(UPDATED) Soul Siren Nina disappointed with promo of latest album

Nina on the lack of promotion of her new album: "Okay naman yung album ko, yung mga songs ko kahit hindi masyadong napo-promote, hindi masyadong visible sa TV. I just heard na No. 6 sa Chart Central so malaking bagay para sa amin yun. Kahit walang masyadong push, kahit na ganun, e, tinatangkilik pa rin ng tao ang mga songs ko. Dapat talaga i-promote siya, ewan ko ba... Walang budget mag-promote, mga ganyang reasons. Yung video, hindi man lang pinapalabas.&


Pinagtatakhan ng mga tagahanga ng Soul Siren na si Nina kung bakit hindi siya masyadong visible sa TV ngayon. Tila hindi rin daw nararamdaman na mayroon pala siyang ginawang album under Universal Records, ang Stay Alive.

Ayon sa ilan, mukhang kulang daw sa promo at hindi na-push ang album ni Nina.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nina noong Biyernes, February 24, sa kanyang mini-concert sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City.

Dito ay masaya niyang ibinalita na kahit aniya’y kulang sa promo ang kanyang album, patuloy naman itong humahataw sa record bars at sa radio stations.

"Okay naman yung album ko, yung mga songs ko, kahit hindi masyadong napo-promote, hindi masyadong visible sa TV.

"I just heard na No. 6 sa Chart Central, so malaking bagay para sa amin yun.

"Kahit walang masyadong push, kahit na ganun, e, tinatangkilik pa rin ng tao ang mga songs ko," saad niya.

LACK OF PROMOTION. Tinanong namin si Nina kung ano sa palagay niya ang problema at hindi napu-push nang husto ang album niya.

Aniya, "Dapat talaga i-promote siya, ewan ko ba...

"Walang budget mag-promote, mga ganyang reasons.

"Yung video, hindi man lang pinapalabas.

"Sobrang nakakatuwa lang kasi kahit kulang sa promotion yung album, e, nagta-top pa rin sa chart and stay alive pa rin siya!" pagbibiro niya.

Hindi naman itinago ng Soul Siren Siren na may sama siya ng loob sa Universal Records dahil sa nangyari.

Kaya tinanong namin siya kung may panghihinayang ba siya na lumipat siya mula Warner Philippines papuntang Universal Records.

"Siyempre nakaka-sad kasi galing sa isang recording company na sobrang nagpu-push ng album...

"Dapat ganun talaga, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila.

"Yun na nga, kahit sinasabi nila [Warner] na malakas ako, pinu-push pa rin nila yung album ko.

"Kailangan kasi yun at yun ang maganda sa Warner."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Regrets?

"Sa mga ganyan, hindi ako nagre-regret kasi choice ko naman na lumipat sa kanila... It’s my choice, it’s my decision so no regrets," sagot niya.

Ayon kay Nina, ilang beses na rin silang nag-usap ng Universal Records pero wala rin naman magandang resulta ang mga pag-uusap nilang ito.

"Lagi na silang nagmi-meeting, pero walang action na nangyayari.

"Nagbibigay sila ng schedule na hindi naman natutuloy yung sked na binibigay nila.

"’Pag okay na, saka nila ika-cancel.

"So, ginagawa ng kapatid ko, si Dew, siya yung gumagawa ng paraan para mapunan yung sked ko at ma-promote talaga yung album."

END OF CONTRACT. Ibinalita rin ni Nina sa PEP na tapos na ang exclusive contract niya sa Universal Records.

"Actually tapos na, pino-promote na lang namin yung album.

"Ang contract ko na lang with them is to promote the album, pero yung exclusivity ko, wala na.

"It ended last year pa, August or September," sabi ng singer.

Sinabi rin ni Nina na dahil sa hindi magandang experience niya sa Universal Records, nasa isip niya ngayon ang lumipat ng ibang recording label.

UNIVERSAL RECORDS. Bilang sagot sa mga naging pahayag ni Nina, nagpadala ng statement ang Universal Records sa PEP sa pamamagitan ng text ngayong gabi, February 28.

Narito ang kanilang pahayag:

"Producing albums is a serious business for Universal Records.

"The company’s belief in the local music industry and OPM artists pushes us to produce albums, even at the midst of prevailing piracy problems. Universal Records put a lot of time, money, and talents producing albums that we are mightily proud of and we work hard to recoup our investment.

"Universal Records takes pride in the way we promote our products.

"We maintain our stand to protect Nina and not result to fault-finding."


LIVE GIGS VS. TV APPEARANCE. Dati ay regular na napapanood si Nina sa musical-variety show ng ABS-CBN, ang ASAP, bilang isa sa Sessionistas. Pero matagal nang hindi lumalabas sa naturang programa ang singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya rito, "Actually, before naman ako naglabas ng album, hindi ko naman talaga kailangang mag-TV.

"Kasi actually, live performances naman talaga ako before.

"Parang na-bonus na lang sa akin na nagkaroon ako ng TV exposure.

"Pero ngayon, very busy pa rin ako with live gigs, corporate shows, live performances...

"Hindi man ako visible sa TV, sa mga live environment, nandito pa rin ako."

Nami-miss niya ba ang paglabas sa TV?

"Hindi naman masyado. Like before, hindi naman talaga kasi ako focus sa TV, eh.

"Paminsan-minsan, nakikita n’yo ako dun, pero hindi ko nire-rely ang career ko sa TV.

"Live scene talaga ako... pag lumalabas ako sa TV, bonus na lang yun."

May offer pa ba sa kanya ang TV5 hanggang ngayon?

"Mayroon pa rin naman hanggang ngayon, pero naka-hold lang siya kasi siyempre kailangang pag-isipan mabuti kung ano ang konsepto nila, kung ano talaga yung laan for me."

What about ABS-CBN?

"May offer ang ABS before, pero tinanggihan namin. We have our own reasons why," makahulugang sabi ni Nina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN