Paolo Bediones misses hosting Survivor; says he’s too busy to have a sex life


Paolo Bediones on why he is celibate at the moment: "Alam mo, hindi ’tulad noon, nung medyo mas bata ka pa at hindi ganito kasikip yung schedule mo, maisisingit mo talaga, e. Yung ngayon ang dami mong kailangang i-consider, e. Ang hirap pumunta ng trabaho na pagod ka."


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lovelife ni Paolo Bediones nang nakausap namin siya recently.

Sabi niya, "Wala, kasi wala kang time.

"May mga times na nakakalabas ka ng date.

"May time na puwede kang lumabas on a date, pero kailangang understanding yung babae.

"Kasi isipin mo naman, di ba malilibre ka ng 1 a.m., ’tapos 4 a.m., susunduin ka ng service [vehicle ng TV5].

"So, siyempre ano, hanggang coffee lang."

Mabibitin ang pagkikita?

"Well, puwedeng mabibitin.

"And at the same time, it’s so hard to get to know someone, e, di ba?

"’Pag ganun kaigsi yung panahon, hindi kayo puwedeng magkuwentuhan."

Sa araw ay wala rin siyang panahon kahit isa o dalawang oras?

"Siyempre yung mga dine-date mo, may trabaho rin naman sila, di ba? Ikaw lang naman yung bampira!" biro ng veteran TV host.

So, wala rin siyang sex life?

Tumawa muna si Paolo bago sinabing, "Sa pagod mo, pag-isipan mo pa ’yan?"

Pero tao lang siya.

"Hindi... ano lang ’yan, sabihin na lang natin na may time and place for everything."

When was the last time and place?

"Secret!" sabay-tawa niyang muli.

Naisisingit naman niya?

"Alam mo, hindi ’tulad noon, nung medyo mas bata ka pa at hindi ganito kasikip yung schedule mo, maisisingit mo talaga, e.

"Yung ngayon, ang dami mong kailangang i-consider, e.

"Ang hirap pumunta ng trabaho na pagod ka."

So, nakakapagod ba iyon?

"Alam mo, kung gagawin mo ang isang bagay, itodo mo na, di ba?

"Ubusin mo na yung lakas mo. Ubusin mo.

"Kung saan-saan na napupunta ang usapang ito..." at muling natawa si Paolo.

PAOLO’S SHOWS ON TV5. Tatlo ang shows ngayon ni Paolo sa TV5—ang daily morning show na Good Morning Club, ang public-affairs program na Under Special Investigation, at ang bagong late-night news program na Pilipinas News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madadagdagan pa ito ng dalawang reality shows.

Sa March 21 ang airing ng Extreme Makeover Home Edition at magpapa-audition na rin sila para sa Temptation Island.

"Tapos may isla na na napili, inaalam na lang yung final ano. Sa bandang gitna ng Pilipinas," banggit pa ni Paolo.

Wala bang naiinggit sa kanya sa dami ng shows niya ngayon sa TV5?

"Alam mo, ang maganda kasi, there’s really no favoritism.

"Nagkataon lang talaga na yung mga format na binigay sa akin kaya kong gawin," sabi ng TV host.

Stockholder na ba siya ng TV5?

"Hindi naman. Hindi naman!" ang natatawa niyang sagot.

Ano ang posisyon niya sa TV5?

"Programming manager which is more... ang pinaka-role mo dun basically is kasama sa conceptualization. Kasama sa production, hindi sa logistics.

"Hindi ako magaling dun, e. At saka sa finance, hindi ako magaling dun."

Parang sino siya sa GMA News?

"Wala, walang counterpart."

So, nabuo ang posisyon para sa kanya?

"Parang ganun. And the nice thing is I get to handle my own programs, e.

"So, pati sa radio, ganun din. Kami ni Cherie [Mercado] ang basically nagpo-produce ng Sakto With Paolo And Cherie.

"Sa Extreme Makeover Home Edition Philippines, producer din ako diyan.

"Pero hindi ibig sabihin ng producer, nagpapasok ka ng pera, ha. Hindi iyon.

"Dun sa creative aspect, malaki ang kontribusyon."

Hindi raw siya executive producer or production manager.

"Kaya nga it’s a different role. You play both the host and at the same time, doon sa creative process, kaakibat ko yung direktor ko and the EP [executive producer] and the PM [production manager].

"Contract siya, just like in GMA-7. It’s a guaranteed contract for three years and this is my third year na.

"Ang bilis, di ba?"

Kailan siya magre-renew ng kontrata?

"I expect by the third quarter of this year, they’re gonna talk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa naman akong binibigay na dahilan sa kanila para hindi ako i-renew, di ba?" ang natatawa niyang sinabi.

FORMER KAPUSO. Bago napunta sa TV5 si Paolo ay maraming taon ang inilagi niya sa bakuran ng GMA-7, kung saan siya talaga nagsimula bilang host.

Nami-miss ba niya ang GMA-7?

Sagot ni Paolo, "I miss Survivor and I miss some of the people that I used to work with.

"Yung mga producers ko doon, mga co-hosts ko doon.

"Well, yung pinaka-boss ko doon si Ma’am Marissa Flores dahil ibinigay niya sa akin talaga yung iba’t ibang pagkakataon sa News and Public Affairs.

"Si Ma’am Wilma [Galvante] also, malaki ang pasasalamat ko kay Ma’am Wilma kasi 1998, siya yung unang nagsabi talaga, ’Bigyan ng show ito.’

"And nag-Binibining Pilipinas ako nun. Siyempre, nami-miss ko din yung mga pageants.

"Pero among all the shows, I really miss Survivor."

Ang tinutukoy ni Paolo ay ang reality show ng GMA-7 na Survivor Philippines. Siya ang nag-host ng unang dalawang seasons nito.

Ayon kay Paolo, hindi niya napapanood si Richard Gutierrez, pero base sa nababasa niyang tweets ay mukhang okay naman daw ito bilang bagong host ng Survivor Philippines.

"So, at least naaalagaan yung show," sambit niya.

RIGODON. Proud ba siya na siya ang nagpasimula ng paglipat sa Singko?

"Oh, yeah!" sambit niya.

"And you know what makes me even more proud is ’pag sina MVP [Manny Pangilinan], sina Sir Bobby [Bareiro] ang kausap mo at kaharap nila yung ibang tao, paulit-ulit nilang sinasabi na, ’Si Paolo yung nagsugal sa amin kaya aalagaan namin ito.’

"Yung ganun, kaya nakakataba ng puso talaga."

Sino ang pinanghihinayangan niya na hindi lumipat sa TV5?

"Na sana lumipat din? Alam mo, marami...

"Well, kung sa GMA, hindi ko alam kung sino mga na-offer-an sa GMA, e.

"Sa ABS, alam ko yung ibang mga na-offer-an!" at natawa si Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Well, di ba, there’s talk about John Lloyd [Cruz].

"There’s talk about Sarah Geronimo... mga ganyan.

"Siyempre, it would have been great to work with them.

"Sa News, di ba, there’s also talk about Karen Davila before na baka lumipat.

"Si Henry [Omaga-Diaz], si Julius [Babao]... mga ganyan.

"Pero with the team we have now, nakakatuwa kasi tingnan mo sa Good Morning Club ha, ang kasama ko sa morning show si Cheryl Cosim at saka si Tintin Bersola na galing sa Alas Singko Y Medya [ng ABS-CBN noon], di ba?

"Nakakatuwa, e, na magkalaban kami noon, ngayon magkasama kami sa morning show.

"’Tapos siyempre, yung katapat mo, yung dati mong show—yung Unang Hirit [ng GMA-7], di ba?

"So, in terms of inggitan, I don’t think may ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN