PEP EXCLUSIVE: Angelicopter claims she got axed from morning radio show because of Grace Lee

Kinumprima ni Angelicopter na ang dating kasamahang si Grace Lee ang dahilan ng pagkakatanggal niya sa radio program na Good Times. "I’ve been aksed about this several times and as you may have noticed, we are no longer together on the radio show Good Times with Mo. The reason behind this was because Grace told our management that she will no longer appear on a show with me. This stems from some unfortunate is


Hindi na kabilang sa radio program na Good Times ang sexy disc jockey na si Angelicopter.

Kinumpirma mismo ito ni Angelicopter sa pakikipagpalitan namin ng text messages sa kanya ngayong hapon, Pebrero 21.

"I will definitely miss the listeners. A whole lot. And I really appreciate how kind the management has been," aniya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Angelicopter, ilang linggo na raw ang nakararaan nang ipaabot sa kanya ng management ng Magic 89.9 ang desisyon nila na tanggalin siya sa programa.

Ang dahilan daw nito ay sinabi ng co-host niyang si Grace Lee na ayaw na siya nitong makatrabaho.

Sabi pa ni Angelicopter, "Dapat break lang. Pero decided na nga ni Grace that she can’t work with me anymore."

Simpleng tampuhan at hindi pagkakaunawaan daw ang pinag-ugatan nito.

"May miscommunication kasi nagkasabay kami nag-invite ng guests sa show. Napikon siya. Humirit siya. So ako rin napikon. Humirit din ako.

"As you see, hindi nga big deal.

"Unfortunately, she decided that she can no longer work with me on the show.

"I wish we could’ve patched it up. Kasi normal lang ’to nangyayari sa programa."

Ilang beses umanong sinubukan ni Angelicopter na makipag-usap at makipag-ayos kay Grace, subalit ang Korean host daw ang tumatanggi.

"Throughout the past month, I’ve been trying to reach out to Grace in order to fix our issues, but she refuses to patch up any misunderstandings.

"She even walked out on the show when she saw me in attendance.

"I knew then that day that she will refuse any attempts at good will or for any desire to patch things up."

"Seniority" raw ang naging rason ng management kung bakit mas pinaboran nila si Grace kaysa sa kanya.

Nauunawaan naman daw ito ni Angelicopter, at hiling niya ngayon na sana’y maayos din ang lahat sa tamang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Its no one else’s fault but Grace and myself.

"I wish her the best with her new boyfriend," pagtukoy pa ni Angelicopter sa nababalitang boyfriend ngayon ni Grace na si Pangulong Noynoy Aquino.

Taong 2010 nang unang maimbitahan ang dating listener na si Angelika Schmeing upang maging guest co-host ng Good Times.

Sumikat siya sa ibang listeners dahil sa pagbanggit niya sa isang sexual position nang minsang tumawag siya sa programa at nakipagdiskusyon sa host na si Mo Twister.

Iyon ang pinagmulan ng bansag sa kanya ngayon na "Angelicopter."

Mula noon ay nakilala na si Angelika bilang commercial model, host ng Sports Juicy sa AKTV channel, endorser ng isang cosmetic enhancement brand, at isa sa castaways ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Nakontak na ng PEP ang manager ni Grace Lee na si Arnold Vegafria. At sinabi nito na sa pagkakaalam niya, "last year" pa raw nangyari ang isyu.

Dagdag pa nito: "It’s best if you ask the station manager since they would know what really happened."

Nananatili ring bukas ang website na ito para sa panig ng iba pang may kinalaman sa kuwentong ito.

ANGELICOPTER’S TEXT MESSAGE. Narito ang text messages ni Angelicopter na ipinadala niya sa PEP:

First message:

"Hi dear. I’ve been aksed about this several times and as you may have noticed we are no longer together on the radio show Good Times with MO. The reason behind this was because Grace told our management that she will no longer appear on a show with me. This stems from some unfortunate issues we’ve had recently. Throughout the past month I’ve been trying to reach out to Grace in order to fix our issues but she refuses to patch up any misunderstandings. She even walked out on the show when she saw me in attendance. I knew then that day that she will refuse any attempts at good will or for any desire to patch things up. I will be honest and say that we were both at fault but the true loss here is that we both hurt our program and disappointed our listeners because of something so petty that could’ve easily been fixed if the parties were willing. But it did not turn out that way and due to seniority I was pulled out of the program. I understand the decision made by management as sad as it is and I thoroughly enjoyed my time working with Mo Twister & Grace Lee. This has been discussed on air in magic 89.9 by Mo & Grace. I will definitely miss the listeners. A whole lot. And I really appreciate how kind the management has been. Its no one else’s fault but Grace and myself. I wish her the best with her new boyfriend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Second message:

"May miscommunication kasi nagkasabay kami nag invite ng guests sa show. Napikon siya. Humirit siya. So ako rin napikon. Humirit din ako. As you see, hindi nga big deal. Unfortunately she decided that she can no longer work with me on the show. I wish we could’ve patched it up. Kasi normal lang to nangyayari sa programa."

Third message:

"My last day [in Magic 89.9]? Weeks ago. Dapat break lang. Pero decided na nga ni Grace that she really can’t work with me anymore. I tried giving her space apart from talking to her. It is sad. But nangyari na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN