Aiko Melendez confirms dismissal of libel case filed against her by ex-boyfriend Mayor Patrick Meneses

April 2011 nang sampahan ng kasong libelo si Aiko Melendez nina Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque dahil sa diumano’y mapanirang komento ng aktres sa Twitter tungkol sa gender ng dalawang alkalde. Halos isang taon ang nakalipas ay na-dismiss na nga ito.


Kinumpirma mismo ni Aiko Melendez ang pagkaka-dismiss ng kasong libelo na isinampa laban sa kanya ng dating boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses sa panayam sa kanya ng Paparazzi Showbiz Exposed na napanood sa TV5 kahapon, Marso 3.

Ayon kay Aiko, "Kasi nag-motion to transfer kami from Bulacan to DOJ [Department of Justice]. And then we got a resolution that the case was dismissed noong November pa.

"Kaya lang hindi pa namin nakukuha yung copy ng resolution na yun kaya we’ll be back on the 14th [March] to finalize everything."

April 2011 nang sampahan ng kasong libelo si Aiko nina Mayor Meneses at Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque dahil sa diumano’y mapanirang komento ng aktres sa Twitter tungkol sa gender ng dalawang alkalde.

Halos isang taon ang nakalipas ay na-dismiss na nga ito.

Happy naman si Aiko sa pagkaka-dismiss ng kaso.

"Sana tuluy-tuloy na. And I’ve always said this naman na dito sa kasong ito wala naman yung talo e, kung sino yung nagsasabi ng totoo.

"Ang mabuti dito is yung parehong party ay matutuunan na namin ng pansin yung dapat naming pagtuunan ng pansin."

Pagdidiin pa ng ngayo’y Kapatid actress, "Aminin man natin o hindi, sobrang hassle at perhuwisyo ng oras yung pagpunta kung saan-saang korte.

"And sina Mayor Patrick at Mayor Roque ay mga busy na tao rin.

"Mag-eeleksyon na and lahat kami magiging busy na. Sana e talagang matapos na lahat ito."

Sa ngayon umaasa si Aiko na tuluyan nang maaayos ang gusot sa pagitan nila ni Patrick katulad din ng nangyari sa mga dati niyang nakarelasyon na sina Jomari Yllana at Martin Jickain, na parehong kaibigan na niya ngayon.

SECOND LOVE WITH JOMARI? Ngayong single na ulit si Aiko, hudyat na ba ito para muling bumalik ang pagmamahalan nila ni Jomari, ang ama ng panganay niyang si Andrei?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Is love is lovelier the second time around?

"Para sa amin ni Jom, second lang ba o third, hindi ko... I don’t know.

"Kasi naniniwala ako... marami actually ang nagho-hope at naniniwala na baka ang ending kami pa rin.

"Who knows? Pareho naman kaming single, e.

"E ako, I’m not seeing anybody.

"And as far as I know and I hope till this day wala pa rin siyang kinikita.

"So, who knows? Kami, ayaw naming madaliin.

"Basta ang importante dito maganda ang relasyon namin, maganda ang pakikitungo niya sa anak namin ngayon, mas may oras.

"So, happy na ako doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN