MTRCB Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares "against" resolution stopping filmmakers from portraying congressmen as villains

MTRCB Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares on Congressman Dong Gonzales’s call to stop "villain" typecast in movies: "Ako naman ay kompiyansa na marami naman sa ating mga kongresista na makikita namang nilang... na sana huwag naman nilang suportahan ang resolusyon na ito. Uhm, ewan ko lang, ha. Eto, personal ko, e... taga-Pampanga ’yon [Congressman Gonzales]. Baka naman may pinuprotektahang ibang congresswoman ’yon? Na.


Mainit na usapin ngayon ang tungkol sa panukalang ipagbawal na ang paggamit ng karakter ng mga congressmen bilang kontrabida o masamang tauhan sa pelikula.

May pumapabor at meron ding tumututol dito.

Nang mapasayal ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa tanggapan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares ay kinuha namin ang reaksiyon niya sa usaping ito.

Aniya, "Personally, my personal opinion, I’m against it.

"Kasi I feel that it violates our freedom to express ourselves.

"Lalong-lalo na ’yong mga director, ’yong mga producer... ganyan.

"At saka sa constitution kasi natin, wala namang nakasulat do’n na... lalung-lalo na kung totoo.

"Hindi mo naman puwedeng pigilin ’yong statements o ang pagpapalabas ng sumasalamin sa tunay na buhay, di ba?

"Ano, lahat na lang bida? Hindi naman puwede ’yon.

"So, ’yon lang ang akin."

Isa sa nagsusulong sa resolusyon na huwag gamiting karakter ang mga kongresista bilang kontrabida sa pelikula ay si Congressman Aurelio "Dong" Gonzales ng 3rd district ng Pampanga.

Ano ang mensaheng puwedeng iparating ng MTRCB Chairman sa kongresista?

"Ganito na lang... ako naman ay kompiyansa na marami naman sa ating mga kongresista na makikita namang nilang... na sana huwag naman nilang suportahan ang resolusyon na ito.

"Uhm, ewan ko lang, ha. Eto, personal ko, e... taga-Pampanga ’yon [Congressman Gonzales].

"Baka naman may pinuprotektahang ibang congresswoman ’yon?

"Na... maraming kaso, di ba? Na dating naupong Pangulo."

Hindi man nagbanggit ng pangalan, malinaw naman na ang tinutukoy ni Mary Grace ay si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na kasalukuyang nanunungkulan bilang kongresista sa 2nd district ng Pampanga.

Sabi pa ng MTRCB Chairman, "I mean, hindi ko talaga alam... or baka naman gusto lang niyang ipaabot...

"Alam mo, karapatan din naman niya [Congressman Gonzales] na maghayag ng kanyang... kung ano ang gusto niyang sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa tingin ko... ewan ko lang, ha!

"Pero marami akong kaibigan sa kongreso na hindi rin naman sang-ayon dito [sa resolusyon]."

BIGGEST ACHIEVEMENT. Isang taon na ang nakalipas mula nang maupo si Mary Grace bilang Chairperson ng MTRCB.

Ano ang masasabi niyang biggest achievement niya bilang MTRCB Chairperson?

"Sa tingin ko, ’yong achievement... ’yong standard classification advisory natin sa TV.

"Kasi ngayon, bago pa lang lahat ng show, makikita mo na.

"So, ’yong iba, sasabihin sa mga anak, ’Basta hindi puwede SPG [Strictly For Parental Guidance] ang papanoorin kapag wala ako.’

"Hindi dahil sa masama ang SPG, ha.

"Maraming magagaling na dokumentaryo ang SPG. Kasi ipinapakita ’yong abuses, ’yong mga gano’n.

"Pero siyempre, kapag bata, katulad niyan... kami minsan, nanonood kami ng news, may nakikitang nasagasaan.

"Siyempre, hindi ready ang mga bata sa gano’n. So, ’yon.

"Para sa akin, ’yon. Na ang mga magulang, nabibigyan ng tamang babala ang kanilang mga anak."

Kung saka-sakali raw na may sinumang gustong magpaabot ng kanilang concerns hinggil sa mga nagiging palabas sa telebisyon o maging sa pelikula, anumang oras ay puwedeng makipag-ugnayan sa kanilang opisina sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline nilang 376-7383.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN