Part 1 Zoren Legaspi wants to marry Carmina Villarroel this year: "Dapat talaga itong taon mangyari. Dapat."

Zoren Legaspi on why he wants to marry Carmina Villarroel this year: "Hindi dahil it’s about time, pero dahil kung hindi pa mangyayari, tatagal nang tatagal, e."


Ngayong taon balak ni Zoren Legaspi gawin ang matagal na nilang planong pagpapakasal ni Carmina Villarroel.

Two years ago ay napag-uusapan na nila ang pagpapakasal, pero ngayong taon ay desidido na talaga si Zoren na matuloy ito.

Simple lang daw na kasalan ang balak nila at malalapit na pamilya lang ang magiging imbitado.

Aniya, "Hopefully, this year. Ini-schedule na lang namin.

"Hopefully, hindi dahil it’s about time, pero dahil kung hindi pa mangyayari, tatagal nang tatagal."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zoren last February 18, Saturday, sa dressing room ng Paparazzi sa TV5 studio sa Broadway Centrum

Dagdag pa niya, "Hindi naman kami big wedding, civil lang, e.

"Hindi iyong magarbo, simple lang.

"I don’t know... kasi imbes na gastusin mo sa magarbong wedding, maraming puwedeng puntahan pa iyong perang iyon, e.

"It so happens na si Carmina also, okay lang sa kanya iyong close family lang ang i-invite.

"Kasi mayroon namang mga babae talaga na ang pangarap, big wedding, e.

"Ako, suwerte naman ako dahil ang gusto niya ay simple lang din.

"Pero ang problema, ayun na, busy na naman si Carmina sa kabila," nakangiting sabi ng actor-director patungkol sa mga pinagkakaabalahang shows ni Carmina sa ABS-CBN.

Nasabi niyang pampamilya lang ang balak nilang kasal ni Carmina, pero may mga kukunin ba silang celebrities para maging ninong at ninang?

"A, I really don’t know. Kasi, hindi pa namin napapag-usapan iyong details at saka wala pa namang date.

"So, we really don’t know yet pa talaga.

"Pero dapat talaga itong taon mangyari. Dapat," sabi ni Zoren.

DIRECTING OR FAMILY? Nasabi rin ni Zoren na gusto niyang mas maging abala bilang director, pero mas priority niya ang kanyang pamilya kaya isinasantabi niya muna ito.

"Gusto ko talaga ay magdirek. Pero kapag kinonsider mo kung gaano kabigat kasi, para kang, teka muna...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kailangang bantayan ko iyong kambal [Cassandra and Maverick], e.

"Maraming oras kasi ang kinakain ng directorial job, lalo na sa TV. Lalo na kapag soap.

"Pero gusto ko sana, kaya lang iyon ang inaalala ko—ang oras."

So, "househusband" siya kapag walang trabaho as an actor?

"Hindi naman exactly dahil mayroon din akong personal na negosyo.

"And whether busy ako o hindi, househusband naman din talaga ako.

"Dahil katulad kanina, nag-training muna kami ni Maverick sa tennis, ’tapos ay may commercial [shoot] kami later.

"Pero nagluto muna ako para sa lunch nitong si Cassy... pasta."

Kasama ni Zoren ang anak niyang si Cassandra habang ini-interview siya ng PEP sa dressing room.

Patuloy niya, "Yeah, ako ang nagluluto ng food ng mga bata.

"Kailangan kasi, lalo na kapag napansin ko na hindi masustansiya yung niluluto ng yaya, magluluto ako ng iba.

"Kaya iyong sinasabi ng iba na mag-anak pa ako, parang ayaw ko.

"Dahil mabigat, hindi ganoon kadali iyon, e."

FAMILY FIRST! Hands-on si Zoren bilang ama, pero paano kung ang pagiging tatay niya ay magka-conflict sa kanyang trabaho? Ano ang pipiliin niya o mas bibigyan ng prayoridad?

"Kung papipiliin ako, family talaga," sagot niya.

"Kasi ako naman, kaya kong matulog kahit sa ilalim ng tulay.

"Natanggap ko na noon pa, kahit binata pa ako. So, lalo na ngayon, basta ikabubuti ng mga anak, willing ka dapat gawin kahit na ano.

"Kahit na kailangan mong i-sacrifice yung career mo.

"Ako, nasa-sacrifice talaga iyong directing career ko because of my family.

"Na hindi ko naman... I don’t blame them, hindi ako nagsisisi.

"Kasi, pakiramdam ko naman ay mayroon pa akong time. Pakiramdam ko na nandiyan lang siya [career as a director].

"Pero iyong paglaki ng mga bata, nawawala, e.

"So, pagdating ng mga 16 o 17 niyan, kapag talagang independent na sila, baka doon na lang talaga ako mag-concentrate sa directing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na by that time, physically fit pa rin naman ako," wika niya.

PROUD FATHER. Ano ang satisfaction na nakukuha niya bilang isang ama?

"Ang nakukuha kong satisfaction ay kapag nakikita ko na lumalaki silang nasa tama.

"Kapag nakikita kong may discipline sila. Kapag nakikita kong hindi sila nagsisinungaling.

"’Pag nakikita kong kapag may violence sa TV o may kaunting smooching, nagtatakip sila ng mata.

"Automatic na iyon sa kanila, e. So, doon ako nagiging proud bilang ama.

"Iyong mga binabati nilang maganda ang mga anak namin, guwapo si Maverick, icing on the cake na lang iyan, e.

"Pero yung character mismo, doon ako nagiging proud.

"Kapag may nagbalita sa akin na ’iyong anak mo hindi pasaway,’ doon ako nagiging proud.

"Ano iyan, e, mahilig sa ekuwela. Mahilig silang pumasok, ayaw nilang nag-a-absent.

"Maraming batang ganoon, pero suwerte kami kasi yung kambal namin ay may hilig talaga sa pag-aaral."


DREAM FOR THE TWINS. Ano ang pangarap niya sa kanilang kambal na anak ni Carmina?

"May kanya-kanya silang ano, e... pero yung pangarap nila ang dapat na matupad.

"Kaya lagi kong tinatanong kung ano talaga ang gusto nila, para ngayon pa lang ay mapaghandaan na namin.

"Pero never akong nag-push ng... ine-explain ko, ’Kapag ito ang gusto mo, ito ang mangyayari sa iyo at ganito lang ang kita niyan.

"’Kapag ganito, ito ang mangyayari sa iyo at ganito ang kita niyan.’

"So, ganoon ang ginagawa ko sa kanila."

Paano naman niya ide-describe si Carmina bilang partner at nanay ng kambal?

"Suwerte rin ako sa kanya dahil hindi siya makulit sa mga importanteng bagay.

"Makulit siya sa mga hindi importanteng bagay. Katulad ng mga kalat na damit, yun, makulit siya doon.

"Pero yung malalaking bagay, na normally or typically ay pinag-aawayan ng bawat mag-asawa, doon okay siya.

"Hindi siya nakikialam sa mga diskarte ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero vice versa rin. Siyempre ako ay ganoon din sa kanya.

"Mayroon din siyang mga panahon na siya ang nasusunod. May panahon na ako naman ang dapat na masunod."

NO TO SHOWBIZ? Lumalabas na sina Maverick at Cassandra sa mga commercial, pero ayon kay Zoren, payag siyang mag-showbiz din ang kambal ngunit may kundisyon ito.

"Well, kung tama ang project, ako, open ako doon. Basta, controlled environment, ’pag nasa studio.

"Pero iyong mga soap, that’s a no, no.

"Pero kung sitcom, once a week ang taping... sa studio tayo, yun, puwede ako doon," sabi niya.

Takot ba siya sa kalakaran sa showbiz kaya parang overprotective siya sa kanyang mga anak sakaling pasukin nila ang pag-arte?

"Dapat lang naman na ang lahat ng magulang ay maging overprotective sa kanilang mga anak.

"Pero not to the point na hindi sila nagkakaroon ng freedom to learn what life is all about.

"So, mahirap anuhin iyon... mahirap i-weigh iyon. Mahirap pag-aralan.

"Pero dapat ay ganoon talaga ang ginagawa ng mga magulang, e," saad ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN