Melai Cantiveros and Jason Francisco split; Jason believes this is not "forever"

Jason Francisco on breakup with Melai Canteveros: "Aaminin ko kaming dalawa, hindi kami marunong magtago ng feelings ng emotions. Kaya nga noon nakita mo, hindi ako masyadong pinapansin. Aaminin ko may tampuhan kaming dalawa, pero dumarating naman ’yon at nagkataon lang na bigla kaming pumasok dito, e, nasa moment pa kami ng tampuhan. Pero it doesn’t mean na hiwalay na kami forever."


Break na sina Melai Canteveros at Jason Francisco.

Ito’y ayon sa artikulong lumabas sa ABS-CBN News ngayong hapon, Pebrero 21.

Naimbitahan sina Melai at Jason sa Big Brother House noong Linggo, Pebrero 19, para tulungan si Kuya na bigyan ng task ang mga natitirang housemates sa kasalukuyang season ng Pinoy Big Brother.

Unang nagkakilala at nagkapalagayan ng loob ang dalawa nang lumahok sila sa naturang reality show noong 2009, kung saan itinanghal na Big Winner si Melai.

Napuna ng marami ang tila hindi pagpapasinan ng magkasintahan, hanggang sa nagtanong ang housemate na si Carlo Romero kay Melai kung boyfriend ba nito sa totoong buhay si Jason.

Ang naging sagot ng komedyana: "Hindi, oo, hindi."

Ngunit tila hindi nakuntento ang housemate na si Deniesse Joaquin, tinanong niya si Melai kung hiwalay na ba sila ni Jason.

"Parang ganoon nga. Pero hindi na naman ako galit sa kanya ngayon," sagot ni Melai.

MISUNDERSTANDING. Matapos mapuna ang kakaibang ikinikilos ng dalawa’y naisipan ni Kuya na kausapin si Jason.

Dito’y inamin ni Jason na mayroon silang hindi pagkakaunawaan ni Melai.

Nag-ugat daw ito sa party ng kapwa nila ex-housemate na si Paul Jake Castillo.

Kuwento ni Jason, "Sa natatandaan ko kasi, hindi ko siya na-invite sa bahay ni Pareng Paul Jake.

"Akala niya, na-feel niya lang na di siya importante sa akin.

"In-explain ko naman sa kanya na minsan ay gusto ko ding mag-isa kasi may iniisip ako para sa amin.

"So, na-feel niya yata nanlalamig ako sa kanya o wala na akong feelings.

"Hindi ako nagso-sorry sa kanya, so gusto niya lang akong mag-sorry.

"Ako naman, ayaw kong mag-sorry kasi wala naman akong kasalanan."

Gayunman, naniniwala si Jason na hindi ang simpleng tampuhan na ito ang tatapos sa kanilang relasyon ni Melai na tumagal rin ng halos dalawang taon.

Sabi ni Jason kay Kuya, "Aaminin ko, kaming dalawa, hindi kami marunong magtago ng feelings... ng emotions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga noon nakita mo, hindi ako masyadong pinapansin.

"Aaminin ko may tampuhan kaming dalawa, pero dumarating naman ’yon at nagkataon lang na bigla kaming pumasok dito, e, nasa moment pa kami ng tampuhan.

"Pero it doesn’t mean na hiwalay na kami forever."

Giit pa ni Jason, anuman ang kanilang pinagdadaanan ngayo’y walang magbabago sa kanyang nararamdaman para kay Melai.

"Siyempre naman mahal, as in ganoon pa din.

"Sinabi ko sa kanya dati na kung di dahil sa kanya ay di ako magtagal dito [sa PBB house], so ganoon din sa labas.

"Kasi siya lang ang tao na alam kong magiging kakampi ko at kasangga ba."

Napabalitang umalis na si Jason sa Saturday comedy show na Banana Split, ngunit hindi malinaw kung ang hiwalayan nila ni Melai ang dahilan nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN