K Brosas prefers foreigners over Pinoy men

K Brosas on casual-sex relationships: "Hindi na ako siguro pa-tweetums para sabihin kong, ’Ay! No ha! Hindi ako nagka-casual sex.’ Of course I do, pero maingat at matagal na rin. Matagal-tagal na rin at matanda na rin ako, e. Hindi rin naman ’ata tama, di ba? Be responsible. Ako naman, kung yun ang lifestyle n’yo, casual sex, ang sa akin lang, be responsible, be safe, di ba? Pero kung ’yan ang trip n’yo, why not?


Pagkatapos ng blockbuster movie na Unofficially Yours, starring John Lloyd Cruz and Angel Locsin, sunod na mapapanood ang singer-comedienne na si K Brosas sa 4 Da Best, isang comedy concert kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Pokwang, Pooh, at Chokoleit.

Ang 4 Da Best ay gaganapin sa Music Museum sa March 16 at 17.

Kumusta si K pagkatapos ng malaking tagumpay ng Unofficially Yours sa takilya?

"Nakakahiya naman, ano lang ako do’n, mga very-very light lang naman mga eksena ko do’n.

"Pero nakakatuwa kasi kahit very-very light lang yung eksena ko, yun pa yung tumatak sa mga tao.

"So, nakakatuwa, so masaya lang," sabi ni K.

CASUAL SEX. Nakaka-relate ba siya sa tema ng pelikula nila na tungkol sa casual sex?

"Oo naman!" walang kagatul-gatol niyang sagot.

"Magpa-plastikan pa ba tayo?

"Oo naman!

"Dito, casual lang yung sex, anong takot mo?

"Six years na akong single, relate na relate ako do’n."

Sino siya sa pelikula—si John Lloyd o si Angel?

"Ay, dyusko naman! Hello! John Lloyd? Mukha ba akong John Lloyd?" sabay halakhak ng komedyana.

"Magmumukha ba akong magiging John Lloyd? Ako yung nagho-hoping?

"No! Ako siyempre si Angel!"

Paliwanag niya, "Saka yung character ko do’n is ano, e, ako yung kunsintidor, di ba?

"Ako, e, kasi nga ako yung reyna ng ano do’n, e, casual sex, parang dedma lang!"

Aminado si K na naranasan niya na ring makipag-casual sex.

"’Teh, 36 na ako.

"Hindi na ako siguro pa-tweetums para sabihin kong, ’Ay! No ha! Hindi ako nagka-casual sex.’

"Of course I do, pero maingat at matagal na rin.

"Matagal-tagal na rin at matanda na rin ako, e,

"Hindi rin naman ’ata tama, di ba? Be responsible.

"Ako naman, kung yun ang lifestyle n’yo, casual sex, ang sa akin lang, be responsible, be safe, di ba?

"Pero kung ’yan ang trip n’yo, why not?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Saka be honest, yun lang naman yun—be honest about your feelings, about your feelings about sa partner mo, na ito lang ang kaya ko, ito lang.

"’Pag umasa ka, good luck sa ’yo.

"Ako, very... yeah, yung gano’n lang, pero hoping rin naman ako.

"Pero sana parang si Angel din, at the end of the movie, na-in love.

"Wala pa akong gano’n," natawang sabi ni K habang umaarteng umiiyak.

FOREIGNER. Sa masayang pakikipagkuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay K Brosas sa Rai Rai Ken SM the Block noong Pebrero 22, naikuwento rin niya ang kanyang lovelife at ang preference niya sa isang karelasyon.

"Actually yung last relationship ko, six years ago—foreigner, Australian."

So, hindi pa seryoso ’yon?

"Hindi pa, not serious."

Bakit?

"Hindi ko rin alam.

"Siguro kasi dahil sobrang napaso ka, sobrang...

"Kasi naniniwala ako na, once you get older, you get wiser dapat.

"Hindi yung kapag tumatanda ka, saka ka kumukuha ng mga bagets, ng mga pabigat, di ba?

"Bakit? Para sa ’kin, ha.

"Puwedeng paglaruan kung trip mo lang. Para seryosohin mo, makipagrelasyon ka, ang hirap, e.

"Been there, been that! On the record, been there, been that!" diin ni K habang natatawa.

So, mas gusto ni K na karelasyon ay foreigner?

"Oo," mabilis na tugon niya.

"Kasi ang foreigner, very open ang... open-minded sila, di ba?

"Lahat ng kakilala ko, kahit nakikilala ko, nagiging casual... hindi sa sex, ha.

"Casual chika ko lang sa bar kapag nakilala ko. Hindi nila ako kilala, hindi nila ako kilala na K Brosas.

"So they come up to me, they say, ’Hi! Can I buy you a drink?’

"Di ba, ang sarap ng feeling, e.

"Pilipino, aasa ka? Titingnan ka nila kasi kilala ka, di ba? Yun lang!

"Saka nai-intimidate daw sila sa amin, kesyo artista, blah, blah...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ’pag foreigner, ’pag gusto ka niya, lalapitan ka niya.

"So kaya siguro ako do’n swak [sa foreigner]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN