Angel Locsin on liberated role in Unofficially Yours: "Mabuti na lang naninibago kayo kesa sanay kayo na gano’n ako!"

Angel Locsin on her similarities with the role she plays in the movie Unofficially Yours: "Her love para sa kanyang pamilya. Iyon ang unang-unang naka-relate ako sa kanya. Workaholic siya. At saka grabeng magmahal si Ces. And... hindi rin siya mahirap mahalin, e."


Big hit sa takilya ang unang pelikula nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz na Unofficially Yours.

February 15 nang magsimula ang pagpapalabas nito sa mga sinehan. Pero sa pinakahuling update mula sa Star Cinema, umaabot na raw sa mahigit P100 million ang gross nito sa box-office.

Marami ang nanibago kay Angel sa pagganap niya bilang isang sobrang liberated na babae sa Unofficially Yours. Wala siyang keber na makipag-engage sa casual sex sa kanyang katrabaho na ginagampanan naman ni John Lloyd Cruz.

"Mabuti na lang, naninibago kayo kesa sanay kayo na gano’n ako!" natawang sabi ng aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal).

Ayon kay Angel, hindi raw naging gano’n kadali para sa kanya na ikundisyon ang sarili para sa nabanggit na role, lalo’t extreme opposite ito ng kung ano siya sa totoong buhay.

"Actually, mahirap. Sa bawat character na gagawin mo, actually mahirap sa umpisa talaga.

"Pero habang tumatagal naman, siyempre may guidance ng director mo, mas nagiging comfortable ka naman," saad niya.

Ano ’yong na-realize niya habang ginagampanan niya ang papel ni Ces na puwedeng ikonek sa personal na pananaw niya sa totoong buhay?

"Na-realize ko? Siyempre, masarap magmahal, di ba? Na puwede kang magpahinga saglit, ’tapos magmahal ulit."

Pero nai-imagine ba niya ang kanyang sarili na puwede siyang maging gano’n ka-liberated in real life?

"Naiintindihan ko si Ces, pero hindi siguro ’yong sobrang eksakto.

"Hindi ko siguro gano’n kaeksakto, pero naiintindihan ko siya," sagot ni Angel.

May katangian ba sa character ni Ces na parang nakikita niya sa sarili niya?

"Her love para sa kanyang pamilya. Iyon ang unang-unang naka-relate ako sa kanya.

"Workaholic siya. At saka grabeng magmahal si Ces.

"And... hindi rin siya mahirap mahalin, e."

Hindi rin naman mahirap mahalin ang isang Angel Locsin, di ba?

"Oo nga naman! Madali akong mahalin!" sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VALENTINE’S WITH PHIL. Nangiti naman si Angel nang matanong kung kumusta ang celebration nila ni Phil Younghusband ng Valentine’s Day.

"Masaya naman," nakangiti niyang sagot.

"Gift niya sa akin? Meron, pero hindi ko na sasabihin kung ano.

"Sa akin na lang ’yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN