TJ Trinidad excited about international run of The Road; tells manager Annabelle Rama to avoid Twitter

TJ Trinidad on the international run of The Road: "Hindi ko alam kung first time ito, na talagang commercial release, parang first time nga, so we’re very, very proud of this. So, talagang wow! I cannot express how happy I am. I’m very excited for it. It’s a milestone I think for GMA Films and also for us, the actors, and our director."


Hindi maikubli ang tuwa ni TJ Trinidad nang ipagmalaki niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagpapalabas sa North America ng The Road simula sa Mayo 11.

Si TJ ang isa sa artista ng pelikulang ito ng GMA Films. Kasama rin dito sina Carmina Villarroel, Marvin Agustin, Rhian Ramos, Alden Richards, Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Ynna Asistio, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, at Jaclyn Jose.

Sabi ni TJ, "Alam mo, tuwang-tuwa ako, sobra!

"Siyempre, I mean that’s a commercial release, it’s not just select theaters, it’s a hundred!

"That’s a big deal, that’s not small potato. A hundred theaters is a lot so the fact na... imagine, US and Canada, that’s a lot!"

Dagdag pa ng Kapuso actor, "I mean, it’s really something na nakaka-proud talaga.

"Hindi ko alam kung first time ito, na talagang commercial release... parang first time nga, so we’re very, very proud of this.

"So, talagang wow! I cannot express how happy I am. I’m very excited for it.

"It’s a milestone, I think, for GMA Films and also for us, the actors, and our director."

Si Yam Laranas ang nagdirek ng The Road.

CHALLENGING ROLE. May pagka-evil ang role ni TJ sa The Road. Gaano ka-challenging sa kanya ang mga ganitong klaseng roles?

"Hindi naman sa mas gusto, pero it’s very challenging and, you know, I don’t know of any actor who doesn’t wanna do a challenging role.

"So when I was given that role, siyempre I’m so happy that I was given that chance.

"So I definitely like doing layered character that doesn’t necessarily mean that the character is bad or good, but just someone that’s just multi-faceted.

"Na it doesn’t have to be a good guy or a bad guy. Lahat naman tayo may iba-ibang aspeto ng personalities natin, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As the young TJ sa pelikula, nabigyan daw ng justice nina Alden Richards at Renz Valerio ang naturang role sa The Road.

"Oh, yeah! Alden and Renzo, they both did a great job, an awesome job. I was very, very proud of their work.

"Nung napanood ko first time, I congratulated both of them personally.

"And credit to Direk Yam Laranas also because yung consistency ng direction niya, na-impart niya sa aming tatlo."

ANNABELLE RAMA. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni TJ sa away sa pagitan ng kanyang manager na si Annabelle Rama at ni Nadia Montenegro.

Pero asam ng aktor, "Sana matapos, sana matapos na. Sana makapagpahinga na siya."

Hindi mapagkakailang stressful ang mga ganitong kontrobersiya, kaya ano ang kanyang maipapayo sa kanyang manager?

"Oo, kasi you know what, you cannot quantify with regards with the effects that it will have to your health.

"And stress is a very, very dangerous thing to have on a daily basis.

"You sleep stressed, you wake up stressed, that’s not the healthiest thing.

"So for her sake talaga, sana there might be a way to settle it amicably or just to settle it, so that she can just move on from that chapter of her life already."

Pareho yatang ayaw makipag-settle nina Annabelle at Nadia?

"If that’s the case, matapos siya expeditiously so that, you know, hindi tumagal.

"And like I said, so she can finally have time to breathe and rest and, you know, focus on what she does best—and that’s being a manager, you know."

Naging malaking bahagi rin ng gusot nina Annabelle at Nadia ang social networking sites, gaya ng Twitter. Pero napag-alaman ng PEP na si TJ pala ay walang Twitter at Facebook account.

"Wala. I don’t really feel the need for it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat ng mga friends ko, I’m in touch with naman, e.

"And Twitter, it’s good also, but it’s just not for me.

"I mean, there are many advantages or pros, but marami ding disadvantages.

"And for Tita Annabelle’s sake, she should avoid it," sabi ni TJ.

KOKAK. Sa Marso ay matatapos na ang afternoon drama series ng GMA-7 na Kokak, kung saan si TJ ang isa sa leading men ng bidang si Sarah Lahbati.

Ayon kay TJ, "I will miss lahat, yung buong cast and crew, kasi masaya yung taping.

"Magkakasama kami lagi sa tent nina Sarah, sina Ervic [Vijandre], si JC [Tiuseco], tsaka si French [Frencheska Farr].

"So, maganda yung camaraderie namin, maganda yung bonding.

"Si Tita Caring [Caridad Sanchez], mami-miss namin siya, palabiro din siya.

"So we will miss everybody."

ON SARAH.Ano naman ang masasabi ni TJ sa kayang 18-year-old leading lady na si Sarah?

"I think she’s gotten more mature from the very beginning.

"You know, in terms of like kung paano niya ginagampanan yung role niya, yung atake niya sa role niya.

"And she’s always been disciplined naman, e.

"From the very beginning, alam na niya yung lines niya, prepared siya.

"Pero I suppose when it comes to the depth of how she portrays her scenes, malalim.

"That comes also with experience. I mean, you know, when you’re acting naman, life experiences help you with regards to your range, e.

"Well, obviously, she’s very young, but the experiences she’s getting throughout the tapings, you can see the growth."

ON FATHERHOOD. Ikinasal na si TJ sa long-time girlfriend niyang si Margarita "Marga" Valdes noong December 28, 2011.

Ano ang pinakamalaking pagbabagong nadiskubre ni TJ ngayong kasal na siya?

"Iyong hindi ka na accountable [lang] sa sarili mo.

"When you make decisions, you have to think about how does it affect both of you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Will it be positive or you know... iyon yung biggest change—you’re answerable not only to yourself but to your partner," sabi niya.

Wala naman daw pagbabago sa lifestyle niya. Siya raw yung tipong gusto nang makauwi agad sa bahay after work to see his wife.

"Oo, eksakto! Or in between tapings.

"Kung on-call, kung mahaba yung hintay, kung on-call, umuuwi ako."

May plano na ba silang magkaroon ng anak ngayong taon?

"Yeah, yeah!" bulalas ni TJ.

"You have to think that way, you just can’t be... parang you can’t be like before, you have to be selfless.

"We will see what happens kasi... we’re not avoiding it naman, pero ayoko ring magplano kasi mahirap na ’pag may plano, e, di ba?

"So, kung bibigyan kami ng blessing, we welcome it, we will welcome it siyempre."

Ano ang gender preference nila sa una nilang anak?

"Wala, basta healthy... basta healthy, it doesn’t matter."

Tila sinimulan na ni TJ ang "trend" sa Kapuso male stars na nagpapakasal na. Pagkatapos kasi niya ay ikakasal naman sa October 2012 si Marco Alcaraz sa beauty queen na si Precious Lara Quigaman.

"Trendsetter ba ako? Okay yun, a!" natatawang reaksiyon dito ni TJ.

"Yeah, it’s great, you know. I’m so happy about it, I’m happily married, so excited ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN