Sarah Lahbati likes to compete with herself; not in a hurry to fall in love

Sarah Lahbati on being next in line as GMA-7’s "queen of soaps": "Reyna talaga? Wow! Well, for me po, ayoko talagang isipin na competition ito dahil it’s a wrong way to ano... kumbaga, kung ipapasok ko yun sa mind ko, iba yung magiging strategy ko kumbaga sa mga gagawin ko sa showbiz. So, iniisip ko na lang, ako lang yung kalaban ko dito. Kung paano ko ba gagalingan sa craft ko at saka kung paano ba ako magiging mas mabuting actr


Napatunayan na ni Sarah Lahbati sa teleseryeng Kokak na kaya niyang magdala ng isang soap opera dahil sa pagiging consistent na mataas ng ratings nito.

Pero ngayong matatapos na ang pinagbibidahang afternoon soap ay tila hindi pa rin makapaniwala ang Kapuso young actress.

"Nakakagulat kasi parang ang bilis ng mga pangyayari!" bulalas niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"It’s really overwhelming and hanggang ngayon, sobrang masasabi kong sobrang blessed ako mula nang mag-start akong mag-taping ng Kokak, from the first taping day hanggang matapos."

Sa Biyernes, March 2, nakatakdang magtapos ang Kokak.

Patuloy pa ng StarStruck V female winner, "Masaya po ako sa lahat ng outcome, sa mga pinapalabas at sa mga comments na nagugustuhan naman po ng mga tao.

"So, masaya po ako."

WORK PRESSURE. Aminado rin si Sarah na kinabahan siya nang gawin siyang bida sa isang teleserye.

Saad niya, "Wow! Ano po, nung una talagang kinabahan ako, pero I kept in mind na nakakatulong sa akin yung pressure.

"Pressure is a good thing para sa akin.

"So, masasabi ko lang na I’m really blessed sa lahat ng taong tumutulong sa akin, nagbibigay ng advice kung paano ba dapat gawin ang mga bagay-bagay."

TJ GOT MARRIED. Hindi ba siya kinabahan nang nag-asawa ang leading man niyang si TJ Trinidad—na baka maapektuhan ang show nila?

"Well, hindi naman po kasi from the start, alam kong napaka-professional niya.

"And I think hindi naman siya naging hadlang para ipagpatuloy ang maayos na pagtatrabaho.

"So, hindi po ako kinabahan o naapektuhan," sabi ni Sarah.

LAST WEEK. Sa huling linggo ng Kokak ay marami pa raw dapat abangan, ayon kay Sarah.

"Kailangan po talagang tutukan ang pagtatapos ng Kokak dahil hindi ko na-imagine yung sarili ko na yung isang araw, yung mga crying scenes siguro mga thirty-twenty five so... twenty plus yung mga heavy scenes or thirty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan nga, mga 2 a.m., parang numb na yung emotions ko.

"Sunud-sunod na eksenang iyakan yun. Grabe po!

"So, kailangan nilang abangan yung pagtatapos, kung ano ang mangyayari sa story at sa characters namin.

"Mag-ready sila ng tissue at sisiguraduhin kong maiiyak sila."

Ano ang mami-miss ni Sarah kapag natapos na ang Kokak?

"Honestly, yung bonding namin sa taping nila French [Frencheska Farr], si Vaness [del Moral], si JC [Tiuseco], si TJ... actually lahat kami."

WHAT NEXT? Napuri nga siya ng director nilang si Ricky Davao dahil sa malaking improvement niya sa acting.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Wow! Ano po, e, yung mabigyan po ng isang show ’tapos title role, kailangan ko talagang ibigay yung best ko.

"Napakaraming may gusto na nasa posisyon ko ngayon and matagal ko itong pinangarap, so alam ninyo po yun?

"’Pag may matagal kang gusto, ’tapos nasa yun, bibitawan mo pa ba?

"Lahat po talaga ng best ko, ibinigay ko dito sa Kokak."

NEXT IN LINE. Sa pag-alis ni Iza Calzado sa GMA-7, ang obserbasyon ng iba ay silang mga "next in line" ay mas nagkaroon ng tsansa na maging reyna ng Kapuso network at magbida sa mga soaps. Na mas "lumuwag" ang kumpetisyon.

"Reyna talaga? Wow!" natatawang reaksiyon ni Sarah.

"Well, for me po, ayoko talagang isipin na competition ito dahil it’s a wrong way to ano...

"Kumbaga, kung ipapasok ko yun sa mind ko, iba yung magiging strategy ko kumbaga sa mga gagawin ko sa showbiz.

"So, iniisip ko na lang, ako lang yung kalaban ko dito.

"Kung paano ko ba gagalingan sa craft ko at saka kung paano ba ako magiging mas mabuting actress, singer, so ayun po.

"Ako lang ang kakumpitensiya ko."

Dagdag pa ni Sarah, "Kinakabahan ako ’pag naririnig ko yung mga ganun na reyna at prinsesa.

"Basta ako po, para sa akin, ang laging focus ko lang ay paano maging mas maayos na Sarah Lahbati, kung paano ba mas mag-i-improve dahil ayokong ma-stuck lang sa isang level na diyan lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko laging maging mas better."

Ayon kay Sarah, if ever daw na mabigyan siya ng project na hindi siya ang bida, okay lang sa kanya kahit nagbida na siya sa Kokak.

"It’s not about how big your role is, it’s about how you give justice to your role and how you work hard or how you... yun nga po, kung paano mo ba ipapakita na talagang seryoso ka sa ginagawa mo. Iyon po."

SUITORS. Very vocal si Derrick Monasterio sa pagsasabing tumigil na siya sa panliligaw kay Sarah.

Sinabihan niya ba si Derrick na career muna ang dapat i-prioritize nila?

"Well, yeah, pareho po kaming nagpo-focus ngayon sa trabaho and meron din siyang show, so kailangan po talaga ang focus.

"Kumbaga, dumating na kami sa point na kaming dalawa, naintindihan namin na mas importanteng ayusin yung mga bagay para, kumbaga, para maging steady ang career namin."

May bago raw siyang manliligaw sa katauhan ni JC Tiuseco?

"Ay, hindi po, hindi po!" mabilis na tanggi ni Sarah.

Pero dagdag niya, "Meron pong mga nagpaparamdam."

Showbiz?

"Ano po, meron."

Ayaw sabihin ni Sarah kung sino.

"Basta po may nagpaparamdam diyan.

"Pinapakita ko po sa kanila na gusto kong friends muna, na huwag masyadong magmadali sa mga bagay-bagay, kasi mas nagla-last ang friendship, di ba, kesa sa love?

"So, iyon yung pinapakita ko sa kanila, kung paano ako umasta sa harap nila para malaman din nila na focused talaga ako sa work."

BEAUTY QUEEN? Itinanggi naman ni Sarah na balak niyang sumali sa Miss World-Philippines o Binibining Pilipinas.

"Ay, hindi po, hindi po totoo yun!" bulalas niya.

"Ilang beses na po akong inalok na mag-join, pero hindi, e, hindi ko po talaga ano, e.

"Kasi ayoko pong sumali or pumasok sa isang bagay na hindi buo yung puso ko.

"Kumbaga, yung may mga thoughts na hindi parang sure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, pangit naman po kung ganun, di ba?"

MAGAZINE PICTORIAL. Naalok na ba siya ng FHM para mag-cover pictorial?

"Actually, kaibigan ko po yung mga taga-FHM, Cosmopolitan, ’tapos inaalok nila ako nung 17 [years old] pa lang ako.

"Sabi ko, ’Ano ba? Hindi pa nga ako nag-e-eighteen!’

"’Tapos inalok na naman nila ako this year since nalaman nila na 18 na ako.

Sabi ko, ’Huwag muna, masyadong maaga.’

"’Tsaka parang hindi ko pa nai-imagine yung sarili ko sa isang cover ng men’s magazine."

JANINE GUTIERREZ. May balitang nag-aaway raw ang mga fans nila ni Janine Gutierrez, na kasamahan ni Sarah sa Party Pilipinas. Okay naman ba sila ni Janine?

"Hindi ko alam yun," nagtatakang sabi ni Sarah.

"Yeah, super okay kami ni Janine, wala pong isyu sa amin.

"Nakakausap ko po siya and mas nakikilala ko po siya habang tumatagal."

Ang mga fans nila ang tila may rivalry...

"Talaga? Promise, hindi ko alam.

"Well, nakakalungkot naman kung may ganun.

"Lagi kong tinu-tweet na sana matapos na yung mga social war sa Twitter.

"Yung mga ganyan kasi it’s really pointless, e."

Ayon sa iba, mas maganda ang may rivalry sa mga artista para mas napag-uusapan. Ano ang opinyon niya rito?

"Well, siguro nagiging entertaining siya sa ibang tao, pero nakaka-hurt din sa aming mga artists na makita na yung fans ko at fans niya or fans ninuman, e, nag-aaway.

"Siyempre, magre-reflect ’yan sa kanya or sa akin.

"And hindi rin nila alam kung yun pala close kami, ’tapos nag-aaway sila so sayang lang.

"Bakit pa po mag-aaway?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN