Jose Manalo’s wife claims the comedian abandoned his family for another woman

Eat Bulaga! mainstay Jose Manalo is being accused by his wife, Annalyn, of having a relationship with another woman and abandoning his family.


Dalawang araw pagkatapos ng matagumpay na concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Smart-Araneta Coliseum noong Biyernes, March 2, ay lumabas naman ang interview ng misis ni Jose na si Annalyn Manalo sa The Buzz kahapon, March 4.

Ayon kay Annalyn, may karelasyong ibang babae si Jose at umalis na ang comedian sa kanilang bahay mula pa noong Enero ng taong kasalukuyan.

Sabi pa ng misis ni Jose, alam na niya ang tungkol sa relasyong ito ng asawa pero pinili raw niyang manahimik alang-alang sa kanilang mga anak.

"Sa pagkakaalam ko, at alam na alam na naming lahat, mayroon at marami na rin akong pruweba na totoo nga ito—totoo ngang may babae siya.

"Totoo pong [inabandona kami].

"Umalis siya January 6 this year, pero yung mga bagay na ito, alam ko na last year pa.

"Since January, alam ko na ang nangyayari. Tinitiis ko lang lahat ito para sa mga bata," saad niya.

Nagulat pa raw si Annalyn nang umalis ng kanilang bahay si Jose dahil nagpapadala pa raw ito ng text messages sa kanya noong Enero.

"Actually, may mga text siya sa akin hanggang January 3 na, ’Mommy mahal kita. Mommy I love you.’

"Iyon ang sinasabi niya sa akin kahit alam ko ng mayroong nangyayari.

"Tinitiis ko lahat yun para sa mga anak ko dahil mahal nila ang daddy nila."

Pero ang pinakamasakit, ayon kay Annalyn, ay nang siraan daw siya ni Jose sa mga kaibigan at katrabaho nito.

Dagdag pa niya, "Wala akong mahingan ng tulong. Binan kami sa Broadway.

"Nagpalit siya ng telephone number niya, hindi namin siya ma-contact."

Sa Broadway Centrum ang studio ng noontime show na Eat Bulaga!, kung saan isa sa mainstay si Jose.

Sinabi rin ni Annalyn sa panayam niya sa The Buzz na sinubukan niyang kausapin ang diumano’y karelasyon ni Jose.

"Hindi ko siya inaway," diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dalawang beses ko siyang kinausap na parang awa na niya, layuan na niya ang asawa ko dahil may mga anak ito, lalung-lalo na may maliit kaming anak.

"Sana makonsensiya siya."

Pero sa kabila nito, handa pa raw patawarin ni Annalyn si Jose kung magdesisyon itong bumalik sa kanila.

Sabi pa niya patungkol kay Jose, "Gusto ko sabihin sa ’yo na mahal na mahal kita.

"Ginawa ko ’to dahil sobrang sakit na ng nararamdaman ko para sa mga anak ko.

"Alam mo, kung tutuusin, sabi ko, sana hindi na lang siya naging artista at naging sikat para wala kaming problema na ganito.

"Simpleng pamilya, simpleng buhay na masaya, iyon lang, e," sabi ni Annalyn.

Sinubukan daw ng The Buzz na kunan ng pahayag si Jose, pero tumanggi raw ito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng balita tungkol kay Jose at sa non-showbiz wife niya.

Noong 2009 ay naging laman ng balita ang mag-asawa dahil sa pagkakasangkot nila sa multi-million jewelry scam.

Dahil sa kasong ito ay nagpahinga muna si Jose sa Eat Bulaga! para raw hindi na madamay ang kanyang trabaho at ang mga kasamahan niya sa show.

Ipinagtanggol pa ni Jose si Annalyn sa akusasyong "swindler" diumano ito.

(CLICK HERE to read related story.)

Samantala, bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Jose at iba pang sangkot sa isyung ito kaugnay ng mga akusasyon ni Annalyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN