Erich Gonzales on rumored animosity towards screen partner Enchong Dee: "To begin with, we were never really close..."

Erich Gonzales on real score between her and Enchong Dee: "To begin with, we were never really close—like yung sobrang on the set na chika-chika, kasi nandun naman kami para magtrabaho. I’m not saying na hindi kami nag-uusap or kung anuman, pero di ba ’pag trabaho, trabaho talaga? Saka as long as nakaka-deliver kami kung ano ang hinihingi sa amin sa eksena ng director, okay naman yun, okay yung relationship namin."


Open at honest sina Erich Gonzales at Enchong Dee sa pagsasabing walang espesyal na namamagitan sa kanila bukod sa pagiging magka-loveteam at magkaibigan—at tanggap naman ito ng publiko.

Pero balitang close at sweet lang daw ang dalawa sa harap ng kamera pero kapag natapos na ang mga eksena nila ay hindi na sila nagpapansinan na parang hindi magkakilala.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News si Erich noong Lunes, February 20, sa "meet and greet" nila ni Enchong para sa ilang masugid na tagasubaybay ng Maria La Del Barrio, sa 13th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Tinanong namin si Erich tungkol sa lumalabas na balita sa kanila ni Enchong.

Aniya, "To begin with, we were never really close—like yung sobrang on the set na chika-chika, kasi nandun naman kami para magtrabaho.

"I’m not saying na hindi kami nag-uusap or kung anuman, pero di ba ’pag trabaho, trabaho talaga?

"Napakaimportante na during breaktime kuwentuhan, pero ’pag trabaho, trabaho talaga.

"Saka as long as nakaka-deliver kami kung ano ang hinihingi sa amin sa eksena ng director, okay naman yun, okay yung relationship namin."

Dati ay sinasabi ni Erich na malapit silang magkaibigan ni Enchong. Isa pa nga raw si Erich sa unang napagsabihan ni Enchong tungkol sa pagkakaroon daw ng crush ng binata kay Julia Montes.

Masasabi ba ni Erich na mas lumalim ang friendship nila ni Enchong dahil sa halos araw-araw na pagsasama nila sa Maria La Del Barrio?

Pero hindi direktang sinagot ni Erich ang aming tanong.

Sabi niya, "Basta sobrang thankful kami dahil sa partnership namin sa ilang teleserye na kaming magkasama.

"May mga tao kaming napapasaya at nai-inspire namin sila.

"This is very important for us kasi that’s why we’re here, dahil sa kanila kaya kami nandito."

MARIA LA DEL BARRIO. Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng Maria La Del Barrio ay sinabi ni Erich na maraming dapat abangan dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa last two weeks, abangan nila ang mga pasabog.

"Kagaya ng sinabi ko, ’magbabayad ang dapat magbayad,’ malalaman nila yung magiging kapalaran ni Maria.

"Kung ano ang kaya niyang gawin para makuha yung pag-ibig ng anak niya na matagal na niyang hinahanap."

Dagdag pa niya, "Sobra-sobra ang pasasalamat namin sa mga manonood na gabi-gabi, walang sawang sinusuportahan ang Maria La Del Barrio.

"Sobra kaming nagpapasalamat sa kanila dahil hindi kami tatagal ng almost seven months kundi dahil sa suporta nila."

Sa pagtatapos ba ng Maria La Del Barrio ay magtatambal pa uli sila ni Enchong?

"It’s always up to the management naman, di ba?

"Kung bibigyan nila kami ng project, why not? But then, hopefully," sagot ni Erich.

TWO MOVIES. Dalawang pelikula ang pinagkakabalabahan ngayon ni Erich—ang pelikula nila ni Mario Maurer na Suddenly It’s Magic at ang Corazon: Ang Unang Aswang kung saan makakatambal naman niya si Derek Ramsay.

Ayon kay Erich, "Yung movie namin ni Mario, we’ll start shooting this April dito sa Ilocos and sa Bangkok.

"This year siya ipapalabas.

"Yung kay Derek naman, Corazon: Ang Unang Aswang, okay naman, walang problema dahil nakatrabaho ko na siya siya sa Magkaribal before, ’tapos heto nga yung movie.

"Actually, kasabay ng Magkaribal yung shoot ng movie namin. May mga additional scenes lang kaming idadagdag na isu-shoot namin pagkatapos ng Maria La Del Barrio.

"Okay naman siyang katrabaho—professional," sabi pa ni Erich tungkol kay Derek.

DEREK RAMSAY. Tinanong din namin si Erich kung hindi ba siya nababahala na baka mabuksan uli ang issue sa kanila ni Derek ngayong magtatambal silang muli.

Matatandaang na-link sa isa’t isa noon sina Erich at Derek habang ginagawa nila ang Magkaribal. Balita pa ngang nagkaroon ng alitan sa pagitan ni Erich at ng girlfriend ni Derek na si Angelica Panganiban dahil dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paglilinaw ni Erich, "Wala namang katotohanan ang lahat na yun, so positive lang.

"Sana suportahan ng mga tao yung pelikula namin, sana magustuhan nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN