Paolo Santos humbled by the title "Acoustic King of the Philippines"

Paolo Santos appeals to acoustic music lovers: "The problem is, kasi, there’s no budget to make albums dahil sa pirata. I’ve been parang adamant na i-preach na kung puwede wag na kayong bumili ng pirata kasi walang panggawa ng album and most of the people right now are independent. I’m lucky I have Ivory [Music & Video] right by me kasi dito sa second album ko sa kanila, sabi nila, ’Gawin natin dito ang gusto mo.’"


Matagal-tagal na ring walang naririnig na mga awitin ang kinikilalang Acoustic King of the Philippines na si Paolo Santos kaya’t noong album launch niya sa Off The Grill bar and Resto sa Timog nitong Lunes, February 20, kinausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Actually I don’t feel na I am on top of the parang food chain, ika nga, no?" Ang kanyang sagot nang aming tanungin kung ano ang palagay niya sa titulong "Acoustic King of the Philippines."

"I’m just part of the movement na... naging genre na kasi siya, e.

"Sa PMPC Awards [Star Awards for Music] meron ng acoustic album and artist [category].

"So I’m so thankful na naging part ako. Pero ang daming magagaling talaga.

"It just so happened na siguro ako yung naunang napunta dun sa gitna so kaya binigay siguro yun na parang title sa akin, probably because I was the first one.

"Pero [acoustic music has] been existing for a long, long time.

ACOUSTIC KING TITLE. "So siyempre nakaka-flatter, I wouldn’t deny it, pero I don’t think that I am deserving.

"Maraming mas magaling sa akin," umpisang pahayag ni Paolo.

Sino sa tingin niya ang deserving?

"Madami! Like si Noel Cabangon, si Gary Granada, sobrang madaming magaling, e.

"I probably could relate to a bigger or a wider audience kasi yung music ko mas pop kesa sa kanila, e.

"Yung kanila na-classify na folk kasi, so siguro, iyon yung kaibahan ko with them kaya mas parang napansin ako."

What about Jimmy Bondoc and Nyoy Volante na mga acoustic singers din?

"Okay naman, like they are my friends and they also are within the genre pero, the difference between us and them is kasi, sila talagang backed up by a band, e.

"Ako from the onset, nag-start ako pero wala akong kilala e, wala akong kilalang ibang musicians.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So I ended up doing it on my own tapos hindi ko alam na iyon pala yung formula para magkaroon ako ng pangalan sa industry.

COMPETITION. "But I respect every musician na nasa same genre, wala namang jealousy or what kasi pag meron, let’s say, sa variey show sa TV, nag-imbita ng acoustic, kami-kami rin ang magkikita so we learned to work with each other.

"We’ve been friends for a long, long time so we’re happy on the success of each one, so iyon lang, ganun kasimple."

Ano ang reaksyon niya sa pagsulputan ng mga acoustic singers sa mga bars at kung saan-saan pa gamit ang style na pinauso ni Paolo seven years ago?

"Dalawang side yan, e. Positive tsaka may negative yan, e.

"Yung positive is that you’ve made your mark, ika nga.

"That’s the most important thing. Na there are venues now able to acquire artists na puwede ng acoustic lang, makakapagpasaya na tayo ng tao, hindi na kailangan ng showband or anything like that.

"The downside of that, naging saturated yung market so lahat na lang basta merong gitara, akala nila... merong kahon, merong gitara, acoustic na.

"Nag-e-end up na minsan parang yung cut above the rest na whether yung mga andiyan na nung matagal na, nakukuhanan ng trabaho kasi, kami, kahit 500 [pesos] lang, patugtugin mo lang kami!’

"Kasi hindi... parang some venues kasi they just think na basta acoustic, hindi electric guitar, iyon na yun, e.

"There’s an art in doing that. I’ve done my research, I’ve read books na... kasi hindi ako musically-equipped, e.

MUSICAL TRAINING. "Some people went to UP College of Music, ako punta lang ako sa Internet, sa YouTube... magle-lesson ako dun, tanong ako sa kapwa ko ano, like kina Noel, hingi ako ng tips, kina Gary, kina Joey Ayala, na I’ll observe, I’ll drop by their gig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So iyon lang ang nagiging problema e, the crème de la crème...

"I’m not saying that I am part of that crème de la crème.

"Ako ang feeling ko parang middle-ground lang ako pero yung mga bottom feeders, sila nakakakuha ng trabaho kasi mura lang singil nila, e.

"Yung nasa dulo lang na talagang naisipan lang nila na puwedeng mag-gitara ito, mag-acoustic tapos sa venues naman, ’Acoustic yan, o puwede na yan!’

"Ang problema, yung mga highly-respected, nawawalan ng work, iyon lang yung downside nun, e.

"I’m not saying na parang ang daya ninyo, e, economics yan, e.

"The venue would rather limit costs ng overhead tutal basta may music, ’E gusto lang namin may music!’... ganun.

"Pero sana mag-improve na because there are so many great artists like there’s this guy na napanood ko sa YouTube, si Bullet, hindi ko alam yung last name niya, napanood ko lang siya—Pinoy, sobrang galing!

"Pero hindi siya active sa... siguro probably because hindi siya nabibigyan ng opportunity, so iyon yung mga ano [sitwasyon], e.

"Ako feeling ko I was just at the right place at the right time.

"I have the skill... not the best of them all, di ba, pero natsambahan ko lang na siguro nandun ako sa tamang lugar at the right time.

"Ganun ang nangyari."

Ang laban ng acoustic sa pop at dance music...

"Ako it depends on the audience siguro.

"Audience na lang ang magdi-dictate nun kasi if they don’t like who’s performing... sa akin ganito kasimple; kung like in my particular case, kung hindi mo naman ako gusto hindi kita oobligahin na manood.

"Ganun lang naman yun, di ba? Ako, for example I don’t go to clubs, yung mga techno-techno kasi hindi ako fan nun.

"Pero yung people... hindi ko sinisiraan na ’Kayo, bakit ninyo gusto yan?’ Hindi ako nagpi-preach na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will just not be patron of that particular ano. Sana ganun din yung ano, that’s the... because hindi lang ’yan sa aspeto ng acoustic, maraming magagaling na artists na hindi nabibigyan ng break because unfortunately yung nakikita lang nila sa TV ang papanoorin nila... something like that.

"Kasi nung 1990s maganda ang eksena, e.

MUSIC TRENDS. "Nung panahon nung Side A, Passage, Artstart, sobrang dami na everywhere you go nakaka-patronize ng iba-ibang forms of music.

"Sana mabuhay yung ganun.

"Buti nga yung rock scene nabuhay na ulit, yun din ang kagandahan din.

"Nung pagpasok kasi ng acoustic napansin yung OPM e, so nag- usbong itong mga rock people na I am a big, big fan also.

"Ngayon ano e, parang actually the industry is lost, e.

"Parang dati di ba siguro [bago] ito nangyari, ngayon sabihin mo lang Bamboo, e alam na ng lahat, e.

"So nung time ng acoustic, sabihin mo ang pangalan ko or sabihin mo ang pangalan ni Nyoy or sabihin mo ang pangalan ni Jimmy or ni Noel, alam mo na e, na iyon... yun e.

"Pero parang ngayon magsabi ka parang hindi... parang sa basketball, Jaworski, basketball agad yun, parang nakatatak, e, parang right now, medyo lost lang yung industry and I hope it picks up.

"And the problem is, kasi, there’s no budget to make albums dahil sa pirata.

"I’ve been parang adamant na i-preach na kung puwede wag na kayong bumili ng pirata kasi walang panggawa ng album and most of the people right now are independent.

NEW ALBUM. "I’m lucky I have Ivory [Music & Video] right by me kasi dito sa second album ko sa kanila, sabi nila, ’Gawin natin dito ang gusto mo.’

"And that’s rare! Usually papakialaman ka na, ’Hindi, kailangan ito ang gawin mo,’ sabi nila sa akin, ’Gawin natin ang gusto mo, within our parameters.’ And we did."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang resulta ay ang latest album nga ni Paolo na "How Sweet It Is" from Ivory Music & Video na naglalaman ng mga covers ng mga kanta ni James Taylor tulad ng "How Sweet It Is," "Sweet Baby James," "Fire And Rain," "Only One," "If I Keep My Heart Out Of Sight," "Don’t Let Me Be Lonely Tonight," You’ve Got A Friend," "Shower The People," "Smiling Face," "Carolina In My Mind," "Walking Man," "Country Road," "Wandering," at "Everyday."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN