Marco Alcaraz looks forward to marrying Lara Quigaman

Actor Marco Alcaraz (right) and 2005 Miss International Lara Quigaman (left) are in the thick of preparations for their wedding in October this year.

"Marami palang kailangan asikasuhin," says Marco. "Kaya medyo stressed out na rin kami ni Lara kasi marami kaming dapat na pagkasunduan. Hindi puwedeng ito ang gusto ko at ito ang gusto niya. Kailangan mag-meet kami sa gitna and make a decision."


Walong buwan na lang at ikakasal na nga si Marco Alcaraz.

Sa October nga ng taong ito ang takdang kasal ni Marco sa kanyang fiancé, ang former Miss International na si Precious Lara Quigaman.

Sa panayam nga namin kay Marco sa set ng Broken Vow,
ayaw muna nitong magkuwento ng ibang detalye ng kanilang kasal dahil paiba-iba pa raw.

May mga inaayos pa raw sila ni Lara kaya ire-reveal na lang daw nila ito kapag malapit na ang wedding date.

"Marami palang kailangan asikasuhin," tawa pa ni Marco.

"Kaya medyo stressed out na rin kami ni Lara kasi marami kaming dapat na pagkasunduan.

"Hindi puwedeng ito ang gusto ko at ito ang gusto niya. Kailangan mag-meet kami sa gitna and make a decision."

May wedding planner naman daw sila Marco at Lara, pero gusto pa rin nilang ma-involve sa lahat ng mga preparations.

"Kaya nag-uusap kami nang maayos talaga ni Lara. Kahit na meron kaming mga nakuhang mga mag-asikaso, hindi namin totally na pinapaubaya sa kanila.

"Kaya yung schedules namin, kasama na itong makikipag-meet kami sa mga suppliers, florists, designers at marami pang iba.

"Mabuti naman at so far, maayos ang nagiging takbo.

"I have work at may mga trabaho rin si Lara. Pero kapag kailangan upuan namin ang mga gagawin for the wedding, kailangan present kaming dalawa," diin niya.

Kaya nga nagpapasalamat si Marco na magkakasunod ang mga shows niya sa GMA-7. Bago nga nitong Broken Vow, napanood si Marco sa Pahiram Ng Isang Ina, Sisid at My Lover, My Wife.

Kaya may malaki na rin siyang naipon para sa kanilang kasal ni Lara.

"Nakatulong sa pag-ipon ko for our wedding ang mga trabaho ko rito sa GMA-7," ngiti pa niya.

"Kailangan nating makaipon para matupad ang dream wedding namin ni Lara.

"I want to give her the best kaya trabaho lang muna tayo nang trabaho habang meron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede pa naman ako magtrabaho sa dalawa pang shows bago mag-October. Basta tuluy-tuloy lang ang trabaho natin, mas okey."

LARA’S CAREER. Kapag kasal na nga raw sila ni Lara, hindi naman daw niya patitigilin ito magtrabaho kung gusto nitong ipagpatuloy ang kanyang career.

"Very open naman ako sa usapin na ganyan. Ayokong pigilan si Lara sa gusto pa niyang gawin after we are married.

"I still want her to have a career.

"Kung ano ang mga ginagawa niya before we met, she can still do it. Walang problema sa akin iyon.

"It all depends on her kung gusto pa niya or she decides to lie low muna. She will make that decision.

"Basta ang gusto ko lang ay nandiyan siya bilang misis ko," ngiti pa ni Marco.

Handa na ngang iwan ni Marco ang kanyang pagiging binata at pasukin ang pag-aasawa.

Kinakantiyawan nga raw siya ng kanyang mga kaibigan na hindi raw nila akalain na magiging faithful si Marco sa iisang babae lamang at pakakasalan pa niya ito.

"Mga private jokes lang naman namin iyon ng mga close friends ko.

"Siyempre noong single ka, marami kang kalokohan. Hindi ka serious sa mga pinapasok mong relationship.

"Pero alam ko na darating ang panahon that you will meet the right girl and that same girl will help you change everything.

"With Lara, siya na nga yung babaeng nagpaiba ng mundo ko. She’s an angel—a gift from God!"

Kaya nga tapos na raw ang pagiging swinging bachelor niya dahil nag-iisa lang daw si Lara sa puso niya.

"Lara is the one and siya ang babae na gusto kong uwian sa bahay gabi-gabi.

"Kaya ready na ako sa buhay may-asawa. Wala nang urungan ito," pagtatapos pa ni Marco Alcaraz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN