Daiana Menezes is more wary of Pinoy men after "traumatic" experience with ex-boyfriend

"Unfortunately, I will have to be more maingat sa mga Pinoys. Medyo naging ’traumatic’ experience kasi yung nangyari. Pero I cannot generalize, kasi ang bait ng mga Pinoy. Hindi naman lahat ng mga lalaki ay tulad ng guy na yun," says Daiana Menezes, referring to her ex-boyfriend GB Sampedro.


Sa kabila ng lahat ng mga nangyari sa Brazilian-model-turned-TV-personality na si Daiana Menezes—pagkabigo sa pag-ibig, problema sa mga ahensiya ng gobyerno, at iba pang mga intriga—bakit nagpasya pa rin siyang manatili sa Pilipinas?

Sa isa kasing katulad niyang banyaga na patuloy na inuulan ng intriga, dapat sana’y napikon na ito’t umalis para iwanan ang mga masasama niyang karanasan sa Pilipinas.

Lalo pa nga’t kung tutuusin, mas kumportable ang buhay ni Daiana sa Bairro Menezes, Cataguases, Minas Gerais, Brazil kung saan marangya ang kanyang pamumuhay sa piling ng kanyang pamilya.

"Nagkaro’n din ako ng isip na... ’Why is this all happening? Should I leave or stay?’" sabi nga ni Daiana sa kanyang paputul-putol na pananagalog nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Broadway Centrum studio ng Eat... Bulaga! kamakailan.

"My life kasi in Brazil, is just too easy for me to just... parang after lahat ng pinaghirapan ko, to make my own life here, why will I just leave?"

Sabi pa ni Daiana, sa Pilipinas daw kasi ay mas nakakadama siya ng kakaibang laya at lakas.

Kumpara sa marangya niyang pamumuhay sa Brazil, pakiramdam ni Daiana ay mas kuntento siyang tumatayo sa sarili niyang mga paa at sinusuportahan ang sarili.

"Hindi ko kailangan actually magtrabaho pag nandun ako," sabi pa ni Daiana sa PEP.

"And then I have the feeling na, I’m stronger pag nandito ako sa Philippines.

"Kasi I work for myself. I don’t depend on my daddy’s business, or on my family’s business.

"So, I think that’s the reason why I keep on fighting," pangangatuwiran pa ng 24-year-old na Brazilian.

WAY BETTER HERE. Bago nagpasyang maging modelo nung 2006, isang regular na estudyante sa isang unibersidad sa Brazil si Daiana.

Patulung-tulong sa bags and shoes business ng kanyang mayamang ama habang nag-aaral, isang araw ay nabigyan ng offer para maging modelo si Daiana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dinala ng pagmomodelo ang dalaga sa iba’t-ibang bansa, ngunit ang Pilipinas ang kanyang binalikan at nagustuhan nang husto.

"I love it here, e," deklara pa ni Daiana. "Iba ang atmosphere, iba ang ambience, the people are different.

"Everything here is way, way better than in other countries.

"I love it, and I learned the language.

"At kahit na may mga nangyayaring masama, I think it’s just part of our trials in life. And it just makes you a stronger person."

Wala raw siyang sama ng loob sa mga nangyari sa kanya sa Pilipinas.

"God gives you what you can carry," aniya pa.

PART OF THE JOB. Para kay Daiana, normal lang din daw ang magkaroon ng mga detractors o mga taong gusto lang manira.

"Hindi mo naman maiiwasan kasi iyan, e.

"I think, as long as you’re like, you’re there, you’re doing your job, there will be people talking good things about you, there will be people talking bad things about you. And I think that’s part of the job.

"So, kumbaga, pag wala yun, yung mga masama, then you have to think: something must be wrong with you, if everything is all going right.

"Parang kumbaga, ’Am I perfect?’ No one naman is perfect," sabi pa ni Daiana.

"I think that’s part of show business. I’m a public person, e.

"Everything you do, should be like, more than a model. A role model-person."

SURVIVOR. Napatunayan nga ni Daiana na kaya niyang harapin ang mga dumating sa kanyang pagsubok.

Mula sa mga intrigang hinarap niya at sinagot, hanggang sa problema niya nitong mga nakaraang araw sa B.I.R. na nagawan niya rin ng paraan.

Nagpapasalamat nga raw siya sa pag-uunawa sa kanya ng sangay ng gobyerno na ito na pumayag na i-settle ang problema niya na hindi pagkaka-file nang maayos ng tax statements ng kanyang dating manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Survivor din na maituturing si Daiana dahil sa tatlong pagkabigo sa pag-ibig na naranasan niya sa mga Pilipinong nakarelasyon.

Una’y kay Carl Guevarra, pagkatapos ay kay Sam YG, at ito ngang katatapos lang ay ang pinakamalalang breakup niya—kay GB Sampedro.

Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng direktor na nangako pa sa kanya noon ng kasal, kahit na wala pang anim na buwan silang magkasama.

Aminado si Daiana na sobrang na-in love siya kay GB. Tinanggap niya ito kahit na may mga anak ito sa dating asawa at kahit may record na ng pangangako ng kasal sa nagiging girlfriend nito.

Ang huling pinangakuan ng kasal ni GB, bago naging girlfriend si Daiana ay ang komedyanang si Candy Pangilinan.

WARY OF PINOY MEN NOW. Dahil tuloy sa pangit na karanasan niya sa pakikipagrelasyon sa mga Pilipino, tinanong ng PEP kung magiging maingat na ba siya sa pagpasok muli sa relasyon sa isang Pinoy?

"Unfortunately, I will have to be more maingat sa mga Pinoys," nakangiting sabi ni Daiana. "Medyo naging ’traumatic’ experience kasi yung nangyari.

"Pero I cannot generalize, kasi ang bait ng mga Pinoy. Hindi naman lahat ng mga lalaki ay tulad ng guy na yun," sabi pa ni Daiana na ang tinutukoy ay si GB.

MORE FOCUSED THIS YEAR. Ngayong taon, talagang magiging focused na siya sa kanyang career at hindi muna papasok sa isang relasyon.

"Ngayong 2012, natuto na ako dun," tukoy ni Daiana sa karanasan niya sa pag-ibig nung 2011.

"Dapat i-focus mo talaga ang sarili mo sa trabaho. Hindi lang yung kalahati sa love life, kalahati sa trabaho.

"You really lose yourself when it comes to that, especially, for a person as young as me," dagdag pa ni Daiana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN