Actor-businessman Marvin Agustin on impression he’s now very rich: "Masipag lang po!"

Marvin Agustin on their movie The Road going international: "But this one’s different kasi ipapalabas siya sa major chains, major cinema. Mainstream siya. Just like you know, just like other foreign films na pinapalabas dun. Mga movies from China, movies from Thailand. So at least naka-breakthrough na ang Pilipinas through GMA Films, through this movie The Road. Yung ganito kalaki na screening na ganitong kala


Panay ang biro ni Marvin Agustin nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagpunta niya sa Amerika para sa pagpapalabas ng pelikula nilang The Road na idinirehe ni Yam Laranas.

"Sabi ko nga, ipapadala ko mga managers ko dun para ma-check ang accommodations ko dun.

"At English-speaking na ako ngayon!" tawa nang tawang sinabi ni Marvin.

Pero masaya raw talaga si Marvin dahil ipalalabas sa North America ang kanilang pelikula.

"Masaya kasi first time... although yung mga movies namin napalabas na dun sa... yung mga past movies ko, napalabas din sa States, pero yung sa Filipino community.

"But this one’s different kasi ipapalabas siya sa major chains, major cinema. Mainstream siya.

"Just like you know, just like other foreign films na pinapalabas dun.

"Mga movies from China, movies from Thailand.

"So at least, naka-breakthrough na ang Pilipinas through GMA Films, through this movie, The Road.

"Yung ganito kalaki na screening na ganitong kalaking commercial screening, first ito kaya nakakatuwa. Nakaka-proud.

"Very excited and we’re planning nga sana, kung May 11 yung regular screening, we are hoping na magkaroon ng premiere night.

"Para lang rume-red carpet kami doon, naka-limo!" sabay tawa muli ni Marvin.

"So ayun, we’re very, very proud to be shown nga abroad."

FOR ANOTHER REASON? Ayon pa kay Marvin, bukod sa showing ng The Road sa U.S., pupunta naman siya talaga doon for a different reason.

"Nasa States din ako nun, e. May, e. I think second week.

"Nung time na screening, nasa Sates ako, sa Chicago, kasi meron kaming parang restaurant association na a-attend-an," sabi niya.

Bukod sa pag-aartista, isang successful entrepreneur si Marvin na nagmamay-ari ng maraming restaurants; isama pa ang pagpo-produce ng concerts ng mga international artists dito sa Pilipinas.

Mayaman na ba si Marvin?

"Hindi, hindi po," ang mabilis niyang pagtanggi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dagdag niya, "Masipag lang po!"

Ngayon ngang na-penetrate na niya ang U.S. market sa pamamagitan ng The Road, pumasok ba sa isip na Marvin na itodo na at subukan ang maging artista sa Hollywood? Ready ba siya?

"Dati pa naman akong ready, sila lang ang hindi ready sa akin!" at muling tumawa si Marvin.

Patuloy niya, "Pero ngayon, mukhang nagkatugma na kami."

Nag-audition na ba siya before in any Hollywood project?

"Hindi pa, hindi pa."

Pero willing kaya siya?

"Of course, of course. Oong-oo!" sagot nitong hindi naman mawari kung seryoso siya o nagbibiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN