Wynwyn Marquez postpones plan to join Binibining Pilipinas; prefers non-showbiz boyfriend

Wynwyn Marquez on choice of roles: "Ngayon po hindi ako nagde-demand talaga kasi I don’t have any right. Wala pa naman ako sa status na parang mommy ko ’tsaka daddy ko, ’tsaka two years pa lang naman, e. Sino ba namang artista ang ayaw mabigyan ng lead role, di ba? Sino ang ayaw mabigyan ng opportunity? Pero kung ano po, siguro in time kung alam kong hasang-hasa na ako."


Napagdesisyunan ng Kapuso talent na si Wynwyn Marquez na huwag munang sumali sa Binibining Pilipinas.

Paliwanag ng 19-year-old actress-dancer, "Gusto ko po, pero sa ngayon, wala, hindi pa natuloy.

"Kasi po, na-decide ko na parang siguro, give a year pa para makapag-training at mag-explore pa ako sa mga kung ano ang mga nangyayari sa kapaligiran.

"Kasi ang bata pa ng isip ko, e. Baka mamaya sumampa ako dun, di ba, baka kengkay-kengkay pa.

"So gusto ko may proper training po talaga.

"Pero gusto ko po talaga, dream ko po talaga iyon."

Dagdag pa ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez, "Gusto ko prepared ako kahit papaano.

"Wala pa akong experience sa proper training, hindi ko alam yung tamang lakad, yung tamang salita.

"Ayoko namang ipahiya rin yung... siyempre yung tita ko beauty queen rin, yung mga tita ko model."

Si Wynwyn ay pamangkin ni Miss International 1979 Melanie Marquez.

Patuloy pa niya, "So, gusto ko ’pag sumampa ako, ready ako and full talaga yung confidence ko.

"Na kahit manalo-matalo, napakita ko na I did my best.

"So let’s see po kung ano ang puwedeng mangyari."

NOT SEPARATED. Samantala, nilinaw naman ni Wynwyn ang hindi pa rin mamamatay-matay na isyung hiwalay na raw ang mommy niyang si Alma Moreno at ang asawa nitong si Marawi City Mayor Sultan Fahad Salic.

Sabi ni Wynwyn, "Hiwalay po sila talaga dahil iba yung place, hindi sila magkasama sa isang bahay.

"Busy sila, mayor siya doon [Marawi], konsehal naman ang mommy ko dito [Parañaque].

"So yes, hindi talaga sila nagkikita, pero they’re not hiwalay. They still have contact with each other.

"Kasi kahit kami naman po, hindi naman masyadong nakakausap si Uncle ng talagang tuluy-tuloy.

"Pero pag pumupunta naman siya dito, when he visits, talagang magkakasama kami. Kumbaga, parang reunion."

STILL UNATTACHED. Kumusta ang personal life ni Wynwyn?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay naman po," nakangiti niyang sabi.

"I’m single so I can see anyone, date anyone, go out. Pero for me, I consider na non-showbiz ang mas gusto ko.

"Kasi ’pag showbiz, parang nagiging showbiz na din yung relasyon, wala nang privacy."

Factor din ba na kaya ayaw niya ng artista ay dahil hindi naging matagumpay ang relasyon ng parents niya?

"Oo naman!" bulalas niya.

"Kahit sila sinasabihan ako, ’Huwag kang magso-showbiz na boyfriend or asawa or kahit ano kasi masyadong your privacy is given away. Kahit yun man lang matago.’ Parang ganun."

Pero natuturuan ba ang puso kung sino ang mamahalin?

"Hindi, pero alam ko kung ano ang tama, sa isip ko, nalalabanan, e," sagot ni Wynwyn.

May nanliligaw ba sa kanyang artista?

"Wala po, pero ’pag kunyari may nararamdaman ako, yung parang ano na, close na kami, ako na ang nagsasabi na friends lang kami, ganun."

Kanino muntik na itong mangyari?

"Wala naman po, in general po," sabi niya.

Sino ang mga ka-close niyang male Kapuso stars?

"Sina Sef [Cadayona], Rocco [Nacino], Enzo [Pineda], si Mark Herras."

Si Sef lamang ang walang girlfriend sa mga ka-close niya.

"Pero close friend ko po silang lahat.

"Mga close friends ko and lahat naman po sila taken, kaya walang ano."

PERFECT LEADING MAN. At 5’7", matangkad si Wynwyn. Mahirap tuloy siyang hanapan ng perfect leading man na mas matangkad sa kanya.

"Medyo po, parang si Sarah [Lahbati]!" sabay tawa ni Wynwyn.

Sino ba sa tingin niya ang bagay sa kanyang leading man?

"Si Enzo [Pineda], si Derrick Monasterio kaya lang tween."

Kung siya ang papipiliin ng leading man niya sa first solo project niya, sino ang pipiliin ni Wynwyn?

"Gusto ko po talaga si Rocco kasi po kaibigan ko po siya," sagot ni Wynwyn.

Di ba’t mas matangkad siya kay Rocco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga, kaya lang pag nag-heels po ako!" at muling tumawa si Wynwyn.

"Pero kung ano, gusto ko, si Enchong Dee, kaya lang nasa kabila [ABS-CBN], e, yun po."

BEST FRIEND. Mabait na best friend ang role ni Wynwyn sa Hiram na Puso.

"Bale si Bela [Padilla] po kasi, nagiging masama siya, di ba, because of jealousy sa sister niya.

"Ako po yung parang nagre-remind sa kanya na mali yung ginagawa niya, para pong konsensiya.

"Parang ako yung nagre-remind sa kanya na ’Don’t do it.’

"Supportive ako, pero as much as possible doon sa tama, iyon po yung role ko as Jillian."

Pero bago ang Hiram Na Puso ay salbahe si Wynwyn sa Blusang Itim.

"Okay lang naman po sa akin kasi kontrabida, given one of the important roles sa Blusang Itim.

"Dito naman sa Hiram Na Puso, magandang supporting role.

"So okay lang naman po sa akin kasi I wanna grow as an artist.

"So kahit anong ibigay sa akin, okay lang ’tsaka I’m happy that I’m given work despite na wala naman talaga akong contract sa GMA."

PREFERRED ROLES. Ano ang mas gusto niyang role—mabait or kontrabida?

"Mas challenging po talaga yung salbahe kasi talagang nananakit ka ng tao, e.

"Pero siguro po, itong mabait, mas ano sa loob, hindi po mabigat.

"Depende po, depende sa story na ibibigay, so hindi ko po masasagot kung ano ang mas gusto ko."

Two years na sa showbiz si Wynwyn pero never siyang nag-demand na bigyan na siya ng solo project ng GMA.

"Ngayon po, hindi ako nagde-demand talaga kasi I don’t have any right.

"Wala pa naman ako sa status na parang mommy ko ’tsaka daddy ko, ’tsaka two years pa lang naman, e.

"Sino ba namang artista ang ayaw mabigyan ng lead role, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sino ang ayaw mabigyan ng opportunity?

"Pero kung ano po, siguro in time, kung alam kong hasang-hasa na ako.

"Kasi ayoko naman pong ipilit yung sarili ko kung I’ll just disappoint people.

"So, kung sa tingin ng network na ’Puwedeng ng bigyan itong si Wynwyn,’ I’ll gladly accept it."

RIVALRY. Maraming mga anak ng artista ang nasa showbiz din.

Wala bang rivary kina Wynwyn and the likes of Kylie Padilla (anak ni Robin Padilla), Isabelle Daza (anak ni Gloria Diaz), and Janine Gutierrez (anak nina Lotlot dse Leon at Ramon Christopher) na mga kasamahan niya sa Party Pilipinas?

"Wala po!" mabilis na sagot ni Wynwyn.

"Si Isabelle, matagal ko nang kilala, bata pa kami, dahil kay Tita Gloria.

"Wala po talagang rivalry.

"Like si Kylie nakatrabaho ko, we support each other.

"Si Janine nakakasama ko sa Party Pilipinas.

"Wala po kasi iba-iba naman po talaga yung mga priorities namin, ’tsaka alam namin kung ano yung talagang gagawin.

"Siguro yung pagpapalaki sa amin ng parents namin, natuto na talaga kami kung ano ba dapat talaga ang ugali mo when you’re in showbiz."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN