrikto yung parents ko, yung lola ko.

"Maganda yung kinalakihan namin.

"Sobra kong minamahal yung kung paano ko nakita sa mga matatanda namin na kung paano nila pinapalaki yung mga dalaga.

"Talagang tinandaan ko yun."

OBEDIENT CHILD. Ang konserbatibong pagpapalaki kay Mommy Divine ang naging gabay niya sa pagtataguyod sa kanyang pamilya, lalo na kay Sarah na mula pa pagkabata ay kinakitaan na niya ng pagkahilig sa pagkanta at pag-aartista.

Paglalarawan ni Mommy Divine kay Sarah noon: "Bubbly, masayahin, mabait na bata.

"Mababaw ang kaligayahan. Talagang masunurin.

"’Pag binigyan mo siya ng food o kung anuman, kahit masama ang lasa, ’pag sinabi mo, ’Anak, makakabuti sa iyo ’yan. Inumin mo.’

"Like yung mga pampaano [pampaganda] sa voice, di ba? Meron siyang iniinom na ang sama-sama talaga ng amoy at saka ng lasa.

"Maliit pa siya, four years old, nagti-TV siya— Channel 9 yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta every weekend, alam niya, ’Ay, magti-TV ako. Gusto ko yun.’

"So, talagang iinumin niya yun kahit masama ang lasa.

"’Tapos yung mga may luya, ganun... Lahat ginagawa niya, sinusunod niya lahat."

Pero kung gaano katutok si Mommy Divine noon sa paglaki ni Sarah, mas doble pa ang tutok at pagiging istrikto niya ngayong ganap nang dalaga ang anak.

"Nakakalabas naman [si Sarah] with yung mga kaibigan namin, na yung trusted talaga. At saka yung mga anak kong babae.

"I understand naman na gusto niyang lumabas, makipag-ano sa kaibigan.

"Pero sa nakikita ko sa attitude niya, sa ugali niya, nakakaawa siya. Hindi siya puwedeng basta-basta iwan.

"Kasi siyempre, intindihin din naman na, yun nga, wala siyang masyadong exposure.

"Hindi siya yung katulad ng ibang bata na gala.

"Very sincere siya. So, nakakaawa siya kung mapaglalaruan," saad ni Mommy Divine.

SARAH’S LOVELIFE & FIRST HEARTBREAK. Kung hanga raw ang lahat sa pagiging masunurin ni Sarah sa kanyang mga magulang, dumating din daw sa puntong nagulo ang kanilang pamilya dahil mas pinili niyang pakinggan ang isinisigaw ng kanyang puso.

Bagamat hindi nabanggit sa panayam ang pangalan ni Rayver Cruz, alam naman ng lahat kung ano ang nangyari sa patagong relasyon nila ni Sarah na naging sanhi ng unang heartbreak ng Popstar Princess.

Pahayag ni Mommy Divine tungkol dito: "Meron siyang sinabi na, ’Mommy, ganito lang naman. Hanggang dito lang naman ako. Magtiwala kayo sa akin.’

"Pero siyempre, still, sinasabi ko sa kanila na, ’Ang babae, pinapangalagaan lahat. Ang lalaki, kung talagang may respeto sa iyo, sa magulang mo, hindi ka liligawan through text messages. Lalo pa kung alam naman nila na iniingatan ka nang todo ng magulang mo.’

"Nakita ko yung anak ko kung paano siya nasaktan.

"Alam mo yung to the point na halos mamatay na kami sa sama ng loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang wala na kaming ginawa ng daddy niya kundi magdasal nang magdasal... 3 a.m., 6 a.m., 12 midnight, we prayed a lot.

"And then, na-realize niya na, ’Mommy, I’m very, very sorry. Mabuti na lang nandiyan kayo. Tama pala kayo. Sorry, mommy.’

"Sabi pa niya, ’Mommy, sorry po, muntik ko na kayong suwayin. Mabuti na lang hindi n’yo ako iniwan. Hindi n’yo ako tinantanan.’

"Nakakaawa... Alam mo, dumating yung point na alam ko umiiyak din. Hindi niya alam na mas umiiyak ako.

"Pero sabi ko, kailangan kong tiiisin.

"Kailangan ang magulang talaga, tiisin mo kung yun ang tama.

"Kahit magalit pa ang anak ko, kung iyan ang alam mong tama at itinuturo ng Diyos, panindigan mo.

"At the end, siya ang makikinabang."

PRAYING FOR THE RIGHT GUY. Dumaan man sa pagsubok ang puso ni Sarah, kailanman ay hindi siya iniwan ng kanyang pamilya at mga magulang.

Ang hiling pa nila, mahanap sana niya ang lalaking tunay na magmamahal sa kanya.

Sabi ni Mommy Divine: "Lahat naman tayo humihiling sa Diyos ng the best para sa mga anak, di ba?

"Sobra naming pinagpe-pray kay Lord na, this time, kung bibigyan siya talaga ng partner o boyfriend in the future, sana hindi showbiz.

"Gusto naman namin na mentally, emotionally, ganun.

"Siyempre, financially, masusuportahan din ang anak ko.

"Siyempre, hinahangad ko din kako ng ’Mag-aalaga talaga sa iyo, sasandalan mo.

"’Kahit wala na ako, wala na ang daddy mo, talagang magiging kampante kami na magiging maganda ang buhay n’yo dahil nakatagpo kayo ng matinong tao.

"’Hindi kailangang guwapong-guwapo."

GERALD ANDERSON. Napapabalita ngayon na si Sarah ay mas napapalapit kay Gerald Anderson.

Ang lahat ay nakatutok kung mauuwi nga ba sa isang espesyal na relasyon ang dalawa, lalo na’t sila ang magkasama noong nakaraang Araw ng mga Puso.

Nagpapasalamat nga si Gerald sa magandang pakitungo sa kanya ng pamilya ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon ni Mommy Divine dito: "Alam mo, yung mga ligaw-ligaw, ligaw lang iyan, e.

"Ang magde-decide pa rin, yung anak ko.

"Huwag niya lang kakalimutan yung mga pangaral namin.

"Sinasabi ko, ’Do not follow your heart.’

"Kailangan una sa lahat ang Diyos. Pangalawa, isip, yung isip mo gagamitin mo.

"Kasi minsan ’pag ito [puso] lang ang follow mo, most of the time magkakamali ka. Iiyak ka.

"Pero not all the time naman."

Matinding panghuhusga man ang pinagdaraanan ni Mommy Divine dahil sa pagpapalaki niya kay Sarah, ang kanya namang pinanghahawakan ay ang taos na pagmamahal niya para sa kanyang anak.

"Kahit sabihin pa nila na nega na ganito ako, ganyan, wala akong nakikitang masama sa ginawa ko sa anak ko.

"Kasi kung may masama kaming ginawa or ano, siguro hindi mo makikitang ganyan siya.

"Sabi ko sa kanya [Sarah], ’Anak, kahit anong mangyari, basta nandito kami, nandito ako.

"’Kahit may mga pamilya na kayo, ang nanay talaga nandiyan na samahan talaga yung anak.

"’Pinaninindigan ko ang stand ko na hindi kita pababayaan until the end.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN