Kristine Velasco re-enters showbiz: "Hindi na ako baby."

Kristine Velasco, who won the title Miss Teen Model of the Universe 2007 when she was 17, is all grown-up and wants to make her mark as an actress: "Ngayon, nagsusuot na ako ng miniskirt. Dati kasi, hindi. May iniingatang title. Bawal ang may kaakbay or holding a cigarette. Medyo maraming restrictions. At least ngayon, konti na lang ang restrictions. Siguro ngayon, a more mature me."



Seventeen years old pa lamang si Kristine Velasco nang pasukin niya ang showbiz pagkatapos niyang manalo na Miss Teen Model of the Universe 2007 sa Pilipinas.

Counterpart ito ng Miss Universe para sa mga teens.

Sa Singapore niya ni-represent ang Pilipinas at siya nga ang nanalo na Miss Teen Model of the Universe 2007.

Nagulat na lang daw siya nang pag-uwi niya, maraming media ang nag-aabang sa kanya.

Sumunod dito ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA Artist Center.

Si Kristine ay Christine Joy Velasco in real life, pero una niyang ginamit ang pangalang Joy Velasco nang i-launch siya ng GMAAC.

Kasabay niya sina Victor Aliwalas, Steph Henares at Gino dela Pena noong 2007.

Nakapag-host daw siya ng Go Binggo at Debutante noon at lumabas din siya sa ibang soap opera sa Kapuso network.

At present, napapanood siya sa afternoon series na Kokak.

Pero nag-lie-low rin daw kasi siya sa showbiz dahil mas pinili niyang makatapos muna ng pag-aaral ng Arts Management sa De La Salle College of Saint Benilde.

Kaka-graduate lang daw niya noong February 11.

Ayon kay Kristine, "Kakatapos ko lang din po kasi ng college kaya ngayon, parang ang focus ko na po, ang showbiz career ko."

Tinapos ba niya muna ang pag-aaral niya dahil tila hindi rin naman naging ganoon ka-bongga ang simula ng knayang showbiz career?

"Partly po, yes...pero na-experience ko rin po kasi na [hindi madali pagsabayin ang] taping at pag-aaral.

"Akala ko madali, hindi pala. Yung tipong may laptop ako [at may hawak na] mga papel.

"Tinatanong nga ako before nina Maxene [Magalona]—kasi, isa sa mga huling show ko bago ang Kokak, yung Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.

"Sobrang tagal na po, pero yun, that time, nag-aaral pa si Max at sabi nga niya, na-experience ko rin yan. Hindi pala ganoon kadali."

Wala naman daw siyang regrets na tinapos muna niya ang college.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PERFECT TIMING. "I believe in perfect timing po kasi. Mas madali po tumanggap ng projects kasi hawak ko po ang oras.

"At least ngayon po, the only thing I do is study my script at nakakapag-usap pa po ako sa mga kasamahan ko. Dati po, when I have free time, study na po."

May kontrata pa raw siya sa GMA Artist Center hanggang August of 2012. Sa four years niya sa showbiz, ano ang mga natutunan niya?

"Parang one year lang po yata kung susumahin mo. Kasi, wala talaga before.

"Pero siguro po, I’ve learned with the industry. It’s not easy [to make] money bilang artista...rather than being a lawyer or a doctor.

"So, parang for me, I realized it’s not an easy job."

Puwedeng sabihin na naging mabagal ang pag-usad ng career niya sa loob ng apat na taon niya sa GMAAC. Pero positibo pa rin ang tingin ni Kristine sa bagay na ito.

Aniya, "Hindi ako nabagalan kasi siguro, I have school rin na gusto kong matapos.

"Sa CSB [College of Saint Benilde] kasi, ang pinaka-matagal mong stay ay five years.

"Hindi ka puwedeng mag-exceed. Kapag hindi mo siya natapos ng five years, considered drop-out ka na.

"I’m lucky rin na nung gusto ko nang bumalik, open pa rin ang GMA sa akin. Doon ako natuwa."

ALL GROWN-UP. May pagbabago ba or paano niya ire-reintroduce ang sarili niya ngayon?

"Hindi na ako baby," natatawa niyang sabi.

"Ngayon, nagsusuot na ako ng miniskirt. Dati kasi, hindi. May iniingatang title.

"Bawal ang may kaakbay or holding a cigarette. Medyo maraming restrictions.

"At least ngayon, konti na lang ang restrictions. Siguro ngayon, a more mature me."

Kung sakali, sa acting pa rin daw niya gustong mag-excel.

"Actually, sinabi ko sa handler ko, kay Kuya Darryl Zamora, gusto ko ng kontrabida [role].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos sabi niya, ’Bakit kontrabida? hindi ka naman mukhang kontrabida?’

"Pero ewan ko, sa akin kasi, it’s a way to express myself kasi, hindi ko masyadong nae-express yung pagsusungit.

"So, parang may challenge ro’n. Na-experience ko yun sa Kung Aagawin...although it’s a brief experience lang."

Dugtong pa niya, "Aside from acting, hosting po kasi, I do that also."

At the end of it, masasabi ba niyang hindi pa huli para muli niyang i-pursue ang showbiz career niya?

"For me ha, I even changed my name to Kristine, it’s a new change talaga.

"Noong nagko-commercial po ako, Kristine rin naman po ang gamit ko ro’n like yung last ko po sa Colgate na boy cut po ang hair ko."

ART. Nagulat naman kami nang sabihin niya na ang pagiging cover girl sa men’s magazine na FHM ay isang art.

"I’ve seen FHM po and I consider it as a form of art. I saw it naman, maganda naman po talaga.

"I know my limits din naman po. Twenty-one lang ako, emancipated na under the law," biro pa niya.

Ngayong Sabado, February 25, siya ang magpi-finale walk sa kauna-unahang Kimono Festival sa Manila na gaganapin sa Manila Polo Club.

Si Kristine nga raw ang napili na magsuot ng Princess Bride kimono gown na makikita sa finale ng fashion show.

"Gusto po kasi nilang i-establish ang Filipino-Japanese friendship. Marami na po kasing Japanese rito."

Sobrang bigat daw ng Princess Bride kimono na 10 kilos.

"Sobrang bigat po. Pero excited ako to wear it," nakangiti niyang sabi.

Sa huli, tinanong namin siya kung sino sa mga artista ngayon ang naguguwapuhan siya at gusto niyang makapareha?

"Yung totoo, sina Aljur Abrenica at Mike Tan po.

"Actually, si Aljur po, noong makita ko po ang billboard niya noon with Kris Bernal, doon ko siya na-crushan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Mike naman po, he’s really nice, down-to-earth po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN