Magic 89.9 denies terminating Angelicopter in favor of Grace Lee, but admits "misunderstanding" between the two DJs

Pinabulaanan ng Magic 89.9 ang naunang pahayag ni Angelicopter (nasa kanan) na si Grace Lee (nasa kaliwa) umano ang dahilan ng pagkakatanggal niya sa programang Good Times. Ayon sa statement na ipinadala ng istasyon, "It is true that there was a misunderstanding between the two ladies. Admittedly, conflicts happen between jocks in radio shows specially in a high pressured show like Good Times. However, it was NOT the


Isang press statement ang ipinadala ng Magic 89.9 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, Pebrero 22, tungkol sa isyung kinasasangkutan ng dati nilang disc jockey na si Angelicopter.

Ito ay matapos lumabas kahapon, Pebrero 21, ang eksklusibong panayam ng PEP, sa pamamagitan ng text, sa dating Good Times co-host.

Sinabi ni Angelicopter na si Grace Lee, isa rin sa co-hosts ng programa, ang dahilan ng kanyang pagkakatanggal.

(CLICK HERE to read related article.)

Base sa panayam kay Angelicopter, Angelika Schmeing-Cruz sa tunay na buhay, isang tampuhan umano sa pagitan nila ni Grace ang pinag-ugatan ng lahat.

Pinatotohanan naman ito ng Magic 89.9 sa kanilang pahayag:

"It is true that there was a misunderstanding between the two ladies.

"Admittedly, conflicts happen between jocks in radio shows specially in a high pressured show like Good Times."

Ang pangyayaring iyon ang itinuturo ni Angelika na dahilan kung bakit siya natanggal sa programa.

Sinabi raw kasi ni Grace na ayaw na niyang makatrabaho ang dating Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown castaway, na pinaboran naman daw ng management ng istasyon.

Pinabulaanan naman ito ng kompanya.

Ayon sa Magic 89.9, ang tunay na dahilan ng pagkakatanggal kay Angelika ay dahil sa naging resulta ng kanilang "assessment" sa kanyang "overall performance" sa trabaho.

"Her [Angelika] attention has been called several times due to internal issues.

"It was a matter decided after an ongoing assessment of her overall performance.

"Magic 89.9 has a culture of giving as many chances as possible provided those concerned show the capacity to improve their craft both off and on air."

FULL STATEMENT. Narito ang kabuuan ng press statement mula sa pamunuan ng Magic 89.9:

"Recently, an article came out on Pep.PH which featured an interview with former Magic 89.9 jock Angelika "Angelicopter" Schmeing-Cruz. In the article, it was alleged that it was a misunderstanding between her and Good Times jock Grace Lee that caused her termination from the Station. It is true that there was a misunderstanding between the two ladies. Admittedly, conflicts happen between jocks in radio shows specially in a high pressured show like Good Times. However, it was NOT the reason Mrs. Schmeing Cruz was terminated. Her attention has been called several times due to internal issues. It was a matter decided after an on going assessment of her overall performance. Magic 89.9 has a culture of giving as many chances as possible provided those concerned show the capacity to improve their craft both off and on air. We’re saddened that it had to come to this."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN