Ayen Munji-Laurel bares extensive experiences in theater and movies; finds career and raising family challenging

Ayen Munji-Laurel on how to make marriage work: "Yeah, communication and acceptance... Kaya lang, mahirap yung acceptance minsan. Sa pinagdaanan ko, yung acceptance... yeah... ugali n’yo sa isa’t isa. More on adjustment n’yo sa isa’t isa. Kasi kami ni Franco, so different. Franco is... sociable ’yan, socialite ’yan! Ako naman yung tipong I’d rather stay at home."


Bihirang mag-open up ang napakapribadong tao na ’tulad ni Ayen Munji-Laurel, maliban kung kapalagayang-loob niya ang kausap. O kaya ay kung nakikipagkuwentuhan siya sa mga kasamahan sa set, na itinuturing niyang "hindi na iba" o totoong kaibigan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ayen sa first taping day ng Hiram Na Puso sa Northshore Park, Malabon City, noong Lunes, February 20, maraming naibahagi ang premyadong singer-actress tungkol sa kanyang career, marriage, at family life.

Una, ang tungkol sa reunion nila ni Gardo Versoza rito sa Hiram Na Puso.

Nagkasama sila sa nagwakas nang epic-serye, ang Amaya, kung saan gumanap sila bilang mag-asawa—sina Hara Lingayan at Rajah Mangubat.

Sabi ni Ayen, "Siyempre nung nalaman namin na kami uli ’ung magkakasama... masaya, nakakatuwa!

"Aside from Gardo, Gina is also here. It’s nice... reunion!"

Ang tinutukoy ni Ayen ay si Gina Alajar na nakasama rin nila sa Amaya.

LIFE AFTER AMAYA. Indeed, there is life after Amaya for Ayen.

"Ito agad!" pagtukoy ng opera singer at aktres sa Hiram Na Puso.

"Magkasunod lang sila. Nagpahinga lang ako ng ilang weeks.

"December, meron pa kaming tapings. Dun namatay yung character ko, first week of December, until, you know, palabas-labas pa rin ako as the ghost."

Hanggang ngayon, Ayen cherishes the fond memories of doing Amaya na nagtapos noong January 2012.

"Super! Na-develop yung friendship with a lot of people, actually.

"Then, until now, we communicate, nagte-text-text.

"Nakaka-miss yung cast. Kasi ten months [taping] ’yon, e.

"Para na kayong pamilya, every day magkakasama kayo. Nakaka-miss sila, actually."

Samantala, lumipat naman sa TV5 ang kanilang direktor sa Amaya na si Mac Alejandre; marami namang kabilang sa cast noon na nasa Kapuso network pa rin.

"Good thing, kasi a lot of us naman are busy, may ginagawa lahat.

"Iisipin ng lahat, ’May trabaho pa ako after!’ Nakakatuwa!" sambit din ni Ayen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Hiram Na Puso, gumaganap si Ayen bilang ina nina Bela Padilla at Kristal Reyes. Magiging attached din siya, in a way, sa character ni Kris Bernal, na anak naman ni Gina Alajar.

FAMILY FIRST. How about doing movies and theater like stage plays and musicals on the side, na kinagawian na rin niya in the previous years?

"Ang hirap ipagsabay, kasi aside from the work, I’m also a wife and a mom," sabi ni Ayen.

Si Ayen ay asawa ng singer-theater actor na si Franco Laurel. Tatlo ang anak nila.

"Yung panganay ko, si Mariella, is 21 years old.

"The second one is 17, my son, Kiko; ’tapos, the third is nine years old, si Angia.

"Ang panganay is taking up Literature sa La Salle. But I think she’s gonna move to Communication Arts."

Nang kumustahin ng PEP kay Ayen si Franco, lalong naging madaldal ang premyadong aktres.

Sa ikalawang pagkakataon ay nag-share si Ayen ng mga bagay na hindi niya kinasanayang banggitin sa lahat ng nakakausap.

"’Kayo pa rin?’ gano’n ang tanong, kung minsan. Which, of course, hindi ko ipagre-react negatively.

"Instead, I’d just say, ’Well, yes. Is that bad news to you?’"

SUPPORTIVE HUSBAND. Franco, to Ayen, is a most supportive husband. At marami nang instances ng pagpapatunay nito.

Pero sa part din niya, Ayen could be the most loving wife para sa isang tulad ni Franco.

Sa PEP interview, Ayen made use of the time to help "promote" her husband’s current stage appearance, Fire And Soul: A Cantata, na magkakaroon ng two-night performances sa De La Salle University Taft Ave., Manila, on February 26 and 27 at 7 p.m.

Dagdag pa niya, "He’s also busy with Charlie Brown."

Similarly, Franco supports Ayen’s turf, even playing featured roles, as in Banaag At Sikat, a rock musical, na pinagbidahan ni Ayen sa CCP in 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He’s very supportive," patotoo pa ni Ayen sa asawang singer-actor.

"He would never stop me from doing what I want.

"Kung iba, hindi ako papayagan na ganito yung [sitwasyon ko]," sabi ni Ayen, citing the fact na hanggang lampas-hatinggabi ang regular taping hours sa ginagawang soap opera.

"Pero siya talaga, ’Go, hon, do it!’

"Hindi mo ’yan maririnig na ’Don’t!’

"Ako pa nga ’yung naku-conscious minsan, ’Hon, can I do this?’"

May nakakatuwang anekdota rin si Ayen sa pagiging mapagmahal, maunawain, at mapagbigay ng kanyang asawa.

"For example, little things, like may party... Nag-iinuman yung magpi-friends, ’Hon, can I drink?’

"Ako pa yung concerned, kasi ayoko yung ayaw niya na umiinom ako.

"But he’d say, ’No, hon, go! What do you like?’

"Siya pa ang pupunta sa bar! Siya pa ang kukuha ng alak!" natutuwang kuwento ni Ayen.

11-YEAR MARRIAGE. Next month, Franco and Ayen will be celebrating their 11th year of marriage.

Ilang taon na rin nilang nalampasan ang sinasabing "seven-year itch," ang panahong nasa "critical period" ang magkarelasyon—legal man ang pagsasama o hindi.

"Eleven years this March," ani Ayen.

"Personally, hindi ako naniniwala... Kasi hanggang ngayon, we still have issues na kailangan ninyong pag-usapan.

"Meron pa rin, e, kahit sabihin mong matagal na kayo."

Ang paniwala ni Ayen, tamang pag-uusap between partners ang susi sa matagumpay na pagsasama.

"Yeah, communication and acceptance... Kaya lang, mahirap yung acceptance minsan.

"Sa pinagdaanan ko, yung acceptance... yeah... ugali n’yo sa isa’t isa.

"More on adjustment n’yo, sa isa’t isa.

"Kasi kami ni Franco, so different. Franco is... sociable ’yan, socialite ’yan!

"Ako naman yung tipong I’d rather stay at home.

"Ako yung... mas tahimik lang ako at saka ’pag ayaw ko, obvious na obvious, sasabihin ko, ’I don’t feel like going...’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dun kami nagkakaroon ng discussion.

"Franco will then say, ’Why? But we have to do it!’"

Natawa uli si Ayen as she realizes their extreme ways and thought patterns.

"Ngayon, medyo tumatanda na kami, alam na namin yung mga invitations na hindi naman importante.

"Namimili ka na lang, kasi nga... mas outgoing si Franco, and we’re not getting any younger!"

MISSING THEATER WORK. Mahirap para kay Ayen na talikuran ang teatro, kung saan din siya nagsimula bilang Theater Arts graduate sa University of the Philippines at nagtamo ng iba’t ibang karangalan sa pagganap, tulad sa musical na Atang ng Dulaang UP.

Para sa kanyang lead-title role performance ay nahirang na pinakamahusay na aktres sa Aliw Awards si Ayen noong 2009.

Kasabay niyang nagwagi si Franco para sa pagganap nito sa Isang Panaginip Na Fili, na mula rin sa panulat at direksiyon ni Floy Quintos.

May mga sumunod pang pagganap na pinagtagumpayan ni Ayen, tulad sa Banaag At Sikat ng Tanghalang Pilipino sa CCP in early 2010.

Bukod dito, ang pagganap din sa ilang independent films at mainstream projects, tulad sa Sigwa ni Joel Lamangan at Here Comes The Bride ni Chris Martinez.

"Nakaka-miss ang theater at nakaka-miss din yung indie actually," sabi niya.

"Si Franco, he’s in the new Kimmy Dora and also appeared in Dennis Marasigan’s indie, Anatomiya Ng Korupsiyon."

Samantala, hindi niya isinasara ang pintuan sa muling pagganap sa entablado.

"Nami-miss ko," sabi ni Ayen.

"Actually, ang daming nag-offer in the beginning of the year and last year.

"Hindi ko mapagsaba. Dati, pinagsabay ko na yung Atang at Rosalinda, pero nagkasakit ako.

"Sabi ko, ayoko nang gawin ’yon. One at a time o kung may gagawin man akong something for the stage, minor lang..."

Sa pagganap niya ngayon sa TV soap opera, tulad ng Hiram Na Puso, hindi naman maiwasang magawa ni Ayen ang kinasanayang "stagey performance" na kailangan niyang itama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like kanina, I have to remind myself, wala ako sa stage. Kasi alam ko ’pag yung lines ko, nagiging stagey. Natawa ako.

"Definitely, alam niya [Direk Andoy Ranay] ’yon. You get the feel, e. Kaya inulit ko talaga, ’Sorry, Direk ha!"

PASSION. For Ayen, acting is really a passion.

"Of course! It was what I took up din in college, e," pagtukoy niya.

Ayen first studied voice sa Conservatory of Music sa University of Santo Tomas (UST), bago siya nag-enroll sa UP para naman sa kursong Theater Arts.

"I was into Theater Arts... yun talaga yung passion ko—perform, more of an actor and singer.

"But I started as a singer. Eleven years old pa lang, kumakanta na ako in musicals. And I also had recordings."

Does Ayen plan to go back to recording?

"Naku, ang hirap sumabay ngayon, kasi ang gusto kong mangyari is bumalik yung OPM sound.

"Yun yung goal ng OPM, but for the moment [pinag-aaralan].

"As member of OPM, they have my support."

Ayen hopes OPM succeeds along that line.

"Sana... wishful thinking."

How does Ayen take good care of her singing and speaking voice?

"Practice. May hika pa ako. Ang hirap ’pag may asthma. Kailangan ang tulog ko, 8 to 10 hours ’pag kakanta ako," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN