Kris Bernal denies rumors that she had cosmetic surgery: "Wala po! Siguro kasi tumaba ako."

Ano ang comment ni Kris Bernal sa obserbasyon ng marami na consistent top-raters ang projects niya nang paghiwalayin sila ng dating loveteam niya na si Aljur Abrenica?

"Ako nga ang nawawala, e. Si Aljur may movie [My Krontrabida Girl] yun ha, may endorsements pa," says Kris.

Nag-rate naman lahat ng shows ng batang aktres tulad ng Koreana at Time Of My Life. Marami ang na


Totoo bang may ipinaayos si Kris Bernal sa kanyang mukha? Ang tingin kasi ng iba ay tila nagbago ang shape ng mukha ng batang aktres

"Wala po! Siguro kasi tumaba ako," mabilis na sagot ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kinumusta naman namin ang pagbabakasyon niya kamakailan sa Amerika nang mag-isa.

"Okay naman, masaya naman."

Nakaya niya na mag-isa?

"Oo naman po.

"Actually first time kong nag-travel mag-isa."

Hindi siya natakot?

"Hindi, kasi nagta-travel naman kami talaga ng family ko."

Pero may mga kasama siya; itong recent trip niya ay siya lang mag-isa ang bumiyahe.

"Opo pero sa Amerika may kasama na ako, may mga kamag-anak ako dun. Pero sa mismong biyahe wala akong kasama, ako lang talaga.

"Hindi naman nakakatakot kasi sanay na din ako... alam mo yung papakita ka lang ng passport, mga ganun, wala namang nakakatakot."

CRYING SCENES. Ano ang pinaghuhugutan niya sa mga crying scenes niya sa Hiram Na Puso, ang bagong afternoon drama series ng GMA kung saan siya ang bida.

"Pinaghuhugutan ko? Wala, pag iyakan kasi, more on relationship with your mother so iniisip ko talaga ang mommy ko kasi mas madali.

"Kasi malalim naman talaga ang relasyon ko sa mommy ko at talagang totoo naman yung pagmamahal ko sa nanay ko, at mahal na mahal ko siya kaya ako nandito."

Ano ang comment ni Kris sa obserbasyon ng marami na consistent top-raters ang projects niya nang paghiwalayin sila ng dating loveteam niya na si Aljur Abrenica?

Na kahit ipareha siya sa iba, tulad nina Rocco Nacino (sa Koreana) at Mark Herras (leading man ni Kris sa Time Of My Life at ngayon ay sa Hiram Na Puso) ay tanggap ng masa.

Na si Aljur, nang iba ang kapareha sa Machete, ay hindi raw kinagat ng publiko.

"Ako nga ang nawawala, e. Si Aljur may movie yun ha, may endorsements pa," sabi ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang movie na tinutukoy ni Kris ay ang My Kontrabida Girl nina Aljur at Rhian Ramos.

Samantala, nag-rate naman lahat ng shows ni Kris tulad ng Koreana at Time Of My Life. Marami ang nagsasabi na tiyak na magre-rate rin ang Hiram Na Puso.

Tila si Kris daw ang mas nakaka-survive nang mabuwag ang loveteam nila ni Aljur.

"Hindi naman siguro sa mas nakaka-survive ako, pero feeling ko suwerte lang talaga ako dahil nagugustuhan nila yung mga ginagampanan kong roles, yung mga shows na binibigay sa akin ng GMA.

"Pero si Aljur naman alam mo naman yun, talagang hot siya ngayon, e."

Isa pang obserbasyon: Si Kris daw ay natutong umarte; si Aljur ay pinipintasan pa rin hanggang ngayon

HONING HER ACTING SKILLS. Nahasa ang acting ni Kris sa Koreana.

"Hindi lang siguro sa Koreana kasi bata pa lang ako gusto ko nang mag-artista e, so kung kailangan kong umiyak, iiyak talaga ako kasi gusto kong mag-artista e, di ba?

"Gusto kong sumikat, ito yung pangarap ko, e.

"At ngayong artista na ako, gagalingan ko siyempre. Pero hindi ko naman sinasabing ang galing-galing ko na.

"Medyo nangangapa pa din ako dahil... masasabi ko lang siguro na magaling ako pag na-nominate na ako!

"Kahit hindi ako manalo kahit ma-nominate lang... ’Ay, magaling ako kasi na-nominate ako!’"

Sa mga StarStruck girls, isa si Kris sa patuloy na bumobongga ang career.

"Nakakatuwa nga po e, kasi nararamdaman ko talaga yung pagmamahal ng GMA.

"Siguro nararamdaman ko na mahal ako ng network kasi talagang simula nang nabigyan kami ni Aljur ng lead role, naging sunud-sunod na, e.

"Ang naging pahinga ko lang madalas e, three months, four months e, di ba?

"Malaking bagay na yun na nabibigyan ka talaga ng break.

"At tsaka laging... simula nung nag-lead kami, laging bida, kaya Diyos ko, pinagbubutihan ko talaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ang laki-laki talaga ng pasasalamat ko sa GMA.

"Kasi sa dami naman ng puwedeng [mabigyan] ng ganitong role, e napupunta sa akin.

"At tsaka feeling ko, ewan ko, feeling ko malakas ako kay Lord kasi lagi kong pinagdadasal iyan e, itong career ko.

"Siguro isa ako sa mga favorites ni Lord kaya binibigay niya sa akin," ang masayang pahayag ni Kris.

POSING FOR FHM. Tinanong naman ng PEP si Kris kung kailan siya magpo-pose for FHM.

"Kapag may boobs na ako. Charoz!"

Papayag siya if ever?

"Papayag akong mag-FHM kung papayag ang network.

"Kung payag sila, payag din po ako."

At dahil siya nga ang female lead sa Hiram Na Puso, naitanong naman namin kay Kris—given a chance, kanino niya gusto makipagpalitan ng puso?

"Siguro si Ate Juday, si Miss Judy Ann [Santos]!

"E, kasi di ba parang... hindi ko siya kilala in person pero pag napapanood ko siya, pag nakikita ko siya parang wala siyang problema, parang ang sarap-sarap niyang magmahal.

"Tapos nakikita ko na ang saya-saya ng puso niya ngayon, kaya sana ganun din yung akin."

Bukod kina Kris (as Lira) at Mark (as Prince), kasama sa cast sina Polo Ravales (as Dennis), Gardo Versoza (as Leo), Ayen Laurel (as Roxanne), Wynwyn Marquez, Candy Pangilinan, Bela Padilla (as Vanessa), Anna Marin, Marc Acueza at si Miss Gina Alajar bilang si Zeny. Ito ay sa direksyon ni Andoy Ranay.

Pilot airing nito bukas ng hapon, Lunes, March 5, sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN