Part 1 Snooky Serna joins Iglesia Ni Cristo rally, appears in shows of INC network

Snooky Serna on her failed relationship with Ricardo Cepeda: "Kung hindi nangyari ang mga ’yon, it would not have led me to this point. Na hindi ito mababayaran ng kahit anong amount. Hindi ako magiging kaanib sa Iglesia, hindi ako masusumpungan ng Ama—kung hindi nangyari yung mga nangyari noon."


Sa isang hindi inaasahang lugar at pambihirang pagkakataon ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Snooky Serna.

Nakausap ng PEP si Snooky nang um-attend siya ng Grand Evangelical Mission ng Iglesia Ni Cristo (INC) noong Martes, February 28, sa Quirino Grandstand, Luneta Park.

Pauwi na si Snooky at mga kasamang kaanib sa relihiyon, kabilang na ang co-manager na si Ka Mio Manansala.

Sa dami ng mga dumalong INC members at mga kasamang taga-iba ring relihiyon—an estimated 12 million katao mula sa iba’t ibang dako o Church locales sa buong Pilipinas—ay nahirapang mag-park ng sasakyan sina Snooky at kanyang mga kasama.

Kinailangan pa raw nilang maglakad hanggang sa Malate area sa Maynila para sa kanilang pag-uwi.

A CHANGED WOMAN. Pero masaya si Snooky sa pagbabahagi sa PEP ng kanyang saloobin hinggil sa pagiging kaanib ng Iglesia Ni Cristo.

Aniya, hindi siya dumalo sa nasabing event para sa publicity.

"It’s not because of that," bungad niya.

"Talagang nabago ako ng Ama at ang Ama ang tumawag sa akin, sa tulong ng mga Kapatid [sa INC]."

Kabilang daw si Snooky sa mga baptized INC member mula sa Paco, Manila. Kung minsa’y sumasamba rin siya sa Kapilya ng Syquia sa Sta. Ana, Manila, na malapit sa tinutuluyang condo unit ngayon ni Cookie (palayaw ni Snooky).

"Thank God! Ang daming pagbabago...

"Unang-una, binago sa akin ng Ama yung pagpapahalaga ko sa time.

"Nagkaroon ako ng... how do you call that? Sense of responsibility.

"And nag-mature ako, in spirit. Thank God!

"So everything just came into place.

"Sa pagma-mature ng aking spirit, sa awa ng Diyos, nagkaroon ako ng punctuality.

"Now I hate tardiness.

"Gustung-gusto ko yung ako ang nauuna sa set.

"’Tapos, honestly, nagkaroon ako ng appreciation sa work.

"And I was humbled by God.

"Now, when I look at the past, in retrospect, nagpapasalamat ako na wala na akong bitterness, but gratitude lang—na nangyari yung mga dapat mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ZERO LOVELIFE. Ang tinutukoy ni Snooky ay ang nabuwag na pagsasama nila ni Ricardo Cepeda, isa ring aktor, at ang iba pang naging karelasyon niya na hindi na niya idinetalye.

Dalawa ang naging supling nina Snooky at Ricardo—sina Samantha, 19 years old, at Sacchie, 16 years old.

Ayon kay Snooky, "Kung hindi nangyari ang mga ’yon, it would not have led me to this point. Na hindi ito mababayaran ng kahit anong amount.

"Hindi ako magiging kaanib sa Iglesia, hindi ako masusumpungan ng Ama—kung hindi nangyari yung mga nangyari noon.

"Pero ang lovelife, zero, ha! Hindi naman pala kailangan ng lovelife para mag-bloom!" natatawang pahayag pa ni Snooky.

"Kasi, di ba, legally annulled na kami ni Richard?

"So, inilagay ako ng pamunuan [ng Iglesia] sa Kadiwa."

Ang Kadiwa ay samahan o association sa loob ng INC sub-culture na ang buong pangalan ay "Kabataang May Diwang Wagas."

Dito kabilang ang mga miyembrong wala pang legal spouses.

Isang taon nang mahigit na INC member si Snooky. Napakapanayam pa nga siya noon ng PEP kasama ang isa ring "kapatid" sa Iglesia na si Jun de Vera.

Pero pagbabalita ni Snooky, "Wala na ’yon... honestly, naging mag-on kami for some time, pero hindi na ako sure [about his whereabouts].

"Okey naman yung manpower services niya, pero sa pagkakaalam ko, nagkaroon yata siya ng girlfriend na kapatid din, pero nagkaroon yata sila ng domestic misunderstanding."

For the record, binanggit ni Ka Mio na naging INC member ang aktres matapos ang pakikipagrelasyon niya noon kay Jun.

"Ironic, in a way," pahabol ni Snooky.

"I don’t want to sound blasphemous or irreverent, but... para hindi ako [masabihang] ’naging Iglesia ni Ka Jun.’"

POLITICAL RALLY? PEP asked Snooky’s opinion tungkol sa sinasabi ng iba na ang event nila ngayon ay isang "political rally."

Komento ni Snooky ukol dito, "Nilalagyan nila ng color daw, pero kahit saan namang relihiyon, may pagbabahagi ng aral ng Diyos sa iba’t ibang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think it’s a very human reaction, which at times I feel sad about.

"And I’m a bit frustrated about that human reaction."

Naniniwala si Snooky, katulad daw ng naging kaganapan noong gabing yun, na ang Evangelical Mission ng Iglesia Ni Cristo ay isang totoong pagbabahagi ng aral ng Diyos, ayon sa Bibliya.

"We have noble intentions.

"Ang pamunuan ay may intention for us to be able to know the truth about our faith, pero binibigyan ng kahulugan ng ibang tao.

"That’s human nature, e.

"Pero dito, wala naman akong nakita o narinig kahit konti na nagparinig o nagbigay ng hint ang pamunuan [ng Iglesia] na may bias sila, o merong political color [ang event].

"O nilalabanan nila ang gobyerno ng ating Presidente [Noynoy Aquino].

"No, no, no... none at all!

"It’s just purely about telling the truth of the Bible and about the truth of the Iglesia Ni Cristo," pagpapatotoo ni Snooky.

INDIE FILMS AND TELESERYES. Abala si Snooky sa iba’t ibang projects bilang isang beteranang aktres; ’tulad ng pagiging regular cast member niya ng ongoing afternoon soap na Angelito Ang Batang Ama sa ABS-CBN.

May natapos na rin siyang drama anthology para sa Net 25, ang Artista Presents... Snooky Serna, na nakatakda nang isahimpapawid. Bukod pa rito ang offer para sa cameo appearance sa isa pang Net 25 show, 5 Girls and A Dad.

Sabi pa ni Snooky, "Sa GM-TV, ako rin ang kinuha nilang host ng FYM [Felix Y. Manalo] Foundation, yung Lingap Sa Mamamayan.

"Parang ginawa nila akong ambassador in a way."

Ang Lingap ay magsisimulang umere sa susunod na quarter ng 2012 at ang Artista Presents naman ay sa Abril.

Tatlong independent features na pinagbidahan ni Snooky ang ipapalabas na rin sa taong ito.

"Yung mga hindi naipalabas the last time, finally showing na siya ngayon," banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay ang The Road to Ampatuan at Tagsibol, parehong idinirek ni Jigz Recto; at Bangkang Papel, directed by Bong Ramos.

"May inaayos lang silang [remaining] scenes sa Bangkang Papel.

"Si Jigz Recto, writer siya namin noon sa Regal Films.

"Ang daming movies namin noon ni Albert Martinez, like First Love, First Kiss, No Other Love... co-writer siya doon."

Tungkol naman sa afternoon teleserye ng ABS-CBN, ang Angelito Batang Ama, masayang balita ni Snooky, "Thank God, nag-number one kami! Na-extend ang show!"

Dahilan ito para mag-wish din si Snooky na magkaroon ng follow-up offer sa kanya ang Kapamilya network.

Pero sa GMA-7 ay balitang may offer din Snooky. Sa TV5 na lang walang nagagawang show ang aktres.

"Hindi pa nagpaparamdam [ang TV5]," nangiti si Snooky.

Gusto rin ba ni Snooky na mapasali sa Cinemalaya Filmfest NETPAC Competition ang isa man lamang sa indie films na tinampukan niya?

"Actually, wish ko! Yun ang ipinagpe-pray ko!"

Hindi pa nakakaganap si Snooky Serna sa isang indie film na pang-Cinemalaya Filmfest.

"Baka feeling nila, siguro,I can’t be afforded, mga gano’n," palagay ni Snooky.

O hindi batid kung paano siya maku-contact kapag may puwedeng ialok na indie project.

"Thru Ka Mio, sila ni Leo [Dominguez] ang magkasosyo," pag-aalok pa ni Snooky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN