Grace Lee denies Angelicopter’s allegations: "She knows better than anyone else na tinanggal siya sa trabaho hindi dahil sa away namin."

"Affected ako because she can say whatever she wants, pero to bring in the issue about me dating the President, why she have to mention that? It has nothing to do of what happened. That is so childish naman," says Grace Lee about the allegations made by former co-anchor Angelicopter.


Isa si Grace Lee sa dumalo sa launching ng SM Accessories na ginanap sa lobby lounge ng Dusit Hotel sa Makati City kagabi, February 27.

Napilitan ang Korean radio-TV personality na sagutin ang isyu nila ni Angelicopter, kung saan siya ang itinuturong dahilan ng pagkatanggal nito bilang co-anchor sa radio program nila sa Magic 89.9 na Good Times.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Grace, "I was really disappointed. I was saddened by the fact na kaibigan kami at one point.

"Yes, we had falling out, I admit.

"Kung ano naman ang naging reason ng falling out namin, it’s a private business.

"And she knows better than anyone else na tinanggal siya sa trabaho hindi dahil sa away namin.

"Very clear yun dahil ilang beses na kinol yung attention niya dahil sa off-air and on-air problems. And this was clarified by the station.

"I’m also an employee of the station.

"Saan naman kayo makakita ng isang kumpanya na pina-fire ang isang employee over another employee?"

Nagtataka rin si Grace kung bakit ngayon lang daw lumabas ang isyung ito sa pagitan nila ni Angelicopter.

"And this happened before Christmas of last year.

"So, bakit ngayon lang siya lumalabas to tell the story, well in fact this happened two weeks before Christmas of last year?"

WALKOUT. Sinagot din ni Grace ang sinabi ni Angelicopter na nag-walk out ang Kapuso host nang makita siya uli ng former Survivor Philippines castaway sa radio booth pagkatapos nilang mag-away.

Ayon kay Grace, "Taken aback ako dahil I knew that the management had decided to terminate her contract with the station.

"Nasa New York siya nung panahon na yun. So, walang communication, I didn’t know what was going on—kung nakausap na ba siya ng management.

"In fairness kasi to the management, the management wanted to fire her face to face, ayaw nila over the phone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, they waited her to come back, and none of us knew that she was back in the country.

"Until pumasok ako, nakita ko na lang siya nasa loob ng booth.

"So, nagulat ako, sobra. I wasn’t ready to face her.

"And whatever happened that day, she knows what she did."

BIG INFLUENCE. Ang ikinasama pa ng loob ni Grace, ang pagkaka-link niya kay President Noynoy Aquino ang pinapalabas ni Angelicopter na malaking impluwensya kaya tuluyan siyang tinanggal sa Magic 89.9.

Aniya, "Let’s stop this circus of releasing statement na hindi naman totoo.

"At ang pinaka-ayoko ko dito, yung sinabi niya [na] ginawa ko yun dahil I feel powerful.

"This happened before I met the President.

"I had not gone out with a single date with the President when she fought with me.

"And let me clear, inaway niya ako.

"I left the room, nasaktan ako sa mga sinabi niya sa ginawa niya, very unprofessional.

"I stepped out of the room. Umiyak ako.

"Yung mga kaibigan ko, si Maey [Bautista] ang Betong [Sumaya], were there and they were telling me na okay lang yun, huwag na akong umiyak.

"Pero nakita nila ang lahat na nangyari.

"That’s why ako, I don’t want to talk in the first place because I felt that, ’Bakit ako magsasalita?’

"I can have everyone else around talk on my behalf because it’s the truth and I don’t have to put words in people’s mouth."

Diin pa ni Grace, "Affected ako because she can say whatever she wants, pero to bring in the issue about me dating the President, why she have to mention that?

"It has nothing to do of what happened. That is so childish naman."

NO RESPONSE. Gusto ring linawin ni Grace ang sinabi ni Angelicopter na hindi raw siya sumasagot sa mga tawag at text nito nang magkaroon sila ng gulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Grace, "Nag-reach out siya sa akin, but it’s not true that I did not respond dahil ni-reply-an ko siya, at meron akong evidence.

"I have text messages that I got from her and I replied.

"It’s not true that I have my doors closed.

"And she repeatedly tried to reach to me?

"She reached out to me once, and I replied to that message."

CLOSING HER DOOR. Pero dahil sa takbo ng mga pangyayari, tila isinara na ni Grace ang pinto ng pagkakaibigan nila ni Angelicopter.

"I think maintindihan n’yo naman siguro kung ayoko na talaga dahil sa nangyari.

"But you know, four years po akong nagtatrabaho sa industriyang ito, sa GMA, sa Magic... ang dami kong katrabaho dito.

"Tanungin n’yo ho kahit mga cameraman, even the helps on stage, even the security guard, none of them would tell you that I treated them less than I would treat a friend or the way I should treat a co-worker.

"Hindi po ako ganung tao," diin niya.

GOOD TIMES. Aminado si Grace na apektado siya sa mga ganitong intriga, pero hindi niya itinatanggi na marami namang magagandang bagay ang dumating sa kanya magmula nang ma-link siya kay PNoy.

"Honestly, I’m not enjoying this.

"Alam n’yo minsan, I wanna dig a hole and hide, parang ganun ang pakiramdam ko.

"Dahil hindi po ako sanay sa ganitong atensiyon, lalo na ’pag nababasa ko sa mga newspapers or online articles na hindi naman totoo, na very hurtful, lalo na ’pag nadadamay dito ang mga taong mahal ko, di ba?

"I’m not exactly enjoying this, although I take it as a blessing naman, di ba?

"Lahat naman ito, a part of it is a blessing.

"Alam n’yo naman na madaming dumarating na endorsement. Hindi ko naman ito dini-deny na talagang dumami yung request for endorsement and projects, and it was such a blessing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But at the same time, at what cost? Yun yun, e.

"Iniisip ko ngayon na I hope all of these is worth it."

DATING. Pero consistent pa rin si Grace sa mga sagot niyang "dating" pa lang daw sila ng Presidente at mabuting tanungin na lang daw ito kung saang level na talaga ang kanilang relasyon.

"Well, of course, nadaanan na namin siguro yung getting to know each other.

"We’re dating now.

"But we can’t fix this too fast, kasi busy siya sa trabaho niya.

"Hindi naman kami nakakapag-date ng araw-araw. It’s not a normal setting of things.

"Of course, I would not naman date a man if I had no interest or emotional inclination of liking him," napapangiting sabi ni Grace sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pareho silang mahilig sa music at sa pagbabasa ni PNoy kaya hindi naman niya itinatanggi ang napabalitang nakita silang magkasama sa isang bookstore sa The Fort.

"The President is very considerate.

"As I said before, napakabait niyang tao, napakasarap kausap.

"Very knowledgeable about a lot of things, kaya natutuwa ako kapag kausap ko siya dahil marami akong natutunan," paglarawan pa ni Grace sa Presidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN