Julie Anne San Jose still "getting to know" Elmo Magalona; will soon record first solo album

Julie Anne San Jose on her relationship with love-team partner Elmo Magalona: "Hindi naman din po sa hindi kami close, pero ’pag nagkikita kami, work lang po talaga."


Pumirma ng kontrata si Julie Anne San Jose sa GMA Records kahapon, February 20, sa GMA Network Center Studio 6 para sa kanyang gagawing record album.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas mainstay, sinabi niyang excited na siya para sa kanyang first solo album na nakatakdang ilabas sa kalagitnaan ng taong ito.

"Nakapili na po kami ng mga songs.

"Yung dalawa po dun, compositions ko po. Tapos yung other tracks ko po is puro original and then three covers," sabi pa nito.

Ngayong malapit na siyang maging isang ganap na recording artist, paano naman ang kanyang acting career?

"Gusto ko rin naman pong mag-acting,

"Pero nabuhay po kasi ako sa music, e... bata pa lang po ako, talagang kumakanta na po ako.

"Okay naman po, okay din naman po sa ’king mag-acting," sabi niya.

Napabilang si Julie Anne sa defunct early primetime series na Daldalita, kung saan naka-loveteam niya si Elmo Magalona.

Naging magaan lamang ang role niya dito dahil pambata ang programa. Paano kung isabak siya sa isang soap opera?

"If given the chance na magkakaroon, I would love to," sagot ng dalagita.

Sina Julie Anne at Elmo rin ang magkatambal sa pelikulang Just One Summer, na nakatakdang ipalabas sa second quarter ng 2012.

JULIELMO. Dahil nga sa pag-arangkada ng kanyang solo singing career, hindi maiwasang maitanong kay Julie Anne kung "nagkanya-kanya" na nga ba sila ni Elmo.

Isa kasi sa itinuturing na promising loveteams ang "Julielmo," bansag ng fans sa tambalan nina Julie Anne at Elmo, na nagsimula nang mag-duet sila sa isang production number para sa Party Pilipinas.

Sabi ni Julie Anne, "Ay, hindi naman po. Actually, kasi si Elmo, may single din po siya.

"Ako naman po, may album din po ako.

"Magkakaroon din naman po kami ng movie, so hindi naman po siguro kami kanya-kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT CLOSE. Sa kabila ng kanilang team-up ni Elmo, "professional" lamang daw ang kanilang relasyon, ayon kay Julie Anne.

"Hindi po kasi kami, like lumalabas na, ’Uy, ganyan, let’s hang out.’

"Parang wala pong time. Kasi busy rin po ako, busy rin po siya," paliwanag niya.

Wala bang malalim na patutunguhan ang tambalan nila?

"Wala pa naman po. For now, work lang po muna."

Sa edad niyang 17 ay hindi pa raw handang makipagrelasyon si Julie Anne.

Ayon pa sa kanya, nasa "getting-to-know" stage pa rin sila ni Elmo hanggang ngayon.

"Hindi naman po sa... like, hindi kami nag-uusap, hindi naman din po sa hindi kami close. Pero kasi po, ’pag nagkikita kami, as in work lang po talaga," paliwanag niya.

Mas gugustuhin ba niyang mag-solo o magkaroon ng loveteam?

"Uhm, though maganda rin po na may kapareha kasi, it’s like a... bonus na rin po yun.

"Pero siyempre, may solo careers din po kaming dalawa.

"Solo po siguro," sagot niya.

"OUT OF TUNE" SINGERS. Natanong din si Julie Anne kung kaninong yapak ang gusto niyang sundan bilang singer.

"Lea Salonga po," mabilis niyang sagot.

"Kasi po idol ko na po talaga siya since bata pa lang po ako.

"Kasi po si Ms. Lea, sobrang professional niya po mag-work and sobrang linis po ng boses niya.

"Tsaka gusto ko rin po ma-try mag-Broadway someday."

Kaugnay nito, natanong si Julie Anne kung ano ang reaksiyon niya sa isyung ang mga mabebentang concerts daw ngayon ay ang mga "sintunadong kumanta."

Sagot niya rito, "Hindi naman po ako against dun kasi kung love n’yo po talaga yung ginagawa niyo, so be it.

"Kung gusto n’yo na ganun yung mangyari, it’s up to the people na rin po kung ano yung magiging interpretation nila, ’tsaka yung mga magiging reactions nila about that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman po, I have no right na i-judge po sila agad.

"Bale siyempre po kasi, lahat naman po tayo medyo may kakayahang kumanta, kahit sintunado or what...

"Kung ano po yung reaksiyon nung mga tao, whether good or bad, wala na po tayong magagawa dun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN