Marvin Agustin appointed Optical Media Board’s new anti-piracy campaign ambassador

Marvin Agustin on his apointment as OMB’s ambassador for it’s anti-piracy campaign: "Kung meron silang mga campaigns, kung meron silang pupuntahang lugar na kailangang magsalita ako, to encourage people get the original copy at tigilan na ang pirated. Ako rin personally, sa mga events na pupuntahan ko, marami akong mga events na gagawin e, so tutulong ako to encourage people and educate them kung gaano kahirap at gaano kasakit mapirata.&quo


Kilala si Marvin Agustin hindi lamang bilang isang magaling aktor kundi isa ring magaling na negosyante.

Ilang restaurants na ang kanyang pinamahahalaan at nakapag-produce na rin siya ng international concerts.

Tuluy-tuloy rin ang pagtulong niya sa entertainment industry sa pagdi-distribute ng DVDs at VCDs ng local films.

Kamakailan lamang ay itinalaga siya ni Optical Media Board Chairman Ronnie Rickets bilang ambassador ng anti-piracy campaign.

Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marvin Agustin noong nakaraang Febrero 15, Miyerkules at exclusive naming silang nakapanayam upang alamin ang mga detalye tungkol sa pag-atas ni Chairman Ronnie kay Marvin Agustin.

OPTICAL MEDIA BOARD. "Hindi, kasi alam naman nating lahat na I’m doing concert production aside sa restaurant business ko, and I’m really expanding it to entertainment production," bungad na sagot ni Marvin.

"Eto sinisimulan ko by helping anti-piracy here in the Philippines.

"Tinutulungan ko yung Octo Arts sa movie nila na My House Husband.

"I’m encouraging everybody to buy original. Masakit at napakahirap na napipirata yung mga pinaghirapan nyo."

"Na experience ko yun nung napunta ako sa concert production ko, tapos gumagawa ako ng pelikula.

"’Tapos nyong pag hirapan, may ibang nakikinabang dahil nga pinirata.

"Napakahirap para sa producers yun. Iniisip ko na parang ang mura ng pirata, syempre yun ang bibilhin ng mga tao.

"Pero pag nagtatrabaho ka pala behind the camera, you’re the one investing para mapasaya mga tao pero iba ang nakikinabang... talagang napaka sakit.

"Konting dagdag [na lang] sa pagbili nila, I just hope people would get original copies.

"Makakatulong ito sa mga producers to do more films at iba’t ibang klaseng entertatinment for them pag buhay na buhay ang entertainment industry, pero pag namatay to, wala na rin naman silang pipiratahin di ba? "

"Now, I’m so happy na, magagawa namin ito sa OMB with the help of Chairman Ronnie Rickets, at ako bilang bagong ambassador ng anti-piracy campaign."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking resposibilidad ang maging OMB ambassador ng anti-piracy campaign at ito’y inamin naman ni Marvin. Bakit niya naisipan na maging ambassador at ano ang maitutulong niya sa OMB?

"I volunteered, since kami nga ang mag release ng DVD at VCD copy ng My House Husband, in-approach namin ang OMB for extra help.

"Dun ko nga na realize na pag sa akin pala nangyari ang mapirata ay masakit.

"Di naman namin ito magagawa on our own, kailangan namin ang tulong ng tao to get the original one."

RESPONSIBILITIES. "Kung meron silang mga campaigns, kung meron silang pupuntahang lugar na kailangang magsalita ako to encourage people get the original copy at tigilan na ang pirated.

"Ako rin personally, sa mga events na pupuntahan ko, marami akong mga events na gagawin eh.

"So, tutulong ako to encourage people and educate them kung gaano kahirap at gaano kasakit mapirata."

Sa dinami-dami ng mga entries sa MMFF, nabanggit ni Marvin kung bakit My House Husband ang kanyang napiling i-produce sa DVD at VCD. At maaaring ituloy pa rin niya ang pag-produce para sa iba pang pelikula.

"Si Boss Orly kasi ay naging manager ko before, kaya ang dami kong nagawang movie sa Octo Arts Film, kaya nung napag-usapan naming naghahanap sya nang mag-distribute ng DVD at VCD ng My House Husband, ayun tinulungan namin agad.

"Sabi ko, palakihin na natin, not just sell DVD’s, let us educate people kung ano’ng mga DVD’s at VCD’s yung dapat nilang bilhin, so this is not just My House Husband, this is my help to the OMB na mag-encourage ng tao na bumili ng original."

"Yes, saka gusto ko ring mga produce ng pelikula eh, siguro magandang preparation na rin ito.

"Campaign na rin ito para sa mga producers, pati na rin sa mga artista na tumulong kami para isigaw sa mga Pilipino na huwag mag pirata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mukhang hindi lamang pag-produce ng VCD at DVD ang plano ni Marvin, balak ba rin niyang mag-produce ng sarili niyang pelikula na pang-Cinemalaya?

"Wala pa, pero yun yung isa sa mga i-expand ng negosyo ko, ang mga produce ng pelikula."

"Hindi pa ganun ka specific, but of course I’ved like to help Cinemalaya, gusto ko ring mag Manila Film Festival, basta this year gusto kong mag produce ng pelikula kung ano man yun wala pang details."

"Pwedeng hindi ako ang mag-artista, pero gusto ko talagang mag-produce."

UPCOMING CONCERTS. Napag-usapan din ang mga plano niyang pag-produce ng mga concert, at tinanong din ng PEP kung pupunta si Madonna.

"Yan din, to be finalized pa yan. Hindi pa namin alam kung sinong susunod! Pero mayroon na kaming line-up."

"Of course, ang lagi ko namang sagot dyan ay lahat naman tayo ay gustong mag concert dito si Madonna, dib a? If we can afford, kung kaya ng company namin, we will produce the concert of Madonna."

Ano na ang status, may mga negosasyon na bang nangyayari for that concert?

"Konti, meron na!"

"Mahirap magsalita eh, basta of course as a promoter as a producer, gusto naming madala si Madonna dito sa Pilipinas, lalo na after watching "Super Bowl," concert nya.

"Wala pang nakagagawa ng ganung klaseng concert na katulad ng ginawa nya sa "Super Bowl."

"We are hoping na kami ang makapagdala ng ganung klaseng concert, na ganun ni Madonna dito sa bansa. Pero pa rin hindi natin masasabi?"

Sa mga local artists ba, mayroon ba siyang plano na I produce na concert at ao pang mga projects ang naka-linya nagyon taon?

"Meron, si Angeline Quinto, tinutulungan namin sya para sa concert nya sa April 14 sa Bacolod, so kami co-producer ng concert nya dun."

"Doing a teleserye more on TV5. Movie with Viva Films, I think April 7 ang showing, kasama ko dun si Luis Manzano, Billy Crawford, DJ Durano at Martin Escudero."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayo’y hindi naka-kontrata si Marvin sa anumang network, personal choice ba nya ang mag-free lance?

"Yes, personal choice ko yun. Naka kontrata ako sa industry.

"Parang nasa stage ako ng buhay ko na, gusto mo mas marami kang options, hindi ako malilimit sa, halimbawa gusto ko yung project pero hindi ko magawa kasi I’m under contract with the station.

"Pero kung free lance ka, naka focus ka sa project kung ano yung maganda at dapat gawin, yung ikakasaya mong gawin.

"Pag naka kontrata ka, parang yun lang kasi ang available, so mapipilitan ka nalang gawin kahit di mo gusto yung role."

OMB CHAIRMAN RONNIE RICKETS. May pahayag din ang Chairman ng Optical Media Board na si Ronnie Rickets tungkol sa appointment niya kay Marvin bilang isang ambassador ng anti-piracy campaign.

"We need people like Marvin Agustin, has a very good image, napakalaking tulong dahil kilala sya, marami siyang follower, yung youth factor nya nandun eh.

"It’s about time, we need people to support us on that campaign that goes around campuses, goes around out-of-town gigs.

"Si Marvin kasi nag-promise sya na kapag may out-of-town shows, sya ay i-promote nya yung anti-piracy campaign na ito.

"That’s a very big help for us," pagmamalaki ni OMB chairman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN