Betong Sumaya recounts "love affair" with Patricia Javier; says Maey Bautista is just a friend

Betong Sumaya on what happened between him ang former sexy actress Patricia Javier a.k.a. Genesis Canlapan: "Sobra talaga akong nagtiyaga talaga kay Genesis talaga na ligawan. Kaya lang ang dami talagang nanliligaw sa kanya sa school, sobrang dami. ’Tapos ang itsura ko pa noon, talagang liyamado na liyamado talaga. Parang feeling ko, wala talagang... lakasan talaga ng loob. Kung sagutin man ako ni Genesis noon, baka nasa impluwensiya siya ng kung anum


Ang winner ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown na si Betong Sumaya ang guest kahapon, March 4, Linggo, sa "Don’t Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central.

Ang unang tanong kay Betong ay kung totoo ang bali-balita na humihingi ang ka-partner nitong si Maey Bautista ng malaking balato sa pagkapanalo niya sa Survivor Philippines.

"No" ang sagot ni Betong at "Lie" ang naging resulta nito sa lie-detector machine.

"Hindi naman siya talaga nanghihingi ng balato. Puro joke, [pero] feeling ko totoo," tawa nang tawang paliwanag ni Betong.

Dagdag pa niya, "Pero ako sa sarili ko, hindi talaga.

"Kasi, unang-una, bawal talaga na magbigay talaga ng balato kasi meron kaming mga contract, contract na pinirmahan.

"Pero meron siyang hinihingi sa akin. Ang hinihingi niya talaga sa akin Macbook Air at SLR camera.

"At marami-rami pa, worth two million!

"Sabi ko nga ba, ’It’s amazing!’" at muling tumawa si Bentong.

JUST FRIENDS. Ang sumunod na tanong kay Betong ay kung may plano itong manligaw kay Maey.

"Oh my, God! Amazingly no," ang sagot ni Betong.

"Truth" ang naging resulta ng kanyang sagot.

Sabi ni Betong, "May explanation naman ako. Kasi since 1996 pa kami magkakilala ni Maey.

"Kaya lang, kagaya ng sinabi niya, choosy siya, choosy rin ako. It’s a tie!" at natawa siya sa kanyang sinabi.

"Hindi... sobra ko talagang kaibigan talaga si Maey.

"Sobrang kaibigan ko talaga ’yan na talagang ayokong masira yung friendship namin.

"Kung magiging kami, baka dun magkasiraan kami kasi iba yung hinahanap niya, e.

"Hindi talaga ako pumasa talaga, e.

"So, nagpahaging man ako, sinarhan niya agad ako.

"So, sabi ko, huwag nang magpumilit pa, baka masaktan.

"At iyon, basta sobrang mahal na mahal ko ’yang taong ’yan."


PATRICIA JAVIER. Ang huling tanong kay Betong ay kung totoong noon ay nagkaroon sila ng relasyon ng dating sexy singer-actress na si Patricia Javier—o Genesis Canlapan sa tooong buhay—at iniwan na lang siya nito sa ere matapos ang isang linggo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Amazingly no!’" tugon ni Betong.

"Truth" muli ang naging resulta ng sagot niya.

Sabi ni Betong, "Actually, nagsimula talaga yun, magkasama kami sa high school, sa Antipolo Municipal High School.

"Magka-batch kami, mag-best friend talaga kami ni Patricia... ni Genesis."

May mensahe naman si Patricia para kay Betong via phone patch.

Ayon kay Patricia, "Sana huwag naman siyang madismaya.

"Kasi siguro kung nagtiyaga lang siya, siguro siya ang magiging first boyfriend ko sa school.

"I’m so proud of him dahil sa mga achievements niya na ginawa.

"Happy ako sa lahat ng mga times na nasa school kami

"Tapos na yun, may kanya-kanya na kaming buhay.

"Pero pareho kami na okay and very flattering para sa akin na naalala niya yung mga times na yun.

"And congratulations! For sure, kung meron man siyang karelasyon ngayon, the best yung nakuha niya."

Tinanong naman ni Sweet si Betong kung bakit hindi natuloy ang panliligaw niya kay Patricia.

"Sobra talaga akong nagtiyaga talaga kay Genesis talaga na ligawan.

"Kaya lang, ang dami talagang nanliligaw sa kanya sa school, sobrang dami.

"’Tapos ang itsura ko pa noon, talagang liyamado na liyamado talaga!" biro niya.

"Parang feeling ko, wala talagang... lakasan talaga ng loob.

"Kung sagutin man ako ni Genesis noon, baka nasa impluwensiya siya ng kung anuman para masagot niya ako!" ang tawa nang tawa pang sinabi ni Betong.

Dagdag pa ni Betong, "Pero sobrang mahal na mahal ko ’yang si Genesis."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN