Bela Padilla explains sexy see-through dress at Hiram Na Puso presscon

"Kasi ang pangit na gagawa ka ng statement na walang dating," says Bela Padilla on why she wore her see-through dress at the presscon of Hiram Na Puso last night.


Nasoprpresa ang ilang press na dumalo sa presscon ng Hiram Na Puso kagabi, Pebrero 28, sa Studio 7 ng GMA Network Bldg., nang lumabas na sa stage ang isa sa stars ng bagong GMA-7 afternoon series na ito.

Bumaba mula sa hagdan na nasa stage at pumagitna si Bela Padilla suot ang isang black see-through dress.

Banaag na banaag tuloy ang kanyang katawan na walang panloob, liban sa pang-ibaba niyang black panty.

Kahit na walang suot na bra, meron naman siyang nipple pads na tanging takip sa kanyang dibdib.

(CLICK HERE to watch video.)

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang pagpapakilala sa cast ng Hiram Na Puso, tinanong pa rin siya tungkol sa isyung nagpa-kontrobersyal sa kanya nitong mga nakaraang araw—ang kanyang FHM Philippines. March issue cover.

(CLICK HERE to read related story.)

"Honestly, from what I’ve seen, they’re more positive than negative," sabi ni Bela sa mga kausap na press people, kasama na ang PEP.

"So, I’m thankful for everyone who appreciated the cover.

"And to those who didn’t, I’m sorry if you were offended.

"FHM and I didn’t mean any harm from that cover.

"We saw it in an artistic light."

Inaakusahan din siyang gimik lang daw ang isyung may mga nagrereklamong "racist" ang dating ng kanyang cover. Gusto lang daw paingayin nang husto ang kanyang pagiging FHM cover girl.

Sagot naman dito ni Bela: "No. I didn’t know where it came from.

"Someone just started... Well, a couple of people started tweeting me.

"It was shocking to me, as well.

"So, hindi... I don’t think magpapagsabog ang kahit na sino ng ganitong kalaking gimik, lalo na’t ganitong kasensitibong issue, which is wrong."

Tinanong din si Bela na baka naman pakana lang ng mga naiinggit sa kanya ang isyu sa kanya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dinami-rami raw kasi ng mga artistang babae na mako-cover para sa 12th anniversary issue ng FHM, siya pa ang napili.

"I was offered an FHM cover before, which wasn’t the anniversary issue.

"It just so happens that I wasn’t ready yet, so ngayon lang ako nag-cover.

"Siguro coincidence lang. Ayoko namang mag-isip ng masama sa ibang tao," nasabi na lang ni Bela.

Bakit nga ba ngayon lang naisipan ni Bela na mag-cover sa FHM?

"Hindi siguro sa hindi pa ako ready.

"Physically, I’m okay naman. I think, emotionally, I still felt young.

"But now, since I’m turning 21 this summer, it’s fitting for me—parang coming of age ko ’to, e—to show probably a more confident Bela or a sexier Bela.

"I’m much more ready now than I was before.

"I didn’t want naman to disappoint FHM with a performance na half-baked lang."

Hindi ba siya nagkaproblema sa kanyang magulang? Kinuha rin ba niya ang approval ng kanyang Tito Robin Padilla?

"I asked the approval of my parents first. And Tito Robin was away in January and February.

"And I found out kasi about the shoot, talagang siguro like a week before I was gonna shoot pa lang, e.

"Hindi ko masyadong pinag-isipan, kasi feeling ko, ’pag pinag-isipan ko, magno-no na naman ako.

"So, I just kinda threw myself into it," kuwento ng Kapuso star tungkol sa kanyang FHM shoot.

MAKING A STATEMENT. Sa paglabas niya sa presscon kagabi, marami ang nagulat sa napaka-sexy at daring niyang suot na gown.

Gawa raw ng designer na si Kim Gan ng Gakuya House of Fashion ang suot ni Bela.

Tinanong ng PEP kung hudyat ba ito ng tuluy-tuloy nang pagpapa-sexy niya, tutal ay nasimulan na sa FHM.

"Kasi ang pangit na gagawa ka ng statement na walang dating," sagot muna ni Bela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo yun? Nag-FHM na ’ko, di this month, I’m really gonna push it as far as I can go.

"It’s only for March. It’s my ultimatum for myself. This [sexy image] is only for March.

"In April, I’m back to the old Bela.

"So, I hope you guys can wait for what else I can give in another time.

"But right now, this is only for March."

Hindi rin daw ito paghahanda sa paggawa na niya ng sexy movies.

"Sa roles and sa print, I can only go as far as FHM, what I did there. And yung role ko sa Sisid, na medyo sexy.

"Hanggang dun muna ’ko. Ayoko munang sobrang sexy," sabi ni Bela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN