Luis Manzano on settling down: "Siguro it’s safe to say I have lived my life and there’s always a new chapter waiting to be explored."

"When everything has been said and done, siguro it’s safe to say I have lived my life. And... there’s always a new chapter waiting to be explored," says Luis manzano when asked if he’s now ready to get married.


Sobrang excitement daw ang nararamdaman ni Luis Manzano sa nalalapit na pagbabalik sa ere ng Kapamilya Deal Or No Deal, na magsisimula sa February 25.

Si Luis na ang bagong host nito kapalit ni Kris Aquino.

"I’m very proud and anxious.

"Kausap ko nga ’yong staff [ng show] kanina, and they’re very, very happy with the outcome," sabi ng TV host-actor nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos niyang mag-guest sa The Buzz kahapon, February 19.

Nakapag-taping na raw sila ng pilot episode ng nabanggit na game show, pero aminado siyang may nararamdaman pa rin siyang kaba.

"Oo, ninenerbiyos pa rin ako. But still, I believe in the show.

"Kahit pa’no naman, alam ko ang mangyayari.

"I’m just very excited sa pinaghirapan ng mga tao sa likod ng camera," sabi ni Luis.


WHAT TO EXPECT FROM THE SHOW. Marami umanong bagong aabangan ang viewers sa muling pag-ere ng Kapamilya Deal Or No Deal.

Kuwento ni Luis, "This time, ang mangyayari ay... may 24K girls, hindi na 26.

"’Tapos iba na si Banker. Mas malupit na si Banker ngayon.

"At mas marami nang factors na dapat abangan.

"Hindi na ito ’yong simpleng offer ni Banker, ’Deal.’ Tapos ilalaban. Or ’No deal... ituloy natin ang game.’

"May offer na rin si Banker para sa family [ng contestant].

"May papasok din na puwede mo nang i-swap ang briefcase mo... marami nang pagbabago."

LUCKY AND HAPPY. Halata sa mukha ni Luis na masaya siya at kuntento sa nangyayari sa buhay niya ngayon.

Okay ang takbo hindi lang ng kanyang lovelife kundi maging ng kanyang career.

Bukod sa pagiging host ng Kapamilya Deal Or No Deal ay co-host din siya ni Sarah Geronimo sa Sarah G. Live, ang bagong musical show ng Pop Princess.

May pelikula rin siyang ginagawa ngayon, ang Moron 5 and the Crying Lady, kung saan kasama niya sina Marvin Agustin, Billy Crawford, Martin Escudero, DJ Durano, at John "Sweet" Lapus. Mula ito sa direksiyon ni Wenn Deramas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TIME FOR JENNYLYN. Sobrang busy man siya ngayon sa trabaho, may panahon pa rin naman daw sila ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado para sa isa’t isa.

Nitong katatapos nga lang na Valentine’s Day ay magkasama sila sa Batangas, kung saan halos linggu-linggo rin ay nagda-diving sila.

"It was something very intimate," nangiting sabi ni Luis.

"Sabi nga namin, ayaw naming maipit sa mga traffic... ’yong usual na day. So this time, we spent it underwater."

Sumunod ba sa kanila ang mommy niyang si Batangas Governor Vilma Santos?

"Hindi siya nakasunod. Pero there was one time na nakasunod si Mommy dahil, of course, Batangas nga iyon.

"Nando’n siya malapit. Nagkasama sila [ni Jennylyn] doon sa resort."

Ikinatutuwa raw ni Luis na magkasundo si Jennylyn at ang mommy niya. Kaya siguro kahit sino ay mapapansin na ganito siya kasaya ngayon.

Pero aniya, "Siguro, mas maganda sa pakiramdam na sila ang nakakakita, instead na ako ’yong tumatakbo na nagsisisigaw, ’Masaya ako! Masaya ako! Masaya ako!’"


WEDDING BELLS? Masasabi nga bang si Jennylyn na ang babaeng makakatuluyan niya?

Sagot dito ni Luis, "Well, I’m very, very happy and it’s only a matter of time.

"Time can prove me right. Time can prove me wrong. But hopefully.

"At the end of the day, kung sino man ang mamahalin talaga ng puso ko nang buong-buo, na ihaharap ko talaga sa Diyos at sa pamilya ko, long way to go.

"Alam ko na... of course, she [Jennylyn] has a family too, kaya ayoko namang biglain na, ’Yes, pakakasalan kita!’"

Pero pakiramdam daw ni Luis sa ngayon, parang handa na niyang pasukin ang pag-aasawa at pagbuo ng isang pamilya.

"I’m not getting any younger. And siguro... yes!

"When everything has been said and done, siguro it’s safe to say I have lived my life and there’s always a new chapter waiting to be explored."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN