PEP EXCLUSIVE Part 1: Alan Paule’s manager not mad at Cinemalaya for disqualifying MNL 143

The 2012 Cinemalaya entry MNL 143 should have starred Alan Paule (main photo) as the lead actor. However, the film was disqualified from being part of the 8th edition of Cinemalaya. Ed Instrella (inset), the manager of Alan, says that he is not angry with Robbie Tan or the Cinemalaya organizing committee.


Naging isa nang malaking isyu—lalo na sa independent cinema community—ang balita na na-disqualify sa 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ang New Breed entry na MNL 143.

Ang nasabing full-length film ay mula sa script at direksiyon ng baguhang filmmaker na si Emerson Reyes, graduate ng College of Saint Benilde na nagturo rin ng Multimedia Arts sa naturang kolehiyo.

Noong isang taon ay sumali si Emerson sa Short Film category ng Cinemalaya 2011. Ang kanyang entry na Walang Katapusang Kwarto ang nanalo ng Best Film, Best Screenplay, at Audience Choice Award.

Ngayong taon na ito, ang 8th edition ng Cinemalaya ay nakatakdang gawin mula July 20 hanggang 29.

Sa pormal na announcement ng Cinemalaya organization ilang buwan na ang nakalilipas, pasok ang MNL 143 as official finalist sa New Breed category. Ito ang kategorya kunsaan ang direktor nito ay hindi pa nakakapagpalabas commercially o sa mga sinehan ng at least three full-length films.

Gusto sana ni Emerson na ang maging bida sa naturang pelikula ang character actor na si Alan Paule at ang komedyanteng si Joy Viado. Kasama rin sana si Gardo Versoza sa cast ng MNL 143.

Ang pelikula ay tungkol sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Ramil (Alan) na hinahanap ang kanyang "long lost love" na si Mila (Joy).

Nitong mga nagdaang linggo, nag-circulate sa indie community ang bali-balitang "nagkakagulo" raw sa pagitan ng grupo ni Emerson Reyes (director) at Nestor Abrogena (producer) at sa pamunuan ng Cinemalaya: ang dating Seiko Films producer na si Robbie Tan (as monitoring committee head) at si Direk Laurice Guillen-Feleo (as Cinemalaya competition chairperson).

Na-disqualify ang MNL 143, dahil umano sa "casting issue."

Ayaw raw ng Cinemalaya organizing committee sa casting ni Emerson na sina Alan at Joy.

Nakatanggap si Emerson at si Mr. Abrogena ng formal disqualification letter—dated February 27, 2012—mula kay Direk Laurice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang nilalaman ng sulat na iyon:

"Following consultations on your entry between Mr. Emerson Reyes and Monitoring Head, Mr. Robbie Tan, we were informed that you were fixed on the original casting of your two leads, which we had pointed out were not suitable to the material.

"There is never any directive given to the finalists on who to cast-only our guideline as to how to cast. The basis of our interest in casting is that we want competence, suitability to the role, and greater audience acceptability.

"In our briefing, it was emphasized to the finalists that all requirements that are to be submitted for the corresponding grant releases will have to be approved and accepted before any fund release is to be made. This is also provided for in our MOA.

"We have always treated our finalists as partners, and as such, mutually look out for what is best for each project. But in the case of MNL 143, not heeding Cinemalaya’s advice shows a one-sided effort—only on our part—to achieve our objectives.

"Constrained therefore by a conflict of interest and by the provision in the MOA, the Cinemalaya Organizing Committee collegially decided on February 8, 2012 to exercise its prerogative and disqualify your entry from competition."

ALAN PAULE’S MANAGER REACTS TO DISQUALIFICATION. Sa pangyayaring ito, minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na interbyuhin ang manager ni Alan na si Ed Instrella, ang batikang showbiz talent manager na siya ring may hawak sa careers nina Jaclyn Jose at Cherry Pie Picache. Dati rin niyang hawak si Gardo Versoza.

Noong Biyernes, March 2, nagpaunlak ng eksklusibong panayam si Ed, kasama ang alagang si Alan, sa Veranda restaurant sa Roxas Boulevard, Manila.

Magkahiwalay ang naganap na interview: una kay Ed, sumunod kay Alan.

Narito ang buong panayam ng PEP.ph kay Ed Instrella, ang manager ni Alan Paule:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nagsimula ang offer ng MNL 143 para kay Alan Paule as lead actor?

"Rene Durian called me, kung puwede raw si Alan.

"Siyempre, babasahin namin yung material. Ito kasing estudyante niya [Emerson], nag-qualify [sa Cinemalaya], parang gusto daw si Alan sa cast.

"Ginagawa pa lang daw yung script, parang si Alan na yung nasa isip niya. Sabi ko, ’Ang ganda. Touched naman ako.’"

Kilala na niya si Rene dati pa?

"Si Rene, kilala ko, parang nagwo-work ’yan sa publicity ni Dante [Brillante Mendoza], hindi ba? At saka professor ’yan sa La Salle, kaibigan ’yan ni Cherry Coronel ng ANC...

"Ini-invite pa nga niya ako na mag-comment sa films ng students niya sa La Salle. Matagal ko na siyang kaibigan."

Ano ang itinawag ni Rene sa kanya?

"For Cinemalaya nga yung tawag niyang yun. Alam mo naman ako, ’pag Cinemalaya, excited ako.

"Mga three, four months ago yun. Matagal na. Bago pa mag-Christmas.

"Sabi ko, babasahin namin ang script. Di ko pa nabasa, si Alan ang nakabasa.

"Iniwan dito [resto ni Alan], balak kong hiramin. Di ko nahiram, e.

"’Tapos sabi ko ke Rene, because he’s a good friend of Alan, at madalas siya dito, ’Kayo na mag-usap ni Alan regarding the [talent fee]. Basta alamin ko lang ang scheduling, kasi wala naman kayong pera, wala namang pag-uusapan. Mapapagod lang ako ’pag pinag-usapan natin ’yan.’

"Sabi ko, ’Basta nakapasa ’yan sa Cinemalaya, it must be good! Ganyan ako.

"Wala na akong problema sa [talent fee]. Si Alan na lang, if he likes the role."

Nakausap ba niya si Direk Emerson?

"Wala, wala na, si Allan na ang nakikipag-usap. Pinaubaya ko na. Hanggang sa dumating ang tawag ni Rene a few weeks ago, February na."

Ito nga ang panahong naglalabasan na sa text messages at social networks ang isyung dinisqualify na ang MNL 143.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon na rin mismo kay Alan, nakapag-meeting na raw sila at isang araw ng "test shots."

Tungkol saan ang follow-up call na yun?

"Sinabi kaagad nila na may problema. Na ayaw ni Robbie Tan kay Alan. Ganoon kadiretso. ’Tapos, dinisqualify na sila, may kumuha nang iba."

May kinuha ng ibang finalist?

"Pinalitan na ang pelikula. Inalis na sa listahan. Inalis na lahat. Hindi na siya [Emerson], iba na.

"Anong isasagot ko doon? ’Ganoon?!’" natawa pa si Ed.

"Nakakagulat, e. Sabi ko, ’Dapat may process ’ata ’yan, a?’

"Sabi ko nga kay Alan, ’In Cinemalaya, we encourage indie filmmaking so you take care of these kids, mga bagong graduates, mga bagong pelikula... Inaalalayan mo... in every step of the way, inaalalayan mo sila. Na hindi sila ma-trauma, malaman nila ang process na maganda.’

"Which is why very important ang process o procedure. Dini-discuss.

"’Pag hindi puwede, magde-decide ng alternatibo, bago dumating doon sa tanggalan, o sa palitan ng casting.

"So, kahit na may rules na na-violate, aalalayan mo pa rin. Kasi, mga bata ’yan, e.

"So, nagulat ako na pinalitan na. Sabi ko, ’Baka may ibang factor na involved kaya naging ganoon ka-drastic [ang move].’

"Baka hindi lang yun ang nangyari, baka meron pa.

"Sabi ko, parang hindi ko ma-appreciate na ganoon ka-drastic ang mangyayari—for the reason of casting lang. Yun lang."

Anong hakbang ang personal niyang ginawa nang una niya itong malaman? Tumawag ba siya sa direktor o sa Cinemalaya competition chairperson na si Laurice Guillen?

"Hindi na. Kasi ’pag gumano’n ako, baka ma-complicate pa ang sitwasyon.

"It’s their struggle, e. Sila [ang produksiyon, headed by Emerson] ang mag-struggle niyan with Cinemalaya.

"Basta ang sinabi ko lang, ’Basta ako, I side with the director always. Naiintindihan ko ang ibig sabihin ng ’Cinemalaya.’

"They [filmmakers/scriptwriters] have the freedom to write their own material. Na walang restrictions from the marketing side. Kung sino ang gusto nilang casting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I’m always on the side of director pagdating sa mga ganyang indie projects. Kung ano ang gusto ng direktor, doon ako.

"Yun ang aking statement."

Bilang talent manager ni Alan, hindi siya nag-demand ng explanation mula sa Cinemalaya?

"Hindi. Kasi, hindi naman ako galit, e. Ayoko."

Hindi siya nag-expect ng ekplanasyon mula sa Cinemalaya kung bakit, diumano, ’ayaw ni Robbie Tan’ sa alaga niyang si Alan?

"Hindi, e, hindi naman ako si..." tawa niya.

"Ang feeling ko kasi, we’re always above these problems, e.

"Basta, sa side kami ng direktor. Sabihin mo lang na we support him doon sa gusto niyang mangyari.

"Kasi yun ang paniniwala kong prinsipyo ng Cinemalaya."

First time ba itong nangyari sa sinumang talent niya na nagka-film entry na sa Cinemalaya?

"Hindi, kasi before, ’pag may problema sila, halimbawa, ’Ayaw nila kay Cherry Pie, okay.’ ’A, hindi na ba si Jaclyn? Okay.’

"Ganoon lang ako. Hindi ko na tinatanong kung bakit.

"Ang point kasi is, hindi na, e. So, what’s the use? Bakit ako magpapagod?

Yun ang kanyang pamantayan bilang talent manager na kapag ayaw, ayaw. Kapag gusto, go lang?

"Pero with this Cinemalaya, knowing na yung director, gusto niya si Alan from the very beginning, I support him.

"Sinusuportahan ko ang kagustuhan ng isang indie director kasi I always believe na ang hope ng industry natin are with the indies [independent cinema]. It’s not with the mainstream.

"Hindi ko alam kung ngayon lang nangyari because hindi ko inaalam dati kung ano ang dahilan.

"Ngayon, sinabi nila sa akin kung ano ang dahilan kaya nagkaroon ako ng idea."

Ang proseso ba ng pag-deal niya sa mga direktor na kumukuha ng serbisyo ng kanyang mga artista ay ganito—tulad ng nangyari kay Allanna hindi niya muna kinausap si Direk Emerson for his offer kay Allan para sa MNL 143?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Pag indie, pinapadiretso ko na. Kasi, indie is always... hangga’t maaari, you minimize the marketing. Yung mga ganoong aspects. It should be, as much as possible, purely creative.

"Kung minsan nga, may style ako na ’pag indie, ’Kung may pera kayo, I want to get the money na, at ’wag na nating pag-usapan ang pera habang nagsu-shoot. Ayoko nang habulin.

"So minsan, nire-require ko na bago mag-shoot, kuha ko na ang pera, ’tulad kina Dante [Brillante Mendoza], basta kilala ko ang producer.

"Pero ’pag Cinemalaya, na ang pera [grant or initial funding of P500,000] ay talagang hinihintay pa, nag-aabono pa, hindi mo magagawang kunin agad ang pera, dahil wala talaga.

"Basta the idea is support the indie spirit. Ganoon dapat, e.

"Kumbaga, hindi ka dapat nakikialam sa director na, ’Ano ba ang gagawin ni Alan diyan?’ Di kaya dapat, ’Ganito si Alan?’

"Hindi ako naggaganoon. Kung ano ang gusto niyo at agreeable ang actor, let it be."

"Binibigyan ko ang talent ko and the director ng ganoong freedom, lalo na ’pag Cinemalaya ’yan or Cinema One Originals."

Aminado si Ed na hindi siya aware na lumaki na ng ganito ang issue, lalo na noong pumutok ang balita sa social networking sites last week.

"Hindi ko talaga alam na ganoon na. May nagsasabi lang sa akin, ’Uy, nabasa ko sa ganito-ganyan...’

"Ang sagot ko, ’Talaga?’ Ganyan lang ako."

Ngayong alam na niya na ganoon na kalaki ang issue at talent niyang si Alan Paule ang involved na aktor, ano ang masasabi dito ng talent manager?

"Fight for what you believe is right.

"Kasi, ang paniniwala natin sa Cinemalaya ay ang freedom, di ba? The freedom to create.

"So, kailangang ipaglaban yun."

Bilang manager, does he find it "unfair" na nangyari’yun kay Alan? Anong suporta ang puwede niyang ibigay sa produksiyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi ko na sa director na I am with him."

Nagalit ba siya sa Cinemalaya sa pangyayaring ito?

"Hindi ako nagalit. Kasi sa Cinemalaya, you have Robbie Tan, e. So, talagang mag-e-expect ka ng mga ganoong behavior."

Ano ang ibig niyang sabihin dito?

"E, he came from the marketing or the commercial side, e. From the mainstream [cinema].

"So, yung mainsteam principle, dala-dala niya, e, kahit na anong sabihin mo.

"And that’s the reason why he’s there. Para magkaroon ng commercial appeal ang Cinemalaya."

Naniniwala siya sa ganoon?

"Naniniwala ako doon, pero dapat, napoprotektahan yung freedom, yung pag-aalalay.

"Inaalalayan natin itong mga bagong filmmakers, e. We don’t want to traumatize them.

"Kasi negative na nga ang perception nila ng mainstream, sasabihin nila, ’E, ano ba ’to? Parang ganoon din? Walang pagbabago!’"

Bilang manager, siya ba ay nagtampo o sumama ang loob, dahil sa pangyayaring ito kay Alan—na bida na sana sa isang Cinemalaya 2012 full-length film ngayong July, "nabulilyaso" pa dahil nga disqualified dahil lang sa casting?

"We might come to a point na Cinemalaya would have to redefine kung ano talaga yung objective nila pagdating sa mga ganitong bagay. Kasi, tama lang naman, e.

"Kasi ang isang organisasyon ’tulad ng Cinemalaya should always go to a retreat and reflect on what they have done, and how they can improve it.

"’Pag may ganyang nasasagasaang mga bagong filmmakers, may nagawang baka hindi karapat-dapat o dapat ayusin.

"So ang point ko is for Cinemalaya to review kung ano ang mga paniniwala nila. Baka may kailangang balikan o i-improve.

"Kasi, naniniwala ako na kung tama lahat, walang magiging ganyang problema.

"Kung dinaan sa proseso, walang ganyang magiging problema.

"Kung nararamdaman ng filmmaker na inaalagaan siya, walang magiging ganyang problema, na nirespeto yung rights nila, walang magiging usapan na ganyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya na-offend na alaga nga niya ang "first and only choice" ng director for the lead role, and yet, ang sinasabi ng Cinemalaya critics ay hindi naman daw dumaan sa proseso ang nasabing disqualification?

"Unang-una, hindi ko kasi alam kung ano ang pinanggagalingan nina Robbie Tan, so I cannot feel I was offended. But I sympathize with the director."

NO CHEMISTRY BETWEEN ALAN AND JOY? Basically, ang sinasabi ng dating Seiko Films producer na si Robbie Tan ay "wrong casting" at "walang chemistry" sina Alan Paule at Joy Viado upang magsama sa MNL 143.

Ayon sa sulat ng Cinemalaya, ang basis nila para sa pagpili ng lead actors ay "competence, suitability to the role, and greater audience acceptability."

Katuwiran naman ni Ed, "Kasi, noong si Alan pa lang ang casting, parang walang problema, e.

"Noong unang-unang casting, si Alan pa lang, e. Nung na-approve ’yan [ang script], alam nilang si Alan, e.

"Ang tagal na, e. Three months ago, si Alan na ang nakaharap sa kanila."

Nakaharap, meaning?

"Alam na nina Robbie Tan. Alam na nilang si Alan, at least.

"Wala pa sina Joy. Zsa Zsa Padilla pa yung parang inaano nila, e.

"Hindi ko talaga alam, e, ang nakakaalam, yung director at yung grupo. Basta, ang alam ko, aprubado na sila.

"Kasi, remember, ’pag nag-apply ka sa Cinemalaya—yung bago ka ma-approve—may casting ka na, e."

Ayon kay Ed, hindi lang synopsis o production staff ang kasama sa isinusumite na documents kapag nag-a-apply ang isang filmmaker for Cinemalaya, kundi pati na ang casting, at least, the lead actor.

"Kasi bago nila apubahan ’yan, ’Sinong casting?’ Kaya ang nakalagay pa lang, si Alan."

Sa pagkakaalam ni Ed, "target casting" pa lang ba ang sinumiteng nandoon ang pangalan ni Alan o subject for approval pa ito ng komite?

"Actually, they even... they were approved na, e, di ba? Pumirma na sila ng kontrata, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even before that happens, si Robbie Tan, inaalam na ang casting. So, may Alan Paule na from the very beginning.

"So, ang point ko, baka may ibang factor na nag-lead to that decision [of disqualification].

"So, I cannot be... I cannot go ahead and say, ’Let’s have a rally or something.’"

Nais pa ba niyang alamin kung ano ang maaaring "factor" na yun, bukod sa casting?

"Hindi na. Basta ako nga, I’m with the director. It’s for the filmmaker to flesh it out."

Ano ang reaksiyon ni Ed sa pahayag ni Robbie na walang chemistry sina Alan at Joy?

"Prerogative nila ’yan sa Cinemalaya. Pero I respect more the rights of the director as to his cast. Dapat, naaalalayan ’yan."

May magandang komento naman si Robbie kina Alan at Joy bilang mga individual actors, pero na-specify nito na ang tambalan nina Alan at Joy "will not work." Ano ang masasabi dito ni Ed?

"Baka pagdating ng ibang casting, saka nagkaproblema? Kasi noon, Alan na, e.

"Remember, three months ago na ako tinawagan? So, noong na-approve sila, doon na nila siniguro ang casting.

"Pero ang alam ko diyan, ’pag nag-apply ka, meron ka nang casting. Nandoon na si Alan.

"In fact, habang sinusulat nila ang script, si Alan Paule na ang nasa isip nila."

Sabi ni Robbie, since ang Cinemalaya raw ang nagbibigay ng grant o seed money na P500,000 for the film production—na hahanapan ng producer ng karagdagang budget—mayroon na silang karapatan na sabihin kung kelan nila ito ibibigay, basta sumunod lamang sa requirements ang filmmakers chosen as finalists.

Sa hiwalay na panayam kay Mr. Robbie Tan, sinabi nito: "E, ganun naman talaga ’pag meron kang binigay na pera, hindi ba? At least you have a say, di ba?

"Kami, ang ultimate goal namin kasi, [is to make sure] magwu-work at gaganda ang project."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa letter na ipinadala ni Direk Laurice sa production, naging "one-sided" lang at hindi nakipag-cooperate as partner ang naturang filmmaker.

Ito ang nakasaad sa sulat ng Cinemalaya sa director at producer ng MNL 143:

"We have always treated our finalists as partners, and as such, mutually look out for what is best for each project. But in the case of MNL 143, not heeding Cinemalaya’s advice shows a one-sided effort—only on our part—to achieve our objectives."

Ano ang masasabi ni Ed tungkol sa diumano’y pagiging "one-sided" ng grupo?

"Ako, okay lang ako. Hindi ko rin kasi alam ang process nilang dalawa [Laurice and Robbie], e. Kasi, ang letter na ’yan, based sa reaction ni Laurice.

"Is there a failure to cooperate?

"Palagay ko, minsan, nasa attitude ’yan, sa pakikipag-usap, e. Yung mga, ’Ay, hindi, basta!’ Yung hindi nakikipag-usap nang matino.

"Kasi noong kinakausap ako nina Noel, galit nagalit sila, e.

"Sabi ko, ’Bakit galit na galit kayo? ’Wag kayong masyadong galit.’ Gumaganoon pa ako sa kanya.

"Kasi, baka di na talaga makita ang talagang points of discussion.

"Basta ako, susuporta ako sa director kung ano talaga ang gusto niya. Kasi ’yan ang isa sa prinsipyo ng Cinemalaya—kung ano ang vision niya, yun ang sundin natin.

"Sabi ko sa kanila [production], ’Kung may advice ang Cinemalaya, mag-usap kayo.’

"Ang sagot, ’E, tinanggal nga kami, e!’

"A, baka may nangyaring iba? Kasi, hindi ako naniniwalang ganoon ang Cinemalaya.

"Hindi ako naniniwalang casting lang ang ganoon... Nabababawan ako, yung ganoon. May pinanggalingan, may process of discussion.

"Pero sabi ko, ang letter na ’yan, may pinanggalingan rin ’yan. Matagal yung usapan nila, e, ilang buwan yun, e.

"Saka, kahit na ano pa ang sabihin natin, I still believe in Cinemalaya because of the products [films] that they have produced.

"Malaki ang kontribusyon nila sa development ng [Philippine] cinema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang insidente bang ito ay hindi sapat upang mabahiran ang reputasyon at kredibilidad ng pinakasikat na indie filmfest sa bansa?

Dito nagsabi si Ed na dapat daw ayusin ng Cinemalaya ang kanilang mga panuntunan tungkol sa mga lumalahok na film entries.

"There is a call for Cinemalaya to recall their procedures. Baka nga may natatamaan sila..."

Ano’ng ibig niyang sabihin?

"The way they deal with the indie filmmakers. You don’t deal with them as a child. You deal with them as partners, as what they say, di ba?

"Sabi ko nga, baka na-agitate ang mga baguhan, na hindi naman dapat ganoon, di ba?

"Kasi kung minsan, ’yang mga ’yan, excited, e. Hindi na natutulog sa excitement.

"So, ’pag in-agitate mo, madaling mag-react."

ROBBIE TAN PLAYS CRUCIAL ROLE IN MARKETING. Ano ang masasabi ni Ed sa mga deklarasyon ni Robbie Tan tungkol sa isyu in terms of casting, marketing, etc.?

"Kaya nga nandiyan si Robbie Tan, e.

"’Yun nga ang role niya diyan, e. To make sure na magkaroon ng audience ang mga pelikula nila.

"Kasi, naniniwala sila na kung wala namang audience, hindi rin aandar ang indie movement.

"Kasi, may attitude rin kasi ang ibang filmmakers, di ba, na ’Wala akong pakialam kung walang manonood!’

"Hindi dapat ganoon.

"Ako kasi, naniniwala akong film is the art for the people.

"Mas maraming manonood, mas effective ang film mo. It’s mass communication.

"So, dapat binabantayan ’yan. Through film, we’re educating and helping the people, yung awareness...

"We cannot just say na, ’It’s too bad kung ayaw nilang manood!’

"We really have to take care and develop of our own audience, and I think, Cinemalaya is doing that, been doing that, and maybe they believe that they should do more.

"Para umabot na sila patungong mainstream na, ’Eto na yung bagong mainstream!’ Na doon rin naman ang patungo noon in the long run.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Pag lumawak na ang pananaw ng mga tao, ’yan na ang mainstream.

"So, if you try to be very objective about it, natural ’yang mga ’yan. Yung mga clashes na ganyan, it will happen talaga."

Pero hindi siya naniniwalang ang "wrong casting" ay sapat na upang maging ground for disqualification?

"Hindi, hindi... marami ’yan."

Maaaring hindi nag-comply ang production pagdating sa requirements?

"Parang naging matigas ang ulo pagdating sa discussion, yun ang nababasa ko.

"Kasi when you talk about chemistry, combination of actors, di ba? Hindi lahat ng artista. Kumbinasyon.

"Dapat din, yung mga advisers, inaalalayan sila. Kasi may mga advisers ang mga ’yan."

Sa pagkakaalam niya, ang casting ay part pa rin ng trabaho ng Cinemalaya monitoring committee headed by Robbie?

"Ang nakikita kong trabaho niya ay marketing, e."

Ayon kay Robbie Tan, tinuturing niya ang sarili niya bilang isang istriktong teacher sa mga filmmakers na "graduate" ng Cinemalaya. Ngunit may ilang critics na nagsasabi na tipong nagiging "diktador" na raw ang Monitoring Committee dahil pati casting ay pinapakialaman nila.


Paliwanag ni Ed, "Biased kasi sila kay Robbie. ’Mainstream kasi ’yan dati, e,’ sasabihin nila yung ganoong bias kay Robbie.

"Dapat, obserbahan nilang mabuti yung proseso. Mag-usap sila nang matino. Don’t jump into conclusions. Don’t rush with their judgments."

Hindi kaya "rush" ang nangyaring desisyon ng disqualification?

"Rush ba talaga? E, baka matagal na ang problemang ’yan at ngayon lang pumutok [sa media] ’yan.

"Baka bago pa nagkaroon ng desisyon na palitan na sila, e, matagal na silang nagtatalo, or something.

"Marami nang puwedeng pag-uusap na mangyayari in days or weeks. May enough time naman to discuss and settle.

"Feeling ko, hindi abrupt ’yan. Binigyan rin sila ng time, knowing that Cinemalaya has deadlines, di ba? May deadlines tayo, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN