Leandro Muñoz reveals Valentine’s surprise from rumored girlfriend Iwa Moto

"Pag-uwi ko, puro candles and mga balloons. Siya talaga ang gumawa. Valentine’s Day kasi may taping kami. Kaya ang ginawa niya, sinalubong niya," says Leandro Muñoz when asked about Iwa Moto’s Valentine’s surprise for him.


Si Leandro Muñoz ang leading man ni Arci Muñoz sa bagong serye ng TV5 na Felina: Reyna Ng Mga Pusa na magsisimula nang umere sa Lunes, February 27.

Tinapos na halos lahat ni Leandro ang mga eksena niya sa nabanggit na serye dahil noong Martes, February 21, ay bumalik na siyang muli ng Amerika.

Pero bago siya umalis ay nakausap muna ng PEP si Leandro.

HIS DAUGHTER. Huling punta raw ni Leandro sa U.S. ay noong panahon ng Kapaskuhan para makasama niya ang kanyang anak.

Ang ginagawa raw ng aktor, kapag tapos na siya sa isang tine-tape na serye, bumabalik siya ng Amerika.

Pupunta na lang siya ulit ng Pilipinas kapag may bago na naman siyang show na sisimulan.

Ngayon daw, kailangan talaga niyang puntahan ang anak.

"Kailangan kong bumalik for the oathtaking," pagbanggit niya sa kanyang panunumpa bilang isang American citizen.

"Ga-graduate na siya ng high school," patungkol naman niya sa kanyang dalagang anak.

"Kailangan kong pumunta back and forth. Single parent ako.

"Mag-isa lang siya na nandoon kaya kailangan ko siyang puntahan."

Two years ago raw ay nakapagbakasyon din ang anak niya sa Pilipinas.

Dito kasi sa Pilipinas nakabase ang ina ng dalaga niyang anak.

Ayon kay Leandro, inaayos na rin daw ang papeles ng ina ng kanyang anak para makapunta sa Amerika.

"Di ba, every daughter needs a mom? Kaya yun."

SECOND CHANCE. Masuwerte si Leandro dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon pagdating sa showbiz career.

Sa kaso niya, nagagawa niyang magpabalik-balik sa Amerika at sa Pilipinas para sa showbiz career niya rito at sa trabahong iniwan pa rin niya sa U.S. at pag-aalaga sa anak.

Malaki nga raw ang pasasalamat niya sa TV5 sa pagkakataon at tiwalang ibinigay sa kanya.

"Happy ako," sambit niya.

"Ang nangyari kasi sa akin, kinuha ko ang The Sisters, yun lang talaga ang gagawin ko originally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After that, back to life in the States na naman ako.

"E, ang nangyari, before mag-end ang The Sisters, na-offer-an ako ng Felina.

"Pinag-iisipan ko pa kung kukunin ko. Buti na lang, tinanggap ko dahil maganda ang projects, e."

IWA’S SURPRISE? Nang kumustahin namin ang estado ng relasyon nila ni Iwa Moto, "We’re going out," ang naging sagot ni Leandro.

Pero noong nakaraang Valentine’s Day, mababasa sa parehong mga Twitter accounts nila ang nangyari sa bisperas ng Araw ng mga Puso.

Sinorpresa raw siya ni Iwa, ayon sa tweet ni Leandro.

Nag-tweet din ang actor na ano raw ang nagawa niya to deserve a surprise on Valentine’s Day.

Kaya tinanong ng PEP si Leandro kung anong klaseng Valentine’s surprise ang binigay sa kanya ni Iwa.

Nakangiting sabi naman ni Leandro, "Wala, pag-uwi ko, puro candles and mga balloons.

"Siya talaga ang gumawa.

"Valentine’s Day kasi may taping kami. Kaya ang ginawa niya, sinalubong niya."

Kung tutuusin, nagkakilala lang sila ni Iwa dahil sa show nilang Felina.

Kuwento ni Leandro, "Nagkakilala kami January 18.

"So, we’ve been going out, wala pa namang formal na ano... nandito pa rin kami sa getting-to-know each other stage."

LEADING LADY KILLER? Sa kaso ni Nadine Samonte, inaamin naman ni Leandro na naging sila talaga.

Aware ba si Leandro na nagkakaroon na tuloy siya ng imahe na nagiging girlfriend niya ang leading ladies niya o nakakasama niya sa show?

Natawa ito nang mahaba.

Nang mahimasmasan ay sinabi niyang, "No, no... ano naman ako, kapag mero’n akong relationship, siya talaga. Isa lang.

"If I don’t have a relationship, I go out and date and looking for the right one.

"I really go out. I date a lot until I find the right one."

Posible bang the "right one" si Iwa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I like Iwa. Sa ngayon, lumalabas kami so I don’t see anyone anymore. I don’t see anybody else."

Sa buhay niya ngayon, sa palagay niya, hindi pa niya nakikita ang "right one" para sa kanya?

"Hindi ko pa nakikita.

"Pero sa trait ni Iwa, lahat ng traits ni Iwa, physical na hinahanap ko sa isang babae, nasa kanya.

"Unang-una, maganda siya. Sexy siya. Yun ang physical side.

"At saka, very family-oriented.

"Si Nadine, ganoon din. Kaya yun ang nagustuhan ko kay Nadine.

"Si Iwa, very friendly. Siyempre akala natin...dahil may image nga siya dahil sa past niya.

"Pero once na nakilala mo siya, iba, iba talaga siya.

"Nagulat nga ako kasi, ang dami niyang ’anak.’

"Sabi ko, ’Mero’n ka na palang anak?’

"Sabi niya, ’Hindi. Anak ang tawag ko sa kanila.’

"Yun pala, ang dami niyang sinusuportahang mga bata.

"Pinapaaral niya. Mga may sakit na inaayos niya ang buhay.

"Sobrang bait. Doon ako natuwa sa kanya. Ibang-iba pala."

Wala raw problema kay Leandro kung anuman ang nakaraan ni Iwa.

Sabi pa niya, "Lahat naman tayo may past. Mero’n tayong bad past.

"Mas maganda na meron tayong pangit na past kasi yun ang magiging gauge natin to be a better person.

"Pareho kami, ang dami ko rin naging kalokohan noong bata ako.

"Kaya ngayon, I’m a better person.

"Lahat ng desisyon ko, alam ko kung ano ang magiging tama o mali.

"Alam ko kung saan ako dadalhin."

Nagkita at nagkausap na rin daw si Iwa at ang anak niya na si Franchesca sa pamamagitan ng Skype.

"Sabi ng daughter ko, ’I like her. First impression ko sa kanya, she’s a good person.’

"Sabi naman niya, ’Whoever and what will make you happy, I will support.’"

Ano ang feeling na meron na siyang teenager na anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, noong unang beses siyang nag-heels, muntik akong maiyak.

"Kung wala lang kami sa mall noon, naiyak ako!" natatawa niyang sabi.

Ano ang meron sa heels na muntik na siyang maluha?

"Yung feeling na, ’Oh my God, dalaga na ang anak ko.’

"Alam mo yung puwede nang mabuntis... yung mga ganoon.

"Actually, noong una siyang magkaroon, nataranta ako.

"E, single parent ako, hindi ko alam ang gagawin."

Kung sa pagdating sa babae raw ay baka puwede pa siyang kuwestyunin, pero pagdating sa pagiging ama, alam daw niya kung ano siya.

Ayon pa kay Leandro, "Siguro kung ire-rate ko ang sarili ko sa pagiging ama, 8.5 ako sa pagiging tatay.

"Siyempre, may mga flaws pa rin. Lahat tayo may mga flaws at saka mahirap dahil ang age gap namin, 17 years lang.

"Yung laro, okay, cool dad daw ako. Pero kapag magkasama kami, napagkakamalam kaming mag-asawa.

"Dahil alam n’yo naman sa States, ang mga babae kung magdala ng sarili nila, very confident, very aggressive.

"’Tapos kung magsalita pa siya, very mature.

"Kaya noong nasa airport kami, sabi ng Consul, ’I can interview you with your wife.’

"Sabi ko, ’No, she’s my daughter.’ Napahiya tuloy yung bata.

"At saka kapag pumupunta ’ko sa school nila, inaasar ko pa teacher niya.

"Ang ibang parents, dumarating naka-formal, ako naka-sando, kita tattoo.

"Kaya siya, ’I got a cool dad.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN