Teen star Julian Trono wants to follow Dingdong Dantes’s footsteps; admits crush on Marian Rivera

Julian Trono on why he idolizes Dingdong Dantes: "Si Kuya Dingdong kasi, ang alam ko po talaga noon, dancer siya. So ewan ko, parang nakikita ko lang na gusto kong maging ’tulad niya. Alam ninyo yung gusto ko siyang maging... yung mga tinahak niya po gusto ko yung mga ginawa niya. I mean, sana kayanin ko yung mga naging achievements niya."


Si Julian Trono ang pinakamatanda sa kiddie show ng GMA-7 na Tropang Potchi.

Napapanood din ang 14-year-old actor-dancer sa musical-variety show na Party Pilipinas.

Siya ang kuya ng younger cast members ng Tropang Potchi ’tulad nina Sabrina Mann, Lianne Valentino, Bianca Umali, Miggy Jimenez, at Lenlen Frial.

Sabi ni Julian, "Okay naman po, nadadala ko dito sa set yung ginagawa ko sa bahay.

"Kasi ako rin po ang eldest sa aming magkakapatid, e. So, parang walang... hindi hassle.

"Kumbaga, alam ko yung feeling kasi ng pagiging kuya kaya okay lang po, masaya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julian sa taping ng Tropang Potchi kamakailan.

Okay lang ba kay Julian na binatilyo na siya sa edad na katorse pero nasa isang children’s show siya?

"Okay pa rin naman po kasi iyon nga, kuya naman yung role ko. So, no worries kaya okay naman po ako."

Ang Tropang Potchi ay napapanood tuwing Sabado, 9 a.m.

CRUSH? Hindi raw uso sa kanila sa show ang crushes dahil mga bata pa sila.

"Sa mga kasama ko? Kasi... hindi naman po sa ano, ina-admire ko sila dahil magaganda.

"Pero hindi yung crush talaga kasi mga little sisters ang turing ko sa kanila, e.

"Wala naman pong crush talaga," sabi ni Julian.

Wala nga raw siyang nililigawan ngayon.

VALENTINE’S DAY? Kumusta siya noong Valentine’s Day?

"Nag-date po kami ng buong family ko. Pumunta muna kami sa mga lola ko, sa sementeryo.

"’Tapos ano lang, dinner lang. Iyon, konting laro kasi kasama yung maliliit kong mga kapatid.

"So iyon, nag-enjoy naman kami, ’tapos sa bahay na lang kami."

Wala siyang pinadalhan ng Valentine’s card or flowers and chocolates.

"Ay, wala po. Wala, e. Wala po, e," nangingiting sinabi ni Julian.

THE DANCER. Sa husay ni Julian sa pagsasayaw, may mga nagsasabi na siya ang "next Mark Herras."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon naman sa director nila sa Tropang Potchi na si Louie Ignacio, hindi the next Mark Herras si Julian kundi "the first Julian Trono."

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Siyempre, nakaka-flatter po dahil siyempre si Direk Louie, mataas na tao.

"Ang sarap sa feeling dahil alam mo yung masabihan ka ng ganun ng mabigat na tao, siyempre honored ako.

"At siguro gagamitin ko yung sinabi niya as a... parang, kumbaga, drive sa akin para magawa ko yung ini-expect nila sa akin."

NEXT IN LINE. Isa si Julian sa sinasabing next in line na maging tween male star; ’tulad nina Joshua Dionisio, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Jhake Vargas, at Alden Richards.

Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi ko po alam!" ang natatawang reaksiyon ni Julian.

Lalo nga at malamang ay i-buildup siya nang husto ng GMA-7.

"Iyon din actually, mero’n din kaming... pero matagal na yun.

"Nagkaroon kami ng meeting kay Sir Arsi [Baltazar of GMA Artist Center], kay Sir Joey Abacan, kasi magko-co-manage na po sila sa akin.

"Pina-process na po yung contract, pero okay na rin po yung mga pinag-usapan.

"Okay na po, yung contract na lang po ang hinihintay, so iyon."

Sa ngayon ay solo pa rin muna siyang mina-manage ni Joy Cancio.

"Hindi ko pa po sure kung kailan sila magko-co-manage.

"Pero yung contract na lang po ang hinihintay na lumabas.

"So iyon, sana po lumabas na siya very soon.

"Nabanggit rin ni Sir Arsi na sana ’pag wala na ako dito [sa Tropang Potchi], mag-level up na.

"So, ako naman po siyempre... well, hindi naman po ako permanent dito sa Tropang Potchi.

"Talagang darating ang time na lalaki or le-level up."

Usually, kapag tumuntong na sa edad na 15 ang isang cast member ay guma-graduate na sa show.

"Gusto ko rin naman po, another challenge. Mga bagong makakatrabaho, makakasama ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, gusto ko rin, okay po ako sa opportunity na iyon kung sakali."

DINGDONG DANTES. Sinu-sino ang mga iniidolo ni Julian?

"Si Sir Dingdong [Dantes]," sagot ni Julian.

"Si Kuya Dingdong kasi, ang alam ko po talaga noon, dancer siya.

"So, ewan ko, parang nakikita ko lang na gusto kong maging ’tulad niya.

"Alam ninyo yung gusto ko siyang maging... yung mga tinahak niya po, gusto ko yung mga ginawa niya.

"I mean, sana kayanin ko yung mga naging achievements niya."

At crush daw ni Julian ang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN