Pokwang on love scene with Gabby Concepcion: "Nagustuhan naming pareho!"

Comedienne Pokwang proves that there is life after Happy Yipee Yehey!. After the noontime show was axed, Pokwang is now busy shooting two movies and will soon be seen in a new teleserye.


"Oo naman, nami-miss ko yung paghu-host!"

Ito ang mabilis na tugon ni Pokwang nang tanungin siya kung nami-miss na niyang mag-host pagkatapos mawala sa ere ng kanilang noontime show na Happy Yipee Yehey!.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Pokwang sa presscon ng 4 Da Best noong Miyerkules, February 22, sa Rai Rai Ken restaurant sa SM The Block.

Ang 4 Da Best ay isang live entertainment performance at concert na pagsasamahan ng apat na "delubyo" pagdating sa pagpapatawa—sina Pokwang, Pooh, K Brosas, at Chokoleit.

Gananapin ito sa March 16 at 17 sa Music Museum.

Ano ang naramdaman ni Pokwang nang mawala sa ere ang Happy Yipee Yehey!?

"A, ano yun, e, kumbaga nangyayari talaga yun sa showbiz, di ba? Nangyayari talaga.

"Walang permanente, ang permanente lang sa trabaho natin is change.

"Napaka-plastic ko naman kapag sinabi kong hindi ako nalungkot na nawala yung show.

"Yung gising ko, gano’n pa rin, yung inaano na no’ng katawan ko... hinahanap-hanap ko pa rin.

"Pero siyempre ngayon, kampante naman ako na hindi ako pababayaan ng ABS-CBN, kasi meron naman akong mga bagong trabahong gagawin," saad niya.

BALIK-TELESERYE. Nang matapos ang Happy Yipee Yehey!, agad naman nabigyan ng panibagong proyekto ng ABS-CBN si Pokwang.

Banggit pa niya, "Nag-start na kami ng teleserye, hopefully next month na.

"So, may mga nagaganap na mga storycon, ganyan."

Ang huling teleserye na ginawa ni Pokwang ay ang Ysabella, kung saan nakasama niya sina Judy Ann Santos at Coney Reyes.

Ano ang feeling na babalik siyang muli sa paggawa ng teleserye?

"Excited!" bulalas niya.

"Di ba, kasi panibagong path na naman ito ng buhay ko as ano, as artista.

"So another challenge na naman ito sa akin."

UPCOMING MOVIE WITH ATE VI. Maliban sa kanyang pagbabalik sa teleserye, mayroon ding ginagawang horror-suspense movie si Pokwang, ang The Healing, sa direksiyon ni Direk Chito Roño.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama niya rito ang Star for All Seasons na si Governor Vilma Santos; at sina Kim Chiu, Janice de Belen, at Martin del Rosario

"Basta ano, napaka, sobrang... alam naman natin kapag Chito Roño... ano, pagdating talaga sa mga horror movies, Chito Roño ang namamayagpag diyan.

"So, nagpapasalamat ako, another ano naman ito, e... from drama sa A Mother’s Story, ito horror naman, di ba?

"So, ibang kaalaman naman ito," sabi ni Pokwang.

Ano ang role niya sa The Healing?

"Isa akong nurse na uupa sa bahay nila Governor Vi, ganyan.

"’Tapos The Healing, kasi yung mga nagpapagamot, yung nagpa-heal sa manggagamot, may kapalit yun.

"So, basta abangan n’yo na lang yung kwento."

May halong comedy rin ba ang pelikula bilang kasama siya sa cast?

"No, no, wala," sabi niya.

"Hindi masyado ang comedy ko rito.

"Ang gusto nga ni Direk Chito, ayaw niyang makita yung Pokwang sa karakter ko, e, ibang atake.

"So siyempre, another ano na naman ito, di ba, may matututunan ka na naman. Yehey!"

Ito ba ang first horror film niya na seryoso talaga?

"Na serious talaga? Oo, kasi yung Cinco namin... sa Cinco medyo may comedy yung ano, e."

Hindi pa raw alam ni Pokwang kung kailan ipalalabas ang The Healing, pero nakailang shooting days na raw siya.

Dagdag pa niya, "Si Ate Vi, nakaka-twelve days na sila; ako yata apat pa lang, e."

Kumusta katrabaho si Governor Vi?

"Ay naku, energy lagi ang lola mo!" sabay tawa ni Pokwang.

"Energetic, hindi kami nawawalan ng kuwento. Tawa kami nang tawa.

"Sabi ko, ’Tama ba itong ginagawa natin?’ sabi ko... tawanan kami [talaga].

"Si Direk Chito minsan, lumalayo ako, kasi yung kakatawa niya, kinakabagan na kami.

"Alam mo yun, madaling-araw na, parang maghiwa-hiwalay muna tayo kasi sumasakit na yung tiyan.

"Gano’n kami kasaya sa set."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaeksena na ba niya ang Star for All Season?

"Oo naman. Siyempre kabado ako, Vilma Santos yun, hello!

"Pero ano naman, ano kasi si Direk... kasi maano siya sa blocking.

"Kailangan doon mo siya ano... saka naman kapag hindi siya satisfied, hihingi siya ulit sa ’yo ng isa pa, gano’n."

Kinabahan ba siya noong first time niyang makaeksena si Governor Vi?

"Oo naman, kabado ako do’n!

"Pero habang tumatagal, nagiging... wala na yung mga tension-tension, gano’n."

MOVIE WITH REGAL FILMS. Maliban sa The Healing, mayroon din siyang ginagawang pelikula sa Regal Films kung saan kasama naman niya sina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez.

Kumusta ang shooting?

"Actually papatapos na rin kami, mga five days na lang papatapos na kami," sabi ni Pokwang.

Ano ang title ng movie?

"Hindi pa nila ma-finalize kung ano talaga yung title, pero yung [working title] Ded Na Ded Ako Sa ’Yo, kasi ano ako dito, ghost mom.

"Directed by ano siya... Direk Joel Lamangan."

May nakatutuwa namang kuwento si Pokwang tungkol sa co-star niya sa pelikula na si Gabby.

"Alam mo, may kuwento no’ng bata ako.

"Nanonood ako ng shooting ni Gabby Concepcion, mga siguro ano... siguro mga Grade 5, Grade 6 ako no’n, sila ni Sharon Cuneta.

"Di ko na maalala [kung anong movie], bata pa ako no’n, e.

"Kasi yung kalye, pababa, tumatakbo ako, hindi ko nakitang may sampayan... [sumabit ako] nasugat ako dito no’ng bata ako," sabay turo sa may bandang leeg niya.

"Siyempre ’pag bata, ’May shooting, may shooting!’

"Tumatakbo ako, pababa yung kalye, e, may sampayan pala, ’tapos ngayon, katrabaho ko, di ba?"

Kuwento pa ni Pokwang tungkol sa pelikula, "’Tapos ito, may pagka-comedy naman yung sa Regal, comedy-drama.

"Mag-asawa kami ni Gabby, mabu-biyudo siya... matetegi [mamamatay] ako rito.

"So ayun, namatay ako, ’tapos babalik ako ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ayoko si Ruffa bilang stepmom sa mga anak ko."

May love scene ba muna sila ni Gabby bago siya mamatay?

"Yes, aarte pa ba ako?" sabay tawanan ng lahat.

Nagustuhan ba niya?

"Nagustuhan naming pareho!

"Pero patumpik-tumpik lang na mga ano [kiss]."

Ano ang pakiramdam?

"Nasarapan!" bulalas ni Pokwang sabay halakhak.

Anong lasa?

"Cherry!" malakas na halakhak muli ang narinig mula sa comedienne.

Kumusta naman katrabaho si Gabby?

"Cool, cool na cool lang siya," sagot ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN