Part 2 Carmina Villarroel looking forward to interviewing BB Gandanghari: "Kami, parang wala na e, kumbaga, different person na talaga."

Carmina Villarroel on BB Gandanghari: "If ever man na ito yung first meeting namin, kikilalanin namin yung isa’t isa sa ibang pagkatao, so parang different person talaga. Kung anuman yung nailabas na, kung anuman yung pinag-uusapan sa ngayon, parang alam na ’ata. Ako, okay naman ako, tapos na, e—kung pinag-uusapan lang naman. Both parties naman, nakapag-move on na, okay naman kami. Hindi ko masasabing good friends, pero masasabi kong


Nabalita noon na kinukuha raw mag-guest si BB Gandanghari sa Showbiz Inside Report, pero sa hindi malinaw na dahilan, hindi ito matuluy-tuloy.

Kung saka-sakali, si Carmina Villarroel ang mag-i-interview kay BB.

Si BB ay ang dating asawa ni Carmina na si Rustom Padilla.

Ayon kay Carmina, walang magiging problema sa kanya kung sakaling matuloy ang interview niya kay BB.

"Ako rin naman, looking forward.

"We’re just waiting, ’pag naayos na ang dapat ayusin, then go.

"Kami, parang wala na, e, kumbaga, different person na talaga.

"If ever man na ito yung first meeting namin, kikilalanin namin yung isa’t isa sa ibang pagkatao, so parang different person talaga.

"Kung anuman yung nailabas na, kung anuman yung pinag-uusapan sa ngayon, parang alam na ’ata.

"Ako, okay naman ako, tapos na, e—kung pinag-uusapan lang naman.

"Both parties naman, nakapag-move on na, okay naman kami.

"Hindi ko masasabing good friends, pero masasabi kong we’re okay."

Tinanong ng PEP si Carmina kung nasabi na ba niya sa mga anak nila ni Zoren Legaspi ang tungkol sa nakaraan nila ni BB?

Sagot niya, "Sasabihin ko sa kanila... of course, I have to tell my kids.

"Naniniwala ako na you really have to be honest and open with them at the right time.

"Nakakaintindi sila ng Tagalog, pero bilang mabilis akong magsalita, sasabihin nila, ’What?’

"Ilang beses naman nilang napanood sa TV si BB, pero they don’t ask.

"Wala lang... thank God!"

Paano niya ipapakilala si BB kung saka-sakaling magkasalubong sila kasama niya ang kambal niyang anak?

"’Pag nagkasalubong kami? Ipapakilala ko siya, e, di Tita, kasi girl siya.

"Hindi na siguro as Rustom kasi baka malito sila.

"Basta magkasalubong kami, ipapakilala ko siya."


WALKOUT ISSUE. Nang tanungin naman tungkol sa isinulat ni Dolly Anne Carvajal na pagwu-walk out diumano niya sa commercial shoot nila ni Claudine Barretto para sa isang milk brand, tumanggi nang magbigay ng reaksiyon si Carmina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na lang akong reaction.

"I’ve said my piece already, siya [Dolly Anne], ganun din naman.

"Paulit-ulit lang naman—ako hindi, siya oo.

"So, parang nakakapagod, di ba?

"I said my piece, that’s it!" diin ni Carmina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN