Ruffa Gutierrez on annulment of her marriage to Yilmaz Bektas: "I’m also relieved na we can both move on and I’m officially single again."

Ruffa Gutierrez (main photo) on reading the court’s resolution on her petition to annul her marriage to Yilmaz Nektas (inset): "So, when I was reading the resolution, talagang shocked ako kasi lahat ng mga dates doon, year 2000, 2001, 2002... ang layo na pala, ang haba na. I’ve known Yilmaz for more than ten years. So, I just wish him the best of luck. Hopefully from this day forward, we can grow... you know, maging magkaibigan kami at magkaroon ng peace for ou


Malaking balita sa showbiz nitong weekend ang tungkol sa annulment case ni Ruffa Gutierrez sa kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas.

Matapos nga ang tatlong taong paghihintay, noong Biyernes, Pebrero 24, ay ibinaba na ng korte ang desisyon na sumasang-ayon sa petisyon ni Ruffa.

Kaya masasabing legally single na ulit ang TV host-actress.

"Psychological incapacity" sa parte ni Yilmaz ang naging basehan ng korte sa pagpapawalang-bisa ng kasal nila na ginanap sa NBC Tent noong March 25, 2003.

Iginawad din kay Ruffa ang kustodiya ng dalawang anak nila na sina Lorin at Venice. Pero may visiting rights naman na ibinigay kay Yilmaz.

Kahapon, Pebrero 25, ibinulalas ni Ruffa ang kanyang damdamin tungkol sa panibagong yugto sa kanyang buhay sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, kung saan isa siya sa mga host.

Kasama niya sa show sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, Zoren Legaspi at Mr. Fu.

Ayon kay Ruffa, "Well, it is an emotional time. Actually, the annulment has been long overdue kasi I filed three years ago at ganun kahaba ang panahon na nilakbay ng kasong ito.

"Actually, ngayon lang ako naging emotional nung tinitignan ko yung VTR [na ipinalabas bago ang interview sa kanya].

"Kasi you know, siyempre may pinagsamahan kami, may dalawang anak kami.

"But I’m also relieved na we can both move on and I’m officially single again. I’m closing a chapter in my life and yet I’m opening a new chapter.

"I’m very blessed that God has given me another chance for happiness."

WISHING THE BEST FOR YILMAZ. Bagama’t hindi direktang sinagot ni Ruffa ang tanong kung nagkausap na ba sila ni Yilmaz pagkatapos maibaba ang desisyon, may magandang mensahe pa rin si Ruffa para sa dating asawa.

"Actually, you know, kahapon lang [February 24] inilabas ng judge at ng lawyers ko sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But the day I left for Brazil [January 25], I already knew about it.

"So, when I was reading the resolution, talagang shocked ako kasi lahat ng mga dates doon, year 2000, 2001, 2002... ang layo na pala, ang haba na. I’ve known Yilmaz for more than ten years.

"So, I just wish him the best of luck. Hopefully from this day forward, we can grow... you know, maging magkaibigan kami at magkaroon ng peace for our kids."

HOW THE FAMILY REACTED. Nasabi na ba niya ito sa mga anak niya?

"We did have a heart-to-heart talk last night and medyo naiyak sila.

"Pero I didn’t want to tell them everything talaga kasi I think they’re still too young to understand."

Ano naman ang naging reaksyon ng mommy at daddy niya na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez?

"Actually, sinabi ko na sa kanila the day I left for Brazil. I sent them a text message.

"Wala, ang sabi lang nila, ’We’re happy that it’s finally over.’"

Ayon pa kay Ruffa, ngayon daw siya nakaka-relate sa nagiging reaksyon ng mga asawa na nakatanggap ng resolution tungkol sa kanilang annulment.

"Pero alam mo, sabi nga nila yung mga na-annulled when they get the resolution naiiyak sila, they become so emotional.

"And with me, talagang I couldn’t read it. I had to wait talaga ’til I was on the plane ’til nabasa ko talaga yung resolution.

"And parang flashback ng lahat ng things na nangyari sa iyo. And you know, I can say it’s a bitter-sweet journey."

ARRANGEMENT WITH THE KIDS. Ano ang arrangement nila pagdating sa mga anak nila?

"I have sole custody of the kids. I’m taking care of the kids on my own. If he wants to come and visit, he’s more than welcome to do so."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung memories niya ni Yilmaz na ayaw niyang iwan kaya siya nagiging emotional?

"Actually, lahat iniwan ko na in the past. You know, I wanna remember Yilmaz for all of the good things and kung bakit ako na-in love sa kanya in the first place, kung bakit kami may dalawang anak.

"So, I have let go. Even if I’m emotional sometimes about it, it’s just because siyempre may pinagsamahan kami at naging asawa ko siya."

Dahil single na ulit si Ruffa, biniro tuloy siya ng mga co-host niya sa Paparazzi na siguradong hahaba ang pila ng mga manliligaw niya. Bagay na tinawanan lang ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN