Glaiza de Castro avoids talking about her lovelife

"Sa ngayon wala pang confirmed. Date or going out, okay lang ’yan sa akin. Pero ’yong commitment, hindi, e," says Glaiza de Castro about the current status of her lovelife.


"HOHOL o Hangout-Hangout Lang."

Ito ang natatawang paglalarawan ni Glaiza de Castro sa estado ng kanyang relasyon sa isa sa mga espesyal na tao sa buhay niya ngayon.

Nang tanungin ng media kung si Felix Roco ang kanyang tinutukoy, napangiti lamang si Glaiza at sinabing, "Huwag na po tayong magpangalan."

Sa ngayon daw, hindi pa kumportable ang Biritera actress na pag-usapan ang anuman tungkol sa kanyang lovelife.

"Hindi talaga, e. Nahihiya ako. Hindi ako sanay.

"Hindi sa kinakahiya. Hindi lang talaga ako vocal about personal life," sabi ni Glaiza sa panayam sa kanya ng media sa press conference ng Biritera noong Miyerkules, February 28.

Hindi rin daw niya inaalintana ang mga lumalabas patungkol sa tunay na estado ng kanyang puso ngayon.

Sabi pa niya, "Hayaan na lang natin silang lumabas. Ayaw ko munang magsalita about it.

"Kaya hindi rin ako makapagsalita talaga kasi ayaw ko pa rin talaga pangunahan, e.

"Siyempre, nandoon pa rin ako sa pinag-iisipan ko ang mga desisyon ko.

"Ayaw ko talagang maapektuhan ’yong trabaho ko at ’yong pamilya ko.

"Gusto ko, kapag na-confirm ko na, magiging masaya din sila sa desisyon ko."

ENJOY MUNA. Sa nakaraang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Glaiza, inamin niya na muli silang nagkikita ni Felix, na dating napabalitang nanliligaw sa kanya.

(CLICK HERE to read related article.)

Pero kung tatanungin ang estado ng relasyon nila ngayon, sabi ni Glaiza, "Wala pang confirmed. Date or going out, okay lang ’yan sa akin. Pero ’yong commitment, hindi, e."

Dagdag pa niya, pagdating sa lovelife, "Enjoy muna. Siyempre nandiyan pa rin ang mga priorities ko, kung ano ang dapat unahin. Mahirap, e.

"Gusto ko rin siyempre, kung ano ang magiging desisyon ko, kunyari kapag may nahanap na ako, gusto ko pa rin mag-artista."

Bukod sa kanyang priorities, mahalaga rin daw para kay Glaiza ang magiging opinyon ng kanyang pamilya kung sakaling pumasok siya sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Kasi, gusto ko munang dumaan sa proseso. Ayaw kong biglain lahat.

"Siyempre, kinu-consider ko ang opinyon nila kasi sila ’yong mas nakakakilala sa akin.

"Kung anuman ang sabihin nila, ’yong advice nila, iki-keep ko ’yon in mind."

Kaya naman ngayon, ayaw munang ma-pressure ni Glaiza na magkaroon ng karelasyon.

Diin niya, "Ayaw kong magkaroon din, kumbaga, ng limitations. ’Yong parang ganito muna.

"Basta ako, nakikita ko na okay naman, tingnan na muna natin hanggang sa ma-confirm."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN