Former President Ramos’s daughter files sex raps against two Azkals

Azkals players Angel Guirado (left) and Lexton Moy (right) face sex raps after former Philippine Olympic Committee president Cristy Ramos filed gender insensitive complaints against them. Cristy is the daughter of former President Fidel V. Ramos.


Nasasangkot na naman sa panibagong kontrobersiya ang mga miyembro ng Philippine Azkals.

Inirereklamo ng anak ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na si Cristina "Cristy" Ramos, isang sports official, na binastos daw siya ng dalawang miyembro ng Philippine football team.

Bukod sa pagiging anak ng dating pangulo, si Cristy Ramos ay dati ring presidente ng Philippine Olympic Committee. Nagsisilbi siya ngayon bilang match commissioner ng Federation Internationale de Football Association (FIFA).

Sa ulat ng 24 Oras Weekend na napanood sa GMA-7 kagabi, Marso 3, sumulat na si Ramos kay Lim Kia Tong, chairman ng Asian Football Confederation (AFC) Disciplinary Committee, para ipaalam ang umano’y sexual harassment o pambabastos na ginawa sa kanya ng Azkals players na sina Lexton Moy at Angel Guirado.


THE INCIDENT. Ayon kay Ramos, verbal na pambabastos daw ang inabot niya kay Moy.

"... Philippine player Lexton Moy (No. 25) stood by my right side and said in a loud voice ’must be a B cup,’ to which the players laughed loudly," sabi ni Ramos sa kanyang complaint letter at incident report.

Ang tinutukoy raw nito ay ang size ng kanyang bra dahil siya lang naman daw ang babaeng naroon ng oras na iyon.

Bukod pa rito may hindi kanais-nais na aksyon naman daw na ginawa si Guirado.

"... when I checked Philippine player Angel Guirado [No. 12] he stood in front of me purposely just wearing his briefs and made no attempts to wear shorts or cover his underwear."

Nangyari ang umano’y pambabastos nang magsagawa siya ng mandatory team check sa Azkals noong Pebrero 28 sa Discovery Suites sa Pasig, isang araw bago ang friendly match ng team kontra sa Malaysia.

Si Ramos ang tumayong match commissioner noong friendly match at naaayon sa regulations ng AFC ang isinagawa niyang team check sa dalawang koponan.


PAINFUL EXPERIENCE. Sa telephone interview ng GMA News kay Ramos, inamin nito na nasaktan siya sa ginawa ng Azkals lalo na’t ito pa naman ang team ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ramos, "It’s really painful for me because it had to happen with my team, you know, the team of my country. It did not happen to me anywhere else.

"And of course I expect some disciplinary actions and some sanctions whatever they may be."

Wala raw noon ang team manager ng Azkals na si Dan Palami at ang head coach na si Michael Weiss.

Si James Younghusband na tumatayong team captain ang naroon. Pero wala naman daw itong ginawa para kontrolin ang teammates.

Sabi pa ni Ramos, "This is unacceptable behavior as far as I’m concerned and again as one of the duties of a Match Commissioner, I have to report this incident because this is sexual harassment."


AZKALS MANAGER APOLOGIZES. Sa official statement naman ni Palami, tiniyak niyang hindi kukunsintihin ng team management ang ganitong aksiyon. Kakausapin niya raw ang team tungkol dito.

"I will look into the circumstances of this alleged incident and cooperate with any investigation.

"If it is proven that there was in fact malicious intent, I will make sure that proper sanctions are meted out," sabi ni Palami.

Humingi rin ng paumanhin si Palami kay Ramos para sa buong Azkals na ngayon ay nasa Nepal bilang paghahanda sa AFC Challenge Cup.

"On behalf of the team, I sincerely apologize to Commissioner Ramos for the distress this situation has caused her."

Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ng Azkals team manager ay nananatiling matigas si Ramos.

Kahit humingi pa raw ng paumanhin sa kanya sina Guirado at Moy ay hindi na magbabago ang kanyang desisyon.

“My complaint stands no matter what," sabi ni Ramos.

Hindi ito ang unang eskandalong kinasangkutan ng Azkals.

Matatandaang noong isang taon nasangkot din ang ilang miyembro ng Azkals sa umano’y panghahalay sa modelong si Amanda Coling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi naman ito ng Azkals.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN