Sef Cadayona denies being turned down by Michelle Madrigal: "Naku sa basted hindi po totoo yan kasi hindi naman po ako nanligaw, e."

Sef Cadayona (above) is in the cast of My Kontrabida Girl from GMA Films. Directed by Jade Castro, the movie which stars Rhian Ramos and Aljur Abrenica, opens in cinemas on March 14.


Sa presscon ng pelikulang My Kontrabida Girl kahapon, March 1, sa 17th floor ng GMA Complex, ang unang itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sef Cadayona ay kung totoong binasted nga ba siya ni Michelle Madrigal?

"Naku sa basted hindi po totoo yan kasi hindi naman po ako nanligaw, e," unang reaksyon ni Sef.

Pero noon ay very vocal siya sa pagsabing may interes siya kay Michelle.

"Sinabi ko po, gusto ko po siya.

"Kumbaga yung nangyaring iyon, ano siya e, bilang isang kaibigan."

So bakit hindi niya itinuloy ang panliligaw sa seksing aktres?

"Bakit hindi natuloy sa panliligaw? Meron ka kasing ano, kumbaga meron kang mga kaibigan na natitipuhan mo na crush mo lang, hindi yung ano, hindi yung gusto mong i-pursue na makasama na..."

Noong nasa Time Of My Life pa si Sef, sa mga interviews sa kanya, sa mga pananalita niya ay parang todo-todo ang pagmamahal niya kay Michelle.

"Siyempre kilig ako noon. Crush na crush ko siya, e."

Noon ay maligayang-maligaya pa siya sa pagkukuwento na madalas siyang dalhan ni Michelle ng mga niluto nitong pagkain, at nag-decide pa nga siyang magpalaki ng katawan dahil puro hunks ang mga nagiging karelasyon ni Michelle.

"Hindi... siyempre, iyong lahat na yun, totoo naman kaya lang dala yun ng dahil crush na crush ko siya.

"Hindi iyon dala ng dahil may something kami. Dala yun ng sobrang paghanga ko sa kanya.

"E ganun ako, e. Pag nagka-crush ako sa tao talagang... para sa akin, ang ganda-ganda, na seksi na... siyempre, di ba?

"Hindi mo naman maiiwasaan yun, e. Pagka may inspirasyon ka or may crush ka gusto mo siyempre pag nakita ka ng taong type mo, na kailangan ano ka, presentable ka."

So bakit nga hindi niya itinuloy ang panliligaw?

"Ang nangyari lang kasi is parang yung pagkakaibigan namin na nadala siya towards friendship talaga, hindi siya nadala na parang ’Gusto kitang ligawan,’ ganun-ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon, balitang ang balak niyang ligawan ay si Wynwyn Marquez.

"Ha? Hindi po!"

Sa presscon nga ng Hiram Na Puso, nabanggit ni Wynwyn na isa si Sef sa pinaka-close niyang kaibigang lalaki sa showbiz.

"Oo, close kami pero wala po iyon. Hindi po totoo na nanliligaw ako.

"Si Wynwyn, siya pinaka-close ko sa Party Pilipinas. Nami-misinterpret lang kasi nga sa barkada namin sa Sayaw Pilipinas, si Wynwyn tsaka si Yassi [Pressman] yung kumbaga, sila yung mga babaeng best friends ko.

Sa kanila ako nagse-share ng mga kung anu-ano.

"Pero wala namang katotohanan na nililigawan ko siya."

So loveless siya ngayon?

"Oo. Sabi nga nila pagka masuwerte ka sa trabaho malas ka sa pag-ibig e," sabay-tawa ni Sef.

Nang hingan naman ng reaksyon tungkol sa pagbubuntis ni Janna Dominguez na dati niyang girlfriend...

"Well I’m happy for her hindi naman porke’t hiwalay na kami e, magbabago yung tingin ko sa kanya.

"Siyempre may pinagsamahan kami bago pa man din maging kami.

"So siyempre kino-congratulate ko siya, mukha namang masaya siya."

EXPOSURE. Napag-usapan naman namin ang pagpapakita niya ng puwet sa My Kontrabida Girl. Apat sila sa cast ang may butt exposure sa movie—si Sef, Kevin Santos, Ken Chan at Enzo Pineda.

May preparasyon ba siya?

"Iyon! Kaya nag-work out din ako ng sobra dun. Sabi ko, kasi siyempre di ba?

"First movie ko ito e, tapos nag-exposure kami ng ganun, siyempre kahit papaano kailangang presentable ako, hindi lang basta-basta."

Paano siya napapayag sa butt exposure?

"Nung sinabi nila sa aking hindi malaswa yung mangyayari, nung sinabi nilang for the comedy, ’Okay game ako!’

"For the comedy siya, e. Actually nung nakita namin yung mga ano... nakasilip ako ng konting edited, e. Hindi siya baboy.

"Actually yung butt scene na yun nagamit siyang lalo na pang pampatawa.

"Yung talagang ’Ay Diyos ko, ano ba tong pinaggagagawa namin?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun yung magiging reaction."

Paano kung ang sumunod ay offer-an siya ng indie movie na may frontal nudity?

"Siguro hanggang puwet lang muna ako, hindi ko pa kaya.

"Kung sa ganun naman ang pag-uusapan, hindi ko pa siya naiisip, wala pa naman siya sa plano ko, wala pa siya sa plano ko.

"Okay na muna ako sa butt exposure. That’s as far as I can go.

"As for now, as for now."

Sa direksyon ni Jade Castro, ipapalabas sa March 14 sa mga sinehan ang My Kontrabida Girl na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.

At bukod kina Sef, Kevin, Ken at Enzo ay kasama rin sa cast sina Bea Binene, Jhake Vargas, Chariz Solomon, Moymoy Palaboy, Bela Padilla, Gwen Zamora, Sabina Santiago, at ang mga kontrabidang sina Gladys Reyes, Maritoni Fernandez, Bella Flores, Odette Khan, at si Miss Cherie Gil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN