Mocha disputes accusation of disrespecting the Philippine flag in music video

Mocha (center) on why the Philippine flag is vital in their album: "Gusto lang naming maging maganda yung music video. Maging international ang dating niya. And para maging international siya, kailangan talagang gamitin yung simbolo, yung flag nating mga Filipino. And sa tingin ko, magiging proud po yung mga kapwa Filipino natin sa ibang bansa. Na alam ninyo yun, proud kami as Filipinas bilang mga Pinay."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lider ng grupong Mocha Girls na si Mocha Uson noong Martes, February 28, sa shoot ng music video para sa kanilang Pinay Ako album sa Lensmate Studio sa Macapagal Blvd. sa Pasay City.

Napag-usapan ang tungkol sa paggamit nila ng bandila ng Pilipinas bilang bahagi ng kanilang album.

Hindi ba sila natatakot na baka makasuhan sila o batikusin ng mga makabayan o ng National Historical Commission?

Pahayag ng lider sa grupo na si Mocha, "Yung aming concept kasi is being proud as a Filipina. And siguro ang pinakamagandang simbolo nun, e, yung flag po ng Philippines.

"Kaya proud po kami na binabandera namin yung bandila natin.

"And sa tingin ko kami yung modern Filipina. Yun bang matapang, open-minded, wise, ’tapos may sariling pag-iisip.

"Iyan yung modern Filipina."

OFFENSIVE CONCEPT? Handa ba silang humarap kung sakaling magkaroon ng kontrobersiya tungkol sa paggamit nila ng bandila ng Pilipinas?

"Well, wala naman kaming gustong i-offend dito sa gagawin namin.

"Gusto lang naming maging maganda yung music video.

"Maging international ang dating niya.

"And para maging international siya, kailangan talagang gamitin yung simbolo, yung flag nating mga Filipino.

"And sa tingin ko, magiging proud po yung mga kapwa Filipino natin sa ibang bansa.

"Na alam ninyo yun, proud kami as Filipinas, bilang mga Pinay."

Malamang makaranas sila ng pambabatikos dahil seksi ang image nila, sexy ang mga kasuotan nila. Baka tirahin din sila ng mga moralista?

"Siguro ano, wala namang masama sa pagiging sexy, e.

"Ibig lang sabihin nun, e, inaalagaan namin yung katawan namin.

"Kumbaga, iyon yung modern Filipina na inaalagaan niya ang sarili niya."

REFRAIN FROM USING THE FLAG! Hindi ba nila maipu-promote ang pagiging Filipina nang hindi gagamitin ang ating bandila? Baka kasi may mag-isip na nababastos ang ating Philippine flag?

"Hindi naman namin gustong bastusin yung flag," sagot ni Mocha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, kaya lang kami nagmukhang sexy kasi nga pinangangalagaan namin yung katawan namin.

"’Tapos yung flag, kaya namin gagamitin yung Philippine flag, kasi Pinay Ako ang title nito.

"Kaya hindi kami gagamit ng Brazilian flag o kaya Chinese flag, Taiwanese flag.

"Kasi nga Pinay Ako, kaya Philippine flag ang gagamitin namin."

Ang album nila ay produced ng Playboy Fragrances at Bell Haus Entertainment.


BEAUTIFUL BODIES. Sexy ang image ng Mocha Girls.

"Opo, sexy kami pero matatapang kami," ani Mocha.

Paano kapag pinigilan silang gamitin ang ating bandila, ano ang back-up plan nila?

"Siguro ano, body paint."

Hindi ba mas grabe iyon?

"E, bakit naman ipagdadamot ang flag, e, Filipino rin naman kami?

"Amin din naman ’yan, dito kami ipinanganak.

"And dapat nga proud tayo kung sino man ang gagamit ng Philippine flag para lang maiangat yung bansa, ang pagiging Pinay."

Ang bandera ang ipangtatakip nila sa kanilang seksing mga katawan, mga hubad na katawan.

"Para sa akin, ibig sabihin nun ay simbolo lang ng pagiging proud mo as a Filipina.

"Kasi ang katawan naman natin, hindi naman bastos iyan, e. It’s a gift.

"At tsaka ano ’yan, kumbaga yung kutis, yung kulay mo bilang Pinay, yung flag, being proud yun para sa akin.

"Hindi iyon kabastusan kasi wala namang masama sa katawan ng tao, e."

Paano kapag ang isa sa mga tumutol ay si President Noynoy Aquino. Ano ang pagpapaliwanag na sasabihin nila kay PNoy?

Ayon kay Mocha, "Sir PNoy, hello po! Hindi po namin gustong bastusin yung flag.

"Pero proud lang po kami na gamitin ito sa song namin na Pinay Ako to represent all the Filipinas around the world.

"Kasi open-minded na po ang mga Pinay ngayon.

"Hindi po sunud-sunuran lang sa mga naririnig namin.

"Kami, we represent the modern Pinay na matapang, may paninindigan at pinangangalagaan ang katawan namin kaya seksi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero honor para sa amin na magamit yung flag ng Pilipinas."


HOTDOG? Laman ng album nila ang mga kantang ng "Pinay Ako," "Eto Na," "Yummy," "Isa Pa Nga," "Ipadarama," "Kawawa," "Palung-Palo," "Isa Pa Nga" (Christmas version), at ang kontrobersiyal ring kantang "Hotdog" na na-ban sa mga radio stations dahil sa mga lyrics nitong may double meaning.

Depensa naman ni Mocha, "Although tungkol po iyon sa kinakain sa breakfast, bahala na ang ibang tao kung mag-iisip sila ng masama tungkol sa kanta naming ’Hotdog.’"

May club remix at instrumental version sa album ang "Hotdog" song.

Ire-release din abroad ang album ng Mocha Girls.

"Opo, international kasi po yung director din ng aming music video, Filipino siya, pero nag-aaral sa New Zealand.

"At mismong siya, sinasabi niya na proud ang mga Pinoy all over the world na makikita yung simbolo ng sun, stars ng ating bansa.

"’Pag nakikita ng ibang Filipino yun abroad, nagiging proud sila.

"Nandun yung belongingness na, ’Uy Pinay sila, Pinay din kami!’

"Kumbaga, kaya namin gustong gamitin ang Philippine flag, kapag nakita ito ng mga kapwa natin Pilipino abroad magiging proud sila.

"Na may association, may belongingness.

"’Tulad ni Manny Pacquiao, ’pag nakita si Pacquiao, ’Uy Pinoy siya, Pinoy din kami!’

"’Pag narinig yung kanta namin na maganda, na inaangat ang mga Pinay, na kayang makipagsabayan around the world, parang ’andun din yung pride being Pinay thru our song," pahayag ni Mocha.

DARNA. May kasuotan din ang Mocha Girls na kinabibilangan nina Mocha, Mae dela Cerna, Franz Fainsan, Yumi Ociman, at Aura Balington na ginamit na tila costume ni Darna.

Aminado naman sila na na-inspire rin sila sa costume ng Pinay superhero.

Sabi ni Mocha, "Opo, opo kasi si Darna ang parang Wonder Woman ng Pilipinas.

"Kaya lahat po ng mga ganung klase ng idea, nakaka-inspire, kaya inspired nga din po ito ng costume ni Darna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What if magreklamo naman ang pamilya ng creator ni Darna na si Mars Ravelo?

"Hindi naman ganun, dapat maging masaya sila na in-admire namin yung work nila.

"’Tapos proud kami na i-represent si Darna, ang Pilipinas, ang Pinay, matapang."

Malamang isipin ng iba na gusto lang nilang maging kontrobersiyal.

"Nagkataon lang po talaga na yung aming music video is all about Pinay, kaya po ginagamit namin yung lahat ng simbolo na magsi-symbolize ng Pilipina."


SEE YOU IN JAIL? So hindi sila natatakot na baka makasuhan o makulong?

"Hindi po kami natatakot at saka kung ikukulong nila kami, dapat ikulong rin yung mga ibang Pinoy na alam ninyo yun... ’tulad ni Manny Pacquiao na may shorts na may flag ng Pilipinas.

"’Tapos yung mga nanonood sa kanya, dapat siguro ikulong rin kasi may mga paraphernalia silang Philippine flag.

"May hawak-hawak silang Philippine flag, o kaya mga shorts, T-shirts, jacket na may Philippine flag.

"So kung ganun, e, di sama-sama na lang kaming ikulong lahat ng may flag.

"Siguro kahit yung may tattoo ng Philippine flag, siguro bawal din yun, ikulong din nila."


FORTHCOMING SHOWS: Magkakaroon ang Mocha Girls ng show sa March 3 sa Zirkoh Morato kasama sina Jennylyn Mercado, Rayver Cruz, at Boobsie.

Sa March 10 naman ay with Gerald Santos, Luningning with the Temptation Ladies, Saicy Aguila, Wonder Gays, at Derrick Monasterio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN