Eula Caballero sheds tears as David Archuleta says goodbye

Eula Caballero on her bonding moments with David Archuleta: "Alam mo yung ang lalim ng pagkatao niya, ang dami niyang iniisip... yung pamilya niya. ’Tapos sabi niya, may last month pa daw siya bago siya mag-mission, gusto daw sana niya i-spend sa Philippines kasi sobrang napamahal na siya. Sabi ko, ’Yeah, of course! We would be happy.’ Sabi ko nga sa kanya, ’TV5 would love that you can do guestings in other shows.’&


Makabagbag-damdamin ang paalamang Eula Caballero at David Archuleta sa set ng TV5 mini-series na Nandito Ako.

Kuwento ni Eula sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Yung pinaka na-appreciate ko, yung depth nung pagkatao niya.

"Nung nagkukuwentuhan kami, wala lang... parang nung una, sobrang light lang ng kuwentuhan. ’How are you, have you slept well?’ Ganun...

"’Tapos biglang napunta sa family... ’tapos alam mo yung ganun siyang klase ng tao.

"Natanong ko siya about his mission, kasi kung narinig ninyo yung tungkol sa mission niya, so natanong ko siya."

Ang tinutukoy ni Eula ay ang two-year mission ni David para sa The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints.

Patuloy ng Kapatid young actress, "Sabi niya, ’I’m happy that I’m doing this for my religion.’

"Parang nabubuo daw siya lalo, mas lalo siyang nabubuo.

"’Tapos sabi niya, ’It’s just making me sad because I’m afraid that everyone might move on with their lives without me.’

"Na parang masanay na lang na wala siya kasi sobrang haba daw ng two years.

"Sabi niya pa... Lalo na yung mga sisters niya, na may isa daw na sister niya na magsi-sixteen, ’tapos yung isa, parang magdyu-junior high, sabi niya, ’I wish I could be there with them when that happens.’

"Sabi ko, ’Oh, my God!’

"Naiiyak na talaga ako habang sinasabi niya yun kasi siya mismo, teary-eyed din."

Dagdag pa ni Eula, "Alam mo yung ang lalim ng pagkatao niya, ang dami niyang iniisip... yung pamilya niya.

"’Tapos sabi niya, may last month pa daw siya bago siya mag-mission, gusto daw sana niya i-spend sa Philippines kasi sobrang napamahal na siya.

"Sabi ko, ’Yeah, of course! We would be happy.’

"Sabi ko nga sa kanya, ’TV5 would love that you can do guestings in other shows.’

"’Tapos sabi niya, ’I’d love to but I just want to spend it with my family in Utah.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mami-miss daw ni Eula si David.

"Sobra, sobra!" bulalas niya.

"’Tapos nung nag-Batangas kami, nung first night in Batangas, sabi niya... ayun na naman, iyon na naman yung nakakaiyak, kasi namumula na yung mata niya.

"Sabi niya, ’I’m gonna miss this, guys.

"’We’ve been like taping every day, we’re filming every day and we’re together every day, we’ve been together lunch break and dinner break and all that.’

"’Tapos sabi niya, ’I’m gonna miss this because I know you guys have other projects to do after this...’ and eventually daw mada-divert namin yung attention namin.

"Sabi niya, ’But me, I’m just gonna miss this and I hope I can see you guys again.’

"Sabi ko, ’Oh David, you’ll be very missed by us."

TV5 PRINCESS. Isa si Eula sa mga itinuturing na prinsesa ng TV5. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Actually, ano po yun, I dunno... basta it was last year, mga Feb siguro last year, pinatawag kami, pina-pictorial.

"Nung nalaman ko, parang... kasi for me talaga, I have to admit that nung time na yun, wala pa akong napatunayan.

"Kakalabas ko lang ng Star Factor, sabi ko, I think hindi lang yun enough for me.

"Pero I’m very thankful to TV5 kasi na-consider nila ako, kaming dalawa ni Ritz [Azul], na mapasali sa mga princesses ng TV5.

"Kasi ang dami naman diyan na puwede nilang i-consider instead of the two of us," saad niya.

May pressure ba sa kanya ang pagiging "prinsesa" ng TV5?

"Yes, yes!" sambit ni Eula.

"Kasi yung mga kasabayan ko, sina Ate Alex [Gonzaga], ang gagaling nun e, ’tapos well-rounded—kumakanta, sumasayaw, ganun.

"And then, parang at that time, siyempre nandun pa tayo sa kabaduyan stage, kapapasok pa lang natin.

"So, parang, ’Oh my God, how will I look as an artista? Paano ako magdadamit? How will I go out in public? Na ganito ako, ganyan?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan kasi, yung presentable para sa atin, it’s not enough. Parang you have to invest sa damit, make-up, and everything—the total package.

"So, yes, na-pressure ako.

"Para talagang makeover, total makeover na talaga."

NO RIVALRY. Bukod kay Eula, leading lady rin ni David Archuleta sa Nandito Ako si Jasmine Curtis-Smith. Pero paglilinaw ni Eula, wala silang rivalry ni Jasmine.

"Wala, wala at all. Madalas kaming nagkukuwentuhan tungkol sa iba’t ibang mga bagay.

"We’re good friends," sabi niya.

Sila naman ni Ritz Azul?

"Oo, good friends din."

Kanino siya mas close: kay Jasmine o kay Ritz?

"Kung sa ngayon, kay Jas kasi magkasama kami ngayon sa show.

"Pero yung buung-buong, since nagkakilala until now, si Ritz.

"Kasi Star Factor pa lang, nakita ko nang umiyak yun, nakita ko nang naging sobrang saya, nakita ko na yung parang nag-go out siya sa comfort zone niya."

JOHN LLOYD CRUZ. Napag-alaman din ng PEP na tagahanga si Eula ng ABS-CBN star na si John Lloyd Cruz.

"Sobrang fan niya ako, lalo na nung nag-Popoy siya sa One More Chance, dun ko siya... talagang na-in love ako talaga sa kanya."

Matutulala raw siya kapag nakatrabaho niya si John Lloyd.

"Makakapagsaulo pa kaya ako ng script?" tawa niya.

"Sobrang fan niya ako, pati ni Bea [Alonzo]. Silang dalawa talaga.

"Kasi ako, dati talaga, hindi ako yung lumaki na nanoood ng TV.

"Ako yung more of a person na nagbabasa ng libro, ganun.

"Pero ’pag Bea at John Lloyd, bumibili ako ng mga CDs."

Sa TV5 ba ay may ka-loveteam siya?

"Wala naman, kahit kanino, okay lang."

Kung papipiliin siya ng ka-loveteam niya sa Kapatid network, sino ang gusto niya?

"Kahit sino po okay naman sa akin."


LOVELESS? Sabi ni Eula ay loveless siya ngayon at wala raw nanliligaw sa kanya.

"Nagkukuwento nga ako kina Miss Aiko [Melendez] sa set. sabi ko, ’Bakit ganun, bakit walang nanliligaw sa akin?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There was time na meron, nawala. Napagod!" sabay-tawa ni Eula.

Pero bakit nababalitang nanliligaw sa kanya si Mart Escudero, na nakatrabaho niya sa isang episode ng Regal Shockers? Dumalaw daw kasi si Mart sa taping ni Eula sa Nandito Ako.

"Ay, hindi po! Nagpatulong lang siya kasi gusto ng mga pinsan niya na makita si David, so tinext niya ako.

"Magkaibigan lang po kami," paglilinaw ni Eula.

Paano kapag nanligaw sa kanya si Mart?

"I don’t know... Hindi pa kasi kami nagkakakilanlan na malalim, yung magkakakilanlan talaga, wala pa kaming ganun," sagot ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN