(2ND UPDATE) Hayden Kho Jr. retracts earlier allegations: "Vicki DID NOT have an affair with that guy."

A few hours after insinuating that his ex-girlfriend Dra. Vicki Belo cheated on him, Hayden Kho Jr. posted these messages on Twitter at dawn today, February 21: "I am saying this as plain and as simple as I can. Vicki NEVER cheated on me. And about Nancy, it is also not true that we were dating or were having an affair. I hope that clears her name and my name as well. I hope that this ends it all. Vicki did not cheat on me. I did not cheat on Vicki. And Al an


Binawi agad ni Hayden Kho Jr. ang mensahe niya sa Twitter na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng affair ni Dra. Vicki Belo sa isang lalaki na pinangalanan niyang Al Galang.

Kagabi, February 20, nag-tweet si Hayden ng dalawang messages na tinawag niyang "real proof of infidelity."

Pero ngayong madaling-araw, February 21, ay biglang kumambiyo ang dating cosmetic surgeon.

Ayon kay Hayden, nagawa lamang niyang mag-tweet ng mga ganun tungkol kay Dra. Belo "[at] the height of my anger."

At taliwas sa mga una niyang paratang, idiniin ni Hayden na, "Vicki DID NOT have an affair with that guy."

Ang "that guy" na tinutukoy niya ay si Al, isang yoga instructor.

Base sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Internet, si Al ay lumaki sa San Diego, California.

Bago naging yoga instructor ay naging modelo muna siya at nanalong second runner-up sa Mossimo Bikini Summit noong 2007.

Kalakip sa tweet kagabi ni Hayden ang larawan ni Al, pati na ang diumano’y handwritten letter ni Al para kay Dra. Belo na may petsang "10/16/11."

Pero ilang minuto lamang pagkatapos niyang i-post ang mga mensaheng ito ay binura rin agad ni Hayden.

Sa kanyang tweet ngayon, sinabi nito na bagamat totoo ang letter, "Vicki and I spoke about it already and I believe her."

Nagkausap na rin daw sila ni Al at humingi raw ng paumanhin ang huli tungkol sa letter.

"I have forgiven him and that’s finished," sabi ni Hayden.

Sa pangalawang pagkakataon, sinabi ulit ng doctor-turned-entrepreneur: "Vicki NEVER cheated on me."

NOT HAVING AN AFFAIR. Samantala, pinabulaanan din ni Hayden ang nababalitang relasyon diumano nila ni Nancy Castiglione.

"And about Nancy, it is also not true that we were dating or were having an affair. I hope that clears her name and my name as well," pahayag ni Hayden sa Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Vicki did not cheat on me. I did not cheat on Vicki. And Al and Nancy have got nothing to do w/ this."

GOODBYE TWITTER AND SHOWBIZ. Tinapos ni Hayden ang kanyang tweet sa pag-aanunsiyo na isasara na niya ang kanyang Twitter account.

Hindi na rin daw itutuloy ni Hayden ang plano niyang balikan ang showbiz na ngayon ay tinatawag niyang "that world."

HAYDEN’S LAST TWITTER ENTRIES. Narito ang kabuuan ng mga huling tweets ni Hayden:

"[At] the height of my anger, I tweeted those things and now I regret it.

"So please allow me to fix this.

"First, that letter was real. But Vicki and I spoke about it already and I believe her. Vicki DID NOT have an affair with that guy.

"Al and I spoke already and he had apologized to me about that letter. I have forgiven him and that’s finished.

"I am saying this as plain and as simple as I can. Vicki NEVER cheated on me.

"And about Nancy, it is also not true that we were dating or were having an affair. I hope that clears her name and my name as well.

"I hope that this ends it all. Vicki did not cheat on me. I did not cheat on Vicki. And Al and Nancy have got nothing to do w/ this.

"And so, finally and officially, I am quitting this Twitter account and abandoning my previous plan of going back to THAT world.

"Thanks and bye. See you around."

DRA. BELO’S TEXT MESSAGE TO PEP. Nagpadala naman ng maikling text message si Dra. Belo sa managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan ngayong umaga, February 21, bilang tugon sa aming request na makuha ang kanyang panig sa naging mga pahayag ni Hayden.

Ito ang mensahe ni Dra. Belo:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’ve decided not to say anything because things keep getting worse. But thank you for being fair."

Hiningan din ni Karen ng pahayag ang anak ni Dra. Belo na si Cristalle Henares, at ito ang naging tugon niya sa text din ngayong umaga:

"Thank you so much for making Pep a venue to air doctor Belo’s side. I talked to her this morning and she made it clear that she and Hayden decided not to talk to the press anymore. Again thank you for your kind offer. Have an awesome sunny day!"

DRA. BELO IS BACK. Kahapon ng madaling-araw, February 20, ay bumalik na sa bansa si Dra. Belo mula sa Los Angeles.

Sa kagustuhan niyang makaiwas mula sa mga nag-aabang na press ay nag-disguise si Dra. Belo pagdating niya ng airport.

Sumakay siya sa wheelchair at tinakpan ang kanyang mukha ng pashmina shawl.

Pero may nakakilala pa rin sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi magpaunlak ng interview.

Ilang oras pagdating niya ay nag-tweet si Dra. Belo ng mga sumusunod na mensahe kaugnay ng naging relasyon nila ni Hayden:

"...To all those who care I’m doing ok. I’m still sad of course but it would be weird if I wasn’t since in 3 months we would have been together 7 years. Im trying [to] figure out what lesson I’m supposed to learn from this.

"People are saying I was stupid for getting involved with a much younger man. Do you tweeps think an older woman-younger man thing wont work?"

Ang tweeps ay mga Twitter people o mga Twitter followers ng isang tao.

Dagdag pa niya, "Just came from the blessed sacrament. I used to go at least once a week. Then. I stopped. It’s so peaceful there I thanked God for my many...

"Many blessings . My wonderful parents and children. My beloved carreer my wonderful staff and doctors. Yes I even thanked God for the good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I most especially thanked God for all of you tweeps. You guys were the first to know, when I found out and had proof I tweeted immediately."

Matatandaan na noong February 10, Biyernes, ay pumutok ang balitang break na sina Dra. Belo at Hayden.

Ito ay matapos mag-post ni Dra. Belo sa Twitter ng mensaheng ito: "nancycastilogne you can now openly date @haydenjr. You have my blessings. Hope you’ll both be happy."

Pero mabilis na sumagot si Hayden, sa pamamagitan din ng Twitter, at sinabing, "Before things go out of hand: Vicki and I are just having a misunderstanding. Don’t make conclusions. There’s NO infidelity issue here."

(CLICK HERE to read related story.)

Itinanggi rin ni Nancy sa phone-patch interview nito sa Startalk noong February 11 na may namamagitan sa kanila ni Hayden.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero noong February 13, isang araw bago ang Valentine’s Day, ay lumipad patungong Los Angeles si Dra. Belo nang hindi kasama si Hayden—isang indikasyon na baka nga totoong break na sila.

Bago nangyari ang lahat ng ito ay may balak nang magpakasal sina Dra. Belo at Hayden.

This article was first updated on 10:30AM—Editor


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN