Arci Muñoz on her priorities: "Love has to take a backseat muna... I want to enjoy myself as a single woman."

Arci Muñoz on rumors about being together again with ex-boyfriend Kean Cipriano: "Bakit naman ako makikipagbalikan? Tapos na ang chapter ng buhay ko na iyon. Ako kasi, kapag tapos na, tapos na talaga. Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Kean. Nagkikita kami sa mga events ng TV5 pero we don’t talk with one another. Siya naman ang umiiwas sa akin, e. Pero kung siya mismo ang umiiwas, wala sa akin ang problema."

<


Magkahalong kaba at saya ang naranasan ni Arci Muñoz nang sa wakas ay nag-premiere telecast ang kanyang pinagbibidahang daytime series sa TV5 na Felina, Prinsesa Ng Mga Pusa.

Maganda naman ang pagtanggap ng marami sa premiere telecast noong nakaraang Monday, February 27. Ngunit ang hindi alam ng marami ay matagal nang nasimulan at katatapos lang gawin ang kabuuan ng teleserye.

"Noong October 2011 pa namin sinimulan ang taping ng Felina," sabi ni Arci sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ika-can kasi nila ito kasi nga matrabaho ang buong series.

"Lalo na sa make-up, costumes, at prosthetics, talagang malaking trabaho.

"Kaya noong October nga, we started taping at natapos na namin ang buong series nito lang February.

"Kailangan ding i-can kasi umalis na rin si Leandro [Muñoz] for the States.

"Kaya wala nang magiging problema because nabuo na namin ang series.

"Heto at pinapalabas na!"

AUDIENCE REACTIONS. Masaya naman si Arci sa magandang feedback na natanggap niya sa pilot week ng Felina.

"I received so many tweets and messages sa Facebook page ko.

"They were congratulating me for the show.

"Siyempre, tuwang-tuwa ako kasi nga malaki ang naging hirap namin sa show na ito.

"We all did a good job and sana nga tangkilikin ng maraming manonood ang show namin sa TV5," asam ni Arci.

PROSTHETICS. Ayon pa kay Arci, pinakamahirap daw ang paglalagay sa kanya ng prosthetics. Kahit na mainit ito sa kanyang balat, hindi siya nagrereklamo dahil alam niyang malaki ang tiwala sa kanya ng mga taga-TV5.

"I have no right to complain, di ba?

"’Tsaka never naman akong nagreklamo sa trabaho.

"When I did Mga Nagbabagang Bulaklak, naka-prosthetics din ako. Kaya sanay na rin ako ng konti.

"’Tapos, nakadagdag pa sa init ay yung wig na pinasuot sa akin at yung costume ko.

"Kasi nga sa perya ako nagtatrabaho rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Most of our scenes, sa Rizal kinunan kaya mainit ang mga location namin.

"Pero okey lang sa akin kasi nga taga-Rizal ako kaya malapit-lapit ako kesa sa ibang artista ng show."

LOOKING LIKE A CAT. Ang paglalagay ng cat eyes ni Arci ang siyang nagbigay sa kanya ng matinding torture habang nagte-taping sila.

"Pinakamatindi yung contact lens!" bulalas ng young actress.

"Kasi kailangan matang-pusa ako rito.

"Kaya every taping, naiiyak ako sa sakit kasi nga iba ang texture ng contact lens ko.

"Hindi ko naman siya puwedeng tanggalin kahit break namin kasi nga, mahirap siyang ilagay ulit.

"Maiiyak na naman ako kaya tiyaga lang.

"Noong una, lagi akong naluluha sa contact lens.

"Pero nasanay na rin ako hanggang sa matapos namin ang taping.

Maagang dumarating sa set si Arci dahil sa maabalang pagbabago sa magiging hitsura niya sa series.

"Tuwing taping day, ako ang pinakamaaga sa set kasi nga, it takes like an hour and a half para maayusan ako.

"’Tapos ako rin ang huling nakakauwi kasi dinadamihan ang mga kinukunang scenes sa akin.

"Sinusulit nila ang hitsura ko para hindi nga naman sayang ang hitsura ko.

"Habang hindi pa ako humuhulas, sige taping lang nang taping!" sabay tawa niya.

LEANDRO MUÑOZ AND IWA MOTO. Leading man ni Arci sa Felina si Leandro Muñoz.

Si Leandro ang sinasabing karelasyon ngayon ni Iwa Moto na magkakaroon ng special guest role sa kanilang series.

Inamin ni Arci na maganda ang pagtitinginan nina Leandro at Iwa since nagkakilala ang dalawa sa set ng Felina. Hindi naman daw tutol si Arci sa pagtitinginan ng mga ito.

"Kaibigan ko ’yang si Iwa ang I know kapag masaya ’yan sa lovelife niya.

"We’ve been friends since our StarStruck days pa sa GMA-7, kaya yung mga personal na buhay namin, naise-share namin.

"Yung sa kanila ni Leadro... basta okey sila... maganda ang vibes ko sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkakasundo sila and that’s okay.

"They are both single and available kaya walang problema.

"Si Iwa, I know kung ano ang mga pinagdaanan niya.

"She’s somebody na kapag na-in love, in love talaga.

"Naging saksi na ako sa buhay pag-ibig niya.

"I think sila ni Leandro, they are good for one another.

"Mabait si Leandro at napakalambing naman ni Iwa.

"I wish them only the best," ang bati ni Arci.

LOVELIFE. Wala raw lovelife si Arci ngayon pagkatapos ng kanyang naging magulong relasyon with Kean Cipriano.

Pero may balitang nakikipagkita raw siya ulit sa kanyang ex-boyfriend. Mabilis itinanggi ni Arci ang balitang ito.

"Bakit naman ako makipagbalikan?" sabi niya.

"Tapos na ang chapter ng buhay ko na ’yon.

"Ako kasi, kapag tapos na, tapos na talaga.

"Nagulat naman ako sa balitang ’yan!

"Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Kean," paglilinaw pa niya.

"Nagkikita kami sa mga events ng TV5 pero we don’t talk with one another.

"Siya naman ang umiiwas sa akin, e.

"Ako, okey akong maging civil sa kanya.

"Tapos na nga, e... gusto ko na lang na maging civil.

"Ayoko na may kasamaan ako ng loob.

"Kaya nga nasa Kapatid network kami, e.

"Pero kung siya mismo ang umiiwas, wala sa akin ang problema.

"Basta ako, cool lang ako... masaya ako sa buhay ko ngayon."

Kelan kaya siya main-in love ulit? May mga bagong suitors ba siya?

"Well... darating naman ang tamang lalake sa buhay natin, e.

"Yes, merong mga nakikipagkilala, may mga nawala pero biglang nagkakaroon ng comeback... pero hindi pa sila ang priority ko ngayon.

"I promised myself na career muna.

"I want to do good sa magandang opportunity na binigay sa akin ng TV5.

"I don’t want to spoil it.

"Kaya love has to take a backseat muna... I want to enjoy myself as a single woman muna," sabi ni Arci.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN