Ramona Bautista now on the wanted list of Interpol

Ramona Bautista has been put under the wanted persons list of Interpol because of her alleged involvement in the slaying of eldest brother Ramgen Revilla.


Wanted na si Ramona Bautista ng Interpol (International Criminal Police Organization) dahil sa pagkakasangkot niya sa murder case ni Ramgen Revilla, ang kanyang panganay na kapatid na pinaslang sa tahanan nila sa BF Homes Parañaque City noong October 28, 2011.

Naka-post na ang litrato at mga impormasyon tungkol kay Ramona Bautista sa website ng "wanted persons" ng Interpol.

"Fugitives, Life and health" ang nakalagay na kategorya ng offences ni Ramona kaya wanted ito sa Pilipinas at pinaghahanap ng international police.

Naka-post din sa wanted persons ng Interpol ang dalawang litrato ni Ramona at ang ibang mga impormasyon; ’tulad ng kanyang tunay na pangalan (Ma. Ramona Belen Bautista), birthday, place of birth, kulay ng mata at buhok, at language spoken.

Ang aksiyon ng Interpol na ilagay sa kanilang wanted persons list si Ramona ang resulta ng request ng National Bureau of Investigation (NBI) na tulungan sila na mahanap ang kinaroroonan ng isa sa mga primary suspects sa Ramgen murder case.

Itinanggi ni Ramona na may kinalaman siya sa pagpaslang sa sariling kapatid, pero pinagdudahan ang kanyang mga pahayag dahil binawi niya ang unang statement sa Parañaque City Police.

(CLICK HERE to read related story.)

Lalong nadiin si Ramona sa kasalanan na ibinibintang sa kanya nang lumipad siya sa Turkey noong November 4, 2011 habang nasa kainitan ang imbestigasyon sa kaso.

(CLICK HERE to read related story.)

Turkish ang asawa ni Ramona na si Engin Tuna Bülbüloglu.

Mariing pinabulaanan ni Bülbüloglu na may kinalaman sa krimen ang kanyang 23-year-old wife.

Hindi na nakatira sa Istanbul, Turkey ang mag-asawa.

May mga report na lumipat sila sa Cyprus para makaiwas si Ramona sa mga naghahanap sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN