For Alvin Aragon and former SexBomb girl Izzy Trazona, wedding kiss is first ever

Former SexBomb girl Izzy Trazona (main) and StarStruck season 1 avenger Alvin Aragon (inset) finally got married and shared their first kiss on February 18.


Sa Startalk TX last year unang inanunsyo ng StarStruck season 1 avenger na si Alvin Aragon at dating SexBomb girl na si Izzy Trazona ang plano nilang pagpapakasal.

Nuong February 18, dumating ang pinakahihintay na sandali nina Alvin at Izzy.

Live na nag-guest ang mga bagong kasal Sabado, March 3, sa Startalk TX at ininterbyu sila ng host ng show na si Joey de Leon.

Kumusta sila ngayong kasal na sila?

Ano ang naramdaman nila nang sabihin ng pastor during their wedding na "Alvin may kiss his wife..."

Habang magkasintahan kasi ay nangako si Alvin na igagalang niya si Izzy at ni hindi niya ito hahalikan hangga’t hindi sila ikinakasal.

Masayang-masaya raw si Alvin, at ayon kay Izzy, ngayong kasal na sila ay...

"Sobrang happy po!"

Sa tanong naman kung mabait na siya ngayon, sinabi ni Alvin [na noon ay nakilalang pasaway] na...

"Progress po yun."

May pagkakataon ba na may dumating na tukso para sirain nila ang pangako nila na hindi sila maghahalikan hangga’t hindi sila kasal?

"Actually po, hindi naman talaga absent yung temptation," ang sinabi ni Alvin.

"Meron talagang temptation. Hindi mo kayang mapagtagumpayanan yun kung... ang mahalaga talaga meron kang relationship kay Lord.

"Kasi iyang mga temptation po ay hindi mo naman kayang labanan talaga yan.

"Dapat talaga punumpuno ka ng words ni Lord."

Kumusta na ang buhay may asawa? Ngayong mag-asawa na sila meron ba silang nadiskubre sa isa’t-isa?

"Masarap po yung adobong may gulay," ang natatawang sagot ni Alvin, na ang tinutukoy ay ang inilutong pagkain ni Izzy para sa kanya.

"Opo, nagluto po siya. Nagulat nga ako, first time kong kumain nun e, yung adobong may gulay."

Sina Alvin at Izzy ay pareho nang may anak from previous relationships; si Alvin ay may five-year old daughter na si Athena at si Izzy ay may ten-year old son named Andrei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw nakarating sa wedding nila ang anak ni Alvin samantalang dumalo naman sa kasal nila si Andrei.

Nagsisimula pa raw manligaw si Alvin kay Izzy ay kilala na nito si Alvin at "Kuya" raw ang tawag noon ng bata kay Alvin. Pero sa telepono ng bata ay "dad" na ang nakalagay sa numero ni Alvin.

Ayon naman kay Izzy, dumalo sa kasal nila ang mga dati niyang kasamahan sa SexBomb na sina Mia Pangyarihan, Aira Bermudez at Weng Ibarra.

"Yung iba po may show po kaya hindi nakapunta," sinabi pa ni Izzy.

Pagkatapos ng kasal ay balik-trabaho na muli sila, lalo na si Alvin na ipinagpapatuloy ang kanyang showbiz career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN