Zia Quizon on Lea Salonga’s huge admiration for her: "Huh? What? For real?"

"You know, I’m just really glad that mukhang narinig niya, and second, nagustuhan niya. It’s just, sobrang wow!" says Zia Quizon when asked about Lea Salonga’s statement that she admires Zia.


Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young singer na si Zia Quizon sa thanksgiving dinner niya para sa piling writers, bloggers, at disc jockeys noong February 21.

Nagpasalamat si Zia dahil sa malaking tagumpay ng kanyang hit single na "Ako Na Lang."

Kaagad naming tinanong ang anak nina Comedy King Dolphy at Divine Diva Zsa Zsa Padilla kung nabasa na nito ang artikulo ni Lea Salonga sa PEP, kung saan inihayag ng Pinay international singer ang malaking paghanga sa kanya.

Sabi ni Lea tungkol kay Zia: "I mean I love her, okay? I love her. I’m a big fan of her because she’s so different. There isn’t anybody like her."

(CLICK HERE to view article)

Tugon naman ni Zia, "No, but I’ve heard of it.

"And when I heard, when my... sinabi siya sa ’kin ng mommy ko, sabi ko, ’Huh? What? For real?’

"I never read it, pero yun nga, I’ve heard about it.

"I keep hearing about it, ayun nga, it’s really flattering!"

Kuwento pa niya, "Yung mommy ko, from my mom, she told me.

"And I was like, ’Whatever! Liar!’" sabay tawa ni Zia.

"Uhm... the other day lang and I was like, ’Liar! Liar!’

"[Sabi naman ni Mama] ’No, really!’

"I was like, ’A, okay.’"

Ano ang pakiramdam na isang Lea Salonga ang humahanga sa kanya?

"I’m really flattered, for one.

"Uhm... you know, hindi ko naman akalain na yung in-effort namin na music na nakarating na sa kanya.

"You know, I’m just really glad that mukhang narinig niya, and second, nagustuhan niya.

"It’s just... sobrang wow!

"I don’t know... starstruck!" nagba-blush at kinikilig na sabi pa ng singer.

Nagkakilala na ba sila ng international singer?

"Uhm, yeah, but like in passing lang.

"When I was a kid, nanood kami ng parents ko ng Cinderella or something," sabi ni Zia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayong nasa ganito na siyang edad?

"Oh, I have... a few years ago sa isang party," mabilis niyang sagot.

Kumusta naman ang pagkikita nila?

"Uhm... wala, I was just so starstruck, wala akong masabi.

"Ano, ’Hi! Hi, you’re Lea Salonga, but you know that. Hi!’" napabungisngis na sabi ni Zia.

Kung dati-rati ay si Zia ang fan ni Lea Salonga, ngayon ay hinahangaan na rin siya ng Miss Saigon star.

"Yeah, uhm... I don’t know, it doesn’t feel... real," pahayag ng tila hind pa rin makapaniwalang si Zia.

Dagdag niya, "Parang it doesn’t sound like... it sounds like the most ridiculous thing ever.

"So, I end up like, ’Oh, really? Really?’

"So, ’yon, parang nakikilig and parang ayun..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN