Ali Sotto leaves hosting job to settle family matters in the States

"Ngayon na sinabi niyang mas gusto niyang mas malapit siya. I really, really want to get the family. Si Chino works full-time and I have to go there because we have a house, e," says Ali Sotto when asked why she needed to leave her TV show and go to the States.


Nalalapit na ang pag-alis ng premyadong TV host na si Ali Sotto sa programa nitong Personalan sa GMA News TV.

Ayon sa report ng Showbiz Central kahapon, Linggo, March 4, ito ay para tugunan ang pinaghahandaang relokasyon ng anak ni Ali na si Chino mula Amerika pabalik ng Asya sa mga darating na buwan.

Si Chino ay isang IT professional na nakabase sa Pasadena, California simula pa noong 2003.

Ayon kay Ali, "Ngayon na sinabi niyang mas gusto niyang mas malapit siya, I really, really want to get the family.

"Si Chino works full time and I have to go there because we have a house, e," na ang ibig niyang sabihin ay ang kanilang bahay sa States.

"Kasi kailangang mabenta yung bahay, and it’s fully furnished."


BYE HOSTING? Kasunod ng kanyang pagbabalik-showbiz last year, pinangunahan ni Ali ang programang Personalan simula July 2011.

Mabigat man ang gabi-gabing pagharap sa mga problema ng mga karaniwang tao na kanyang naging panauhin, hindi madali para sa TV host na iwan ang kanyang programa.

"Everybody is so passionate about the show.

"Iyon ang hindi alam ng marami, pero yung proseso para makabuo ng isang show dahil kasi magagaling na mga creative na tao ang nagsama-sama. Yung creative differences na pinaglalaban mo.

"Mami-miss ko na makatulong kasi parang mahirap desisyunan... na kailangang proteksyunan yung sarili ko na naa-absorb ko yung negativity, di ba? Na iniisip ko yung sarili ko.

"Pero at the same time, alam ko na marami kaming natutulungan.

"Mami-miss ko yun, yung mga taong lumalapit na may problema sila.

"At meron silang isyu at meron silang conflict.

"’Tapos, bago sila umuwi, meron nang nakahingi ng tawad, meron nang nagpatawad.

"Maraming aral na napupulot yung mga tao dun sa ginagawa namin."

LAST WEEK! Samantala, mapapanood pa si Ali bilang host ng Personalan hanggang ngayong buong linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay ng pagbabago sa kanyang buhay at sa pagpapatuloy ng magiging bagong mukha ng programang kanyang nasimulan, may huling mensahe si Ali para sa mga naging tapat niyang manonood.

"I trust na ’andiyan pa rin kayo. Dahil maganda naman talaga, at pati naman ako, at dito sa bahay, manonood pa rin ng Personalan.

"Susubaybayan ko pa rin ang trabaho ng mga ’anak’ ko diyan," pagtukoy niya sa staff ng Personalan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN