Jestoni Alarcon proud of his record as a politician

Jestoni Alarcon on his political career: "Kung sakali man, baka makikipag-usap ako sa mga dati naming grupo kung anong possibility, kung ano ang opening, ganun naman yun. Or kung talagang ayaw ko na, e, di retire na. Wala namang problema sa akin, e. Hindi naman ako yung die-hard na die-hard na kailangan. Pero kung may chance, why not?"


Mula sa bakuran ng GMA-7, tumawid si Jestoni Alarcon sa TV5 via Felina: Prinsesa ng mga Pusa, isang daytime drama series na pinagbibidahan ni Arci Muñoz.

Bagamat ang pinakahuling serye ni Jestoni ay sa Kapuso Network, ang Dwarfina, na pinagbidahan ni Heart Evangelista, hindi naman daw siya nainip dahil may mga guestings naman siya sa ibang mga serye.

Isa na nga rito ang My Beloved nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Unang regular appearance ni Jestoni sa serye ng TV5 ang Felina at tatay ng bida ang ginagampanan niyang role dito.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jestoni bago siya sumalang para sa isang live interview sa Paparazzi noong Linggo, February 26, sinabi niyang natutuwa siya dahil hanggang ngayon ay visible pa rin siya sa showbiz.

"Sa palagay ko, kung ma-maintain ko yung disiplinang ipinapakita ko sa pagiging professional sa trabaho ko, and I believed wala naman akong ibinibigay na sakit ng ulo sa production, kukunin pa rin naman nila ako," saad niya.

Kahit nagsimula sa sexy films at later ay naging action star sa mga pelikula ng Seiko Films, hindi doon natapos ang career ni Jestoni dahil tumawid naman siya sa mga drama.

Kuwento ng aktor: "Actually, no’ng humina ang movie industry natin, di ba, puro action noon?

"Year 2009, dun na ako nag-TV sa Pangako Sa ’Yo.

"Humaba yung show na yun, mga two and half years.

"Kasabay ko sina Echo [Jericho Rosales] at Tintin [Kristine Hermosa] that time.

"Sabi ko, okey naman pala, nakapag-shift ako into drama, drama, fantasy, comedy, so tuluy-tuloy.

"In every year na dumaan, maka-isa o dalawang show ka na sa TV, hectic ka na, e. Blessing na, e.

"Kahit yung movies, hindi na masyado. Paminsan-minsan nakaka-tsamba ako ng movies.

"Like no’ng last 2010, naging movie ko naman yung Super Inday with Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dad naman niya ako doon—from start to finish comedy yung movie.

"Then, ginuest naman ako ni Ai-Ai [delas Alas] sa movie niya, yung Tanging Ina, kami ni Dennis Padilla.

"Character namin, kami yung mga asawang namamatay kaya bumabalik yung roles namin.

"Yung Part 1—Tonton [Gutierrez], Edu [Manzano], at ako.

"Then itong nakaraan—Dennis, Tonton, at ako.

"Okey naman kahit pa guest-guest lang, ayos na.

"And then, TV shows.

"And busy rin sa family also. Lumalaki yung mga bata."

OUTSIDE SHOWBIZ. Sa labas ng showbiz, may maliit daw na negosyong mine-maintain si Jestoni at ang kanyang asawa.

Ito ay ang pagpaparenta ng ilang properties o buy and sell. Pandagdag daw sa kanilang gastusin sa araw-araw.

Kuntento naman daw si Jestoni sa kanyang natatanggap na talent fee sa showbiz, pero hindi lang daw siya rito umaasa.

"Pero siyempre, I make sure na meron rin kaming pagkakakitaan, kaming mag-asawa.

"Small business na ’pag walang offer at walang trabaho, nabubuhay kami doon, napag-aaral ko yung mga bata," sabi niya.

Tatlo ang anak ni Jestoni, dalawang babae at isang lalake—sina Jessica, Angela, at Anthony.

Graduating na raw ng high school yung panganay, second year yung pangalawa, at first year naman yung bunso.

Yung dalawang babae ay sa Miriam College nag-aaral samantalang ang bunso niyang lalake ay sa Ateneo.

Kagaya ng ibang anak ng mga artista, may interes din daw ang mga tsikiting ni Jestoni sa showbiz.

"May mga gusto, kaya sabi ko, ’As long as okey na yung studies ninyo...’

"Kasi yun talaga ang masisira, e, madi-distract sila sa studies nila ’pag pinagsabay.

"Sabi ko, ’Why don’t you try ’pag medyo okey na kayo?’

"Kasi meron namang example diyan na yung mga anak na artista, after maka-graduate sa college, may mga pumapasok.

"So, wala nang hindrance.

"Kung ayaw mo naman ng showbiz at meron ka namang professional career na gustong gawin... kaysa sisirain mo yung pag-aaral ’tapos hindi ka naman nag-click sa showbiz, sayang naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung eldest ko may hilig, gusto rin ng pangalawa ko saka nung bunso pero hindi masyado.

"Pero si Jessica, gini-guest na siya ng Channel 2 at Channel 7, mga dancing lang... Party Pilipinas, ASAP.

"Pinagsasayaw siya kasama ng mga celebrity kids kasama ng mga anak nina Gary V., ni Zsa Zsa [Padilla].

"Mga ganun lang. Pero she’s not into acting pa talaga.

"So, yung mga pa-guesting-guesting lang, hindi makakasira sa studies niya.

"This time talaga, hindi namin ini-encourage dahil talagang masisira yung pag-aaral niya.

"Taping and shooting schedules, inuumaga ’yan. Baka hindi makayanan.

"Baka sabihin, ’Daddy, ayaw ko nang mag-aral...’ sayang.

"Anyway, ’pag para iyo ’yan, darating ’yan, e.

"At least, ’pag ayaw mo nang mag-showbiz, nakatapos ka ng pag-aaral.

"Kung gusto mong magkaroon ng professional career, okay, at least may pinag-aralan ka," esplika niya.

POLITICAL CAREER. Pagdating naman sa pulitika, kahit wala raw sa posisyon si Jestoni ngayon ay patuloy pa rin ang kanyang public service.

"Kahit wala tayo sa politics, may mga group tayo ng mga non-government organization.

"Patuloy pa rin yung pag-ikot at pagtulong sa mga small missions, small projects na ginagawa namin."

Nanungkulan siya noon bilang konsehal at Vice Governor sa lalawigan ng Rizal. Babalikan pa ba niya ang pulitika?

"Kung sakaling babalik ako, hindi natin alam," sagot niya.

"Although, malapit na rin ’yan [eleksiyon]. One year to go na lang, mabilis na ’yan...

"So, this time, hindi ko masabi kung ano ang plano kung babalik uli sa area na yun or paano.

"Basta ang importante, alam ko ang record ko, maayos naman ang pakikitungo ko sa tao, yung public service ko walang bahid dungis, wala silang masisilip na kalokohan.

"Yun ang ipinagmamalaki kung wala ako, this time, masasabi nila, ’A, si Jestoni, malinis ang pangalan niya sa politics.’

"Kung gaano kalinis siya sa showbiz, gusto kong ipakita rin yun sa politics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Public service lang talaga," saad niya.

Hindi masagot ni Jestoni ang tungkol sa opinyon ng iba na kinakailangang maging marumi ka sa pulitika para magtagal ka serbisyo.

"Hindi ko alam sa iba, ha?

"Well, depende naman ’yan sa mga goal mo sa buhay kung nandiyan ka na.

"Basta ako, ginagawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin, may grupo akong tinutulungan na isang ganito, ganyan.

"Nagmi-mission ako para sa kanila, masaya na ako.

"Ganun lang naman.

"May happiness na akong nararamdaman.

"Minsan, kahit sa sariling bulsa ko na nanggaling yung ibinibigay ko para magawa ko lang yung isang project na para sa kanila... lalo na yung mga kababayan namin."

Sa ngayon ay hindi pa alam ni Jestoni kung anong posisyon ang papasukan niya sa susunod na eleksiyon o kung tatalikuran na ba talaga niya ang mundo ng pulitika.

"Kung sakali man, baka makikipag-usap ako sa mga dati naming grupo kung anong possibility, kung ano ang opening... ganun naman yun.

"Or kung talagang ayaw ko na, e, di retire na.

"Wala namang problema sa akin, e.

"Hindi naman ako yung die-hard na die-hard na kailangan.

"Pero kung may chance, why not?"


WORKING ATTITUDE. Tumataba raw ang puso ni Jestoni sa mga nagsasabing kailangan sila ng showbiz industry.

"E, siguro gaya nga ng sinasabi ko na isa kami sa mga professional na aktor, na hindi naman sa pagmamayabang, ay mayroong working attitude.

"Kasi yun ang importante, kung baguhan ka or datihan ka, ipakita mo na mahusay ka, professional ka. At may ibubuga ka pa rin sa acting kailangan.

"Natutuwa naman ako dito sa Felina, malaki ang role.

"Usually ’pag ganitong project, ang bini-buildup, yung mga loveteam.

"Pero itong role ko, may ka-triangle pa.

"Nagda-drama ako, ’tapos may action pa. So, natutuwa ako.

"Every soap opera ko, or fantasy project ko, nagagamit ko yung action prowess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May fight scene ako dito, may suntukan, may barilan dito.

"Aba, sabi ko, parang pelikula rin!

"Natutuwa nga ako dahil bawat show ko, napansin ko, lalo na yung ginawa ko sa ABS-CBN na Pieta, kami nina Ryan Agoncillo, talagang action yun.

"Kasi yung show, action ang dating.

"So, kahit drama o fantasy ang ginagawa namin, laging nagkakaroon... sa akin ibinigay yung mga action scenes, kaya happy ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN